Chapter 1 ♥ My heart

471 7 3
                                    

Para sa unang nagcomment sa story na to! Thank YOU! :*

Warning: Hindi po talaga ako writer oh anu pa man. Kaya huwag po kayo masyado mag-expect! Tenchu!

Enjoy reading! Kung may readers man! Hehe

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

* Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnngggggg!!!! *

Paaaakk!! Hinampas ko na kasi yung alarm clock ko, ang ingay eh. Pero.. pero.. "Waaaahhh!" Anak ng bakal naman 'tong alarm clock ko! Ansakit ah! BAKAL nga kasi 'to! Tapos.. tapos.. hinampas ko nga di ba?! Uwaaaahhh! T.T

 Tinignan ko yung oras.. 6:45.. Ah, okay. 6:45? Tingin ulet.. 6:46.. Aaaaaaaaahhhhh! Leshe! Late na ko! Naknantupa naman oh! Bakit ngayon lang 'to nag-ingay samantalang 5:30 ko 'to si-net kagabi! >.<

 Tumambling na ko papuntang banyo, pero syempre JOKE lang 'yon. Tinakbo ko na yung banyo. Derecho ligo na tapos toothbrush, siguro sa kaka-dada ko e ilang minuto na din ang lumipas. Naman kasi e. Hmmppp.. Ayan, buti na lang naplantsa ko na yung uniform ko kagabi, kaya nagbihis na din ako. Tapos, bumaba na ko. Humingi na lang akong baon kay mommy, hindi na kasi ako makakapag-agahan e. Late na nga ako di ba?

"My, (A/n read as mi as in do-re-MI) alis na po ako. Baon ko? Late na po kasi ako. 'Kaw kasi e, di mo man lang ako ginising e kanina ka pa pala gising! Hmmp!" sumbat ko, #chos lang! Love na love ko mommy ko noh. Pero totoo, kanina pa talaga siya gising.

Pa'no ko alam? Eh kasi nakaset na yung mesa namin, tapos handa na rin yung mga pagkain. Take note ah, MGA. Kaya malamang sa malamang, kanina pa siya gising. Asar naman si mommy eh. Alam na niyang first day of class ko tapos, hinayaan lang ako maglambitin sa panaginip ko. Tss.

"Hoy! makapanermon ka! Ikaw nanay? Ikaw nanay?" si mommy yan! Ang cool di ba! Parang dabarkads lang kasi kami kaya ganyan kami mag-usap. Hehe.

"Para sabihin ko sa 'yo tatlong beses na kitang ginising mula nung magring yung alarm mo! Kaya huwag ako ang sisihin mo!"

Huwaaaat?! Eh bakit-- "Kung iniisip mo kung bakit kita hinayaan," Naks naman! Mind reader pala 'tong nanay ko! "kasi sabi mo '5-minutes na lang 'my'" Aba't artista din pala 'to! Parang na-imagine ko din yung sarili ko habang inaarte niya yung linya ko ah!

"Kaya hinayaan pa kitang matulog! Malay ko bang 20 minutes ang equivalent ng 5 minutes namin sa 'yo!? At tsaka nahihirapan rin naman akong magpanik-panaog sa hagdan noh!" Huwaaaaaiiiit!! >.< Naman eh.. Aissshh! Bahala na nga! Ere na weh! Ire-rewind ko pa ba ang mga pangyayari?

"My, baon ko na lng, tapos dagdagan mo na din, sa school na lang ako magbreakfast!" Lambing ko kay mommy.

Haha! Kaya ayun, inabutan ako ni mommy ng 500! Haha! "Wow! asenso 'my! 500?! Talaga?" ngiting-ngiti na sabi ko.

An Innocent Heart ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon