Chapter 7 ♥ What's with TRUST? o__O

118 4 2
                                    

Oh hooray for todaaaay! Sigaw muna tayo!

Okay, nababaliw na po kasi ako! Pasensya na! XD

Puchu-puchung update lang din po ito, just like the previous chapters. Enjoy reading for those who reads this! Thank you! *90-degree-bow*

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

 Devon's Heart ♥

"Good morning dear! Gumising ka na kung ayaw mong malate!" naririnig kong sabi ni mommy habang nakapikit pa mga mata ko.

"'My naman, dilim dilim pa eh..."

"Ikaw bahala! Magpe-prepare lang ako ng breakfast sa baba. Almost 7 na din pala!"

And with that, I automatically rose up from my bed! But, when I looked at the clock sa bedside table. 5:30 pa lang pala...

"MOOOOOOOMMMYYYYYY!" I shouted so that she'll feel I'm frustrated!

"Hahaha! What?" naabutan ko siyang pangisi-ngisi sa kusina habang nagluluto. Painosente pa si madir! >_< Kita nang busangot pa rin ako, tapos ngiti-ngiti siya diyan!

"Ang aga-aga pa naman 'my eh!" medyo inis na sabi ko sabay dukdok sa mesa.

"Sorry na 'nak! Eto nga oh pinagluluto kita ng paborito mong Cornbeef-si-log!" sabi niya na parang tinatakam ako.

"Kung 'di mo ko binulahaw sa pagtulog 'my baka naexcite pa ko diyan." sabi ko habang nakadukdok pa rin.

"Ayaw mo? Sige ipapabaon ko na lang kay daddy 'to!"

"Hala hindi 'my! Gutom na kaya ako!" sabi ko sabay tayo.

"Haha! I know you!" nakangiting sabi ni mommy.

Napangiti na lang ako sa sinabi ni mommy. She really do know me.. :)

"Nga pala 'my, bakit ang aga mong nagising ngayon?" sabi ko habang kumakain.

"Ah oo nga pala. Aalis kasi kami ni daddy. For five days lang naman." medyo napahinto ako sa pagkain.

"S'an punta niyo 'my?"

"May aasikasuhin lang kami sa probinsiya. Ano gusto mong pasalubong?"

"Ah." sabi ko.

"Don't worry, ibinilin naman kita kay Mareng Lynda. Kung may kailangan ka, sigawan mo lang daw siya diyan sa kabila. And, iiwan na rin namin allowance mo."

"Ingat kayo 'dun 'my ah!" sabi ko. Nalulungkot ako. Though five days lang naman 'yun.

"Hmmm, h'wag ka na malungkot 'nak. Promise, 'pag naging okay dun ng mas maaga sa 5 days, uuwi kami agad. Tsaka tatawag naman kami eh." sabi ni mommy sabay yakap sa 'kin.

"Eh kasi 'my..." yumakap na rin ako sa kanya.

"Alam ko naman na kaya mo dito eh. I trust you!" she kissed my forehead.

"Basta 'my tawag kayo ah. Si daddy nga pala?"

"Tulog pa, late na rin nakauwi eh. Mamaya na nga pala alis namin. Baka nasa school ka pa nun. Kaya dalin mo 'yung duplicate key ng bahay, baka sa puno ka na naman dumaan."

"Haha! 'My naman ang tagal na n'un!" natawa ako. Naalala ko na naman 'yung time na naiwan ko 'yung duplicate key, tapos dun ako dumaan sa may punong katabi ng kwarto ko! Abot kasi 'yung mga sanga nun sa mini balcony ng kwarto ko. Haha! Epic!

An Innocent Heart ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon