Chapter 18

22.6K 365 23
                                    

Chapter 18: Pawn

After school, I met with Kyle. He's studying from a different school and he is a friend too. Nagkakilala kami dahil sa family reunion namin. He is a distant relative but a close friend. Nauna siya sa akin ng baitang ng isang hakbang. He is gay and he loves fashion too. May clothing line ang family nila at isa siya sa mga gumagawa ng damit na ma-i-launch sa market.

We talked about my upcoming shoot with a perfume brand over dinner. My heart is filled with thankfulness and comfort. Sobrang excited ako na matapos ang linggong nalalapit para makipagkita sa taong kumuha sa akin. Kyle is young but he knows how entertainment world rotates so I have no problem trusting him.

Katulad ng kadalasan, maliban sa pag-mumuni sa nalalapitang debut ko, may pag-aaralan pa ako para sa finals namin.

Tumunog ang aking cellphone ngunit hindi ko na ito tiningnan at tumayo na galing sa pagkahiga sa sun lounger namin dito sa pool.

Friday has come but there is a sudden committee meeting at school kaya wala kaming pasok. We already passed our projects naman kaya hindi na mabigat ang aking ulo sa kakaisip sa mga ito.

I am wearing my comfortable black silky overall dress and barefooted around the house. Pati sila Kuya Sun at Kuya Martian ay nasa company kaya naiwan na naman akong mag isa rito sa bahay. Well, there are kasambahay naman.

Our mansion is big. The living room is so wide and we have our family portrait hanging above the fireplace. Sa bulwagan pa lamang ng aming mansion, sa main entrance, nakaukit roon ang motto ng aming pamilya sa lingwaheng espanyol... Poder y Riqueza, ibig sabihin, Might and Wealth. Si Abuelo ang nagpalagay no'n nang kinasal sina Daddy at Mommy. This house is designed by my great grandfather, Lolo ni Daddy, isang arkitekto rin. The design is quite exquisite with the ancient architecture's touches. Hindi nawawala ang big cove light na ilang taon nang nandidito pa rin sa ibabaw ng aming sala.

Daddy just renovated the rooms and the poolside but still, old architecture, artifacts, finishing touches were used. Ang dugo ni Mommy ay pinaghalong Espanyol at Filipino, but along side with having a spanish blood, we have about less than half of half chinese blood. Hindi naman ganoon ka dominant ang dugong tsino namin but some of the strategies and beliefs of being a chinese is applied in our lives.

That includes that all girls will be married to the man our family has chosen. There is no out of it as they say. I am too young to worry about it and I know in my heart that those rules won't chain me.

Narinig ko ang pagbati ng mga kasambahay sa taong dumating ngayon. Aside from having no class and chill, I was tasked to house my Titos and Titas.

"Magandang umaga po." magalang kong bati.

A big smile and warm hug embraced me from Tita Mercy, bunsong kapatid nila Mommy.

"I miss you, Duhexia. Look how big you've grown!" she exclaimed.

Ngumiti ako sa kanyang sinabi. Kasunod niya ang kanyang asawa na si Tito Cesar at ang isa pang kapatid ni Mommy na si Tito Roger kasama ang kanyang asawa na si Tita Fel. Parehong nag mano ako sa kanila.

"Paki akyat ng bagahe nila sa kwarto, Manang." marahan kong utos sa kasambahay.

"Ang laki mo na, Duhexia." si Tita Fel.

"'Yan nga ang sinabi ko, Fel. Parang kailan lang, ang liit nito at binubuhat pa."

Tinapik ni Tito Roger ang aking balikat kasabay ng pag-iling. "May plano pa sila kanina na magwindow shopping daw. Baka maaagrabyado ka niyan,"

Ngumiti lamang ako at tinampal ni Tita ang braso ng asawa.

"Bukas pa iyon, no..." pagalit niyang sinabi sa asawa. "Mija, we will have shopping tomorrow,"

Tears Of Heart (A Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon