Chapter 3

37.4K 695 75
                                    

Chapter 3: I was there

"Sasama ako, Heart."

Umiling ako sa patuloy na pangungulit ni Quentin. Ilang minuto ang nakalipas, nagtext siya sa akin na pupunta siya sa condo. Nagulat ako sa mensahe niya dahil inakala kong maging busy pa siya sa kanilang kompanya but in the end, hindi ko siya napigilan. Upang hindi magkagulo lalo ang reporters sa baba, sinalubong siya ni Carter patungo rito. No one knows my unit building and number maliban sa mga taong malapit sa akin.

Hinilot ko ang aking sentido at bahagyang sumandal sa couch. My days aren't getting better but worser. Kudos to dramas that really loves to be intangle with me.

"Hindi na, Quen. You've done enough. Ayaw ko ng magkaproblema ka ulit. I will clear your name and mine,"

"I need to be there." pagmamatigas niya kanina pa sa text.

Umiling muli ako. That will only cause ruckus and the rumor that this is only fake which in fact is true but will only destroy our name and everything we built from the ground. Kaya hanggang sa maari, sinabi ko sa kanila na huwag munang magpakita si Quentin sa medya.

"Tama si Heart. Hindi ka pwedeng sumama dahil mas lalong magtataka lang ang madla." sang-ayon ni Brynna sa aking plano.

"Fucking bitch! She tricked me!" galit niyang bulalas.

Humalakhak si Carter. "Ano nga ulit iyon? "Pleasure without measure"?"

Tumawa bigla si Quentin at nag-apir ang dalawa.

"Miss, handa na po ang sila Ma'am Lyne sa Crest de Verde." singgit ni Shannen.

Tipid akong tumango sa kanya.

Nakapagbihis na ako ng damit para sa maggaanap na exclusive interview. A white bodycon dress with wavy linings that lies on my side and a simple white stilettos. Mukha akong Birheng Maria sa ayos ko na ito, tila hinding hindi ko mababasag ang isang baso.

"Anong sasabihin mo mamaya sa interview, Heart?"

"In a relationship kayo pero you both decided to call it quits." si Brynna na ang sumagot.

Dumaing bigla si Carter. "Bakit?"

Nagkibit ng balikat siya. "Dahil napagdesisyon sila na career muna? Get to know more about thy self..."

Ngumisi ako.

"Bakit hindi nalang ikaw ang magpakita sa interview, Bryn?" halakhak ng kapatid.

"Yeah, I should!" she glared at me. "I am always saving her ass." may diin niyang sinabi.

I pouted a bit, playfully. "Ow, mahal mo talaga ako,"

Binigyan niya ako ng nakakadiring ekspresyon. "Tse!"

"Kuya Ben is already at the basement, Miss."

Napabaling ako kay Shannen at inabot niya sa akin ang isang designer bracelet. Tila hesistante ang ihip ng hangin sa sala habang sinusuot ko ang pulseras sa palapulsuhan. Nanatiling nakaupo si Carter habang may ngisi pa rin sa labi. Hindi ko na iyon pinansin at inabot ang aking itim na purse sa center table.

"Uuwi ka na rin?" tanong ko kay Quentin.

Higit ilang segundo ang lumipas bago siya dahan dahan na tumango.

"Manonood ako sa interview sa condo."

Tumango ako. "I'm sorry for so much troubles, Quen."

He went towards me for a soft hug. "Anything for our little sister."

Tears Of Heart (A Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon