(Typos and grammatical errors ahead)
-----"Kei, Ano na naman bang katangahan ito?!" Naiinis kong sabi sa kaniya. Sumimangot lang siya.
"Hindi nga kasi ako marunong magluto!"
Nakasimangot niyang sabi sa akin. Kumatok kasi ito sa kuwarto ko habang nagbabasa ako ng libro. Nakasimangot pa at pilit akong hinihila palabas ng kuwarto. Wala kasi siyang babaeng pupuntahan ngayun kaya ako na naman ang napagdiskartihan niyang guluhin. Kinakabahan pa naman ako dahil pinipilit niya akong hilain papunta sa kusina, 'yon naman pala ay dahil sa katangahan niya."Jusko naman, bakit naman kasi walang tubig 'yang kanin mo! Sino ba namang tanga ang magsaing ng walang tubig?!" Singhal ko sa kaniya na siya namang ikisinamangot niya lalo.
"Eh malay ko bang lalagyan pa pala ng tubig." Rason niya pa sa 'kin.
"Di bakit walang tubig ang rice mo? Hindi ka ba nag-aaral ng H.E o sadyang hindi ka lang nakikinig? Aba, baka ipa-salvage ka ng mga magulang mo sa katangahan mo!"
Naiinis ko pa ring sabi sa kaniya."Akala ko pwede eh! At tsaka bakit ka ba sumisigaw?! Malapit lang naman ako sa 'iyo!" Singhal niya rin sa 'kin.
"Eh kung ipamukha ko kaya sa'yo 'yang sunog na kaldiro tutal dahil 'yan sa katangahan mo?! At bakit? May angal ka kung sinisigawan kita?! Eh kung isumbong kaya kita sa Mommy mo!" Naiinis kong sabi sa kaniya.
"Di magsumbong ka! Diyan ka naman magaling!" Nakasimangot niyang sabi. Hindi na ako sumagot at baka mauubusan pa ako ng boses bukas sa kakasigaw. At baka mas lalo lang akong maiinis sa katangahan niya.
"Kumain ka na ba?" Masungit ko pa rin na tanong sa kaniya. Hindi siya sumagot, inirapan niya ako at parang batang natatampo. Dinaig pa ako!
"Hoy! Tinatanong kita kung kumain ka na!" Sabi ko sa kaniya.
"Hindi! Nasunog nga diba?!" Parang bata niyang sabi habang nakatalikod sa akin.
Hayyysss!
Inilapag ko na lang ang librong hawak ko sa kitchen counter at tsaka naghanap sa refrigerator na pwedeng lutuin. Sakto na namang nakakita ako ng manok. Ipagluluto ko na lamang siya ng adobo. Bahala siya kung magutom siya, dahil sa katangahan niya kasalanan naman niya iyon.
"Himala ata na hindi ka aalis ngayun?" Tanong ko sa kaniya. Hindi rin siya nakatiis at nilapitan niya ako lalo na ng maamoy niya ang adobong niluluto ko.
"Kaka break lang namin ni Marie."
Tignan mo to! Nakalimutan na naman ang pangalan.
"Marie? Akala ko ba si Rosario?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya. Sinasabi kasi niya sa akin lagi kapag may bago na siyang fling.
"Magkatunog naman ah!" Giit niya sa akin.
Bigla ay wala sabi-sabing pinitik ko siya noo."ARAY!" Sabi niya habang hinihimas ang noo niya.
"Kung tadyakan na lang kaya kita!" Ang gagong 'to ginawa pa akong tanga. Kailan pa naging magkatunog ang Marie at Rosario? Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi niya.
"Ano pa lang ginagawa mo sa kuwarto mo at umabot sa kuwarto ko ang ungol?" Tanong ko sa kaniya. Pinapanood niya lang ako habang naka upo siya sa lamesa at nakapalumbaba. Paano ba naman, Hindi ako maka pag concentrate sa pagbabasa ng libro kanina sa lakas ng ungol.
"Wala nanonood lang ng porn." Sabi niya
Walang hiya!
"Tss, sasusunod hinaan mo ang volume!" Singhal ko sa kaniya. Tamango lang siya.
Sanay na ako sa mga bastos na lumalabas sa bibig niya."Bukod doon?" Dagdag kong tanong.
"Nagsarili rin?" Hindi na ako nakatiis at piningot ang tainga niya.
"A—A–ar–y haha a–ara–y!" Hinawakan niya ang kamay ko at pilit niyang tinatanggal sa tainga niya.
" Iyang bibig mo!" Sabi ko at tsaka binatawan siya. Inirapan niya ako at tsaka hinihilot ang namumula niyang tainga at umupo ulit.
"Joke lang eh! Ikaw naman hindi ka na mabiro! Ang sakit!" Singhal niya sa akin.
" Tignan mo! Ma ho-hospital ka na sa susunod kapag hindi ka sumagot ng maayos." Banta ko sa kaniya.
"Oo na hindi na. Natulog ako tapos paggising ko nagutom ako. Tinatamad naman akong lumabas para bumili ng pagkain." Sabi niya sa akin.
"Di sana tinawag mo ako." Sabi ko sa kaniya.
"Tch, baka sigawan mo pa ako." Sabi niya.
Isinalin ko na isang mangkok ang adobo at inilapag iyon sa harap niya. Kumuha na rin ako ng sa rice cooker na ni luto ko at pagkatapos inihain sa kaniya. Nakita ko naman ang pagningning ng mga mata niya.
"Tang'na, masarap ba to o baka hindi?" Tanong niya.
"Di wag mong kainin!" Sabi ko at kinuha ang mangkok sa kaniya.
"Joke lang eh!" Inirapan ko siya sabay kuha niya sa akin ang mangkok kaya binigay ko na.
Umupo lang ako sa harapan niya at pinapanood siyang kumain. Nagsalin ako ng tubig tsaka uminom.
"Ayaw mo ba kumain?" Sabi niya habang puno pa ng kanin ang bibig niya.
"Ayuko, diet ako." Kaswal kong sagot.
"Sus, diet ka pa sa lagay na yan? Ang payat mo na nga nagdadiet ka pa. O baka gusto mong susubuan kita." Sabi niya.
"Huwag ka makulit, Velerio sexy ako!" Sabi ko sa kaniya at sinamahan pa ng matamis na ngiti.
"Sexy? Hoy pangit! San banda?" Nangiinis niyang sabi.
"Lahat!" Inirapan ko siya. Tumawa siya kaya na bilaukan at umubo.
"Hahaha, sabi sa 'yo eh haha" sabi ko at tsaka ko inabot ang tubig ko sa kaniya.
"Pagkatapos mo diyan magbihis ka, mag gogrocery tayo." Sabi ko sa kaniya. Kasi halos wala ng laman ang ref namin.
Aaminin ko, sa loob ng mahabang panahon. Hindi kami naging magkasundo pero lumipas ang panahon. Nakuha ko si Kei, nakilala ko na siya. Isip bata siya pero kapag sa seryosong bagay, seryoso siya. He is smart, no doubt. Pero hindi niya iyon pinapakita, he is clingy lalo pag naglalambing o lasing siya. Kahit isip bata ay doon ko napatunayan na masarap naman siyang kasama.
"Sus, palusot mo eh. Sabihin mo na lang na gusto mo akong ka-date may pa-grocery ka pang nalalaman!" Sabi niya at sinabayan pa ng nakakalokong ngiti.
"Kung ayaw mo sumama, hugasan mo ang sunog na kaldero!" Inirapan ko siya na ikisinamangot niya.
"Ayuko ko nga, sasama nalang ako." Nakasimangot niyang sabi.
"Good boy!" Sabi ko.