Chapter 6

14 8 0
                                    

(Typos and grammatical errors ahead)

                                
-----

"Hayyss hindi kasi kasya yan sa akin. Malaki nga kasi 'to!" Reklamo sa akin Keiron. Binatukan ko naman siya. Nandito kasi kami ngayun sa men section ng department store ng SM. Mall na pagmamay-ari ni Tita Erica.

"Anong malaki! Stretchable naman 'tong brief na bibilhin natin. Ang dami dami mong arte." Sabi ko sa kaniya sabay irap.

"Magagawa ko? Sa malaki 'to hindi maman kasya 'yan. Sukatin pa natin eh." Sabi pa Niya. It's already seven o'clock in the evening at dito agad kami dumiretso sa SM. Hindi muna agad kami kumain dahil dumiretso kami agad sa men section ng department store para ibili siya ng underwear. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao dahil sa puro reklamo siya.

"Huwag mong paandarin 'yang katangahan mo, Velerio. Sisipain kita dyan." Naiinis kong sabi sa kaniya. Kapag ganitong gutom pa naman ako, mainit ang ulo ko.

"Talaga naman, hindi kasya." Bulong pa niya na narinig ko Naman.

"May sinasabi ka?" Mataray kong tanong sa kaniya.

"Wala! Sabi ko ang ganda mo!" Sagot niya sa akin. Inirapan ko lang siya.

"Ang laki laki mo na, underwear lang nagpapasama ka pa magpabili. Isip bata ka talaga eh 'no? Pasalamat ka at nasa tabi mo ko lagi." Sabi ko sa kaniya. Sumimangot naman siya. Kinuha ko naman ang mga pinamili namin, dalawang pack ng new briefs at walong boxer shorts niya. May mga t-shirt din akong ibinili sa kaniya.

Pumunta na kami sa counter para bayaran ang mga pinamili namin. "Send it to my tab." Seryosong sabi ni Keiron sa counter.

"Yes, sir." Iyon lang ang isinagot sa kaniya ng cashier. Pagkatapos na ayusin ang pinamili namin, umalis na kami roon.

"Nagugutom ka na ba?" Tanong ko sa kaniya. He just nod.

"Saan mo ba gusto kumain?" Tanong ko sa kaniya.

"McDo, gusto ko ng fries tsaka burger." Parang batang sabi Niya. Paborito niya kasi ang Macdonald's since bata pa siya.

Pumunta naman kami sa Macdonald's dala ang mga pinamili namin. Naghanap lang kami ng puwesto at tsaka ko siya iniwan doon. I ordered what he wants. Umorder din ako ng rice at Chicken para sa aming dalawa at kung ano pa. Pagkatapos kong umorder, bumalik na ako sa puwesto namin dala ang mga inorder namin. Pero nadatnan ko siyang may kausap na babae. Abot tenga rin ang ngiti niya at hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdamn ng nais.

"Just call me." Sabi ni Keiron sa babaeng kausap niya kanina na may kasama pang kindat. Umalis na 'yung babaeng kausap niya. Hindi ko siya pinansin. Umupo lang ako sa harap niya at tsaka inilapag sa lamesa ang inorder ko.

"Ang tagal mo naman." Reklamo niya.

"Di sana ikaw ang umorder, hindi 'yung ako ang pinag-order mo para hindi ka matagalan." Seryoso kong sabi sa kaniya.

"Hindi ka na mabiro." Sabi niya. Kumagat na siya sa burger na inorder ko. Kinuha ko ang cellphone ko at  nag-check ng mga messages.

"Hoy pangit, bakit hindi ka na nagsasalita diyan?" Tanong niya.

"May dapat ba akong sabihin?" Tinapunan  ko siya saglit ng tingin pero muli kong ibinalik ang tingin ko sa cellphone ko.

"Ang sungit mo naman, umorder ka lang saglit nagsusungit ka na. May nakilala tuloy akong chicks kanina. Mas maganda pa sa'yo." Sabi niya sa akin.

"Okay." Iyon lang ang isinagot ko. I check some important message from my father and my sister. She is two years older than me. President at my Dad's company.

Marry Me (Ongoing)Where stories live. Discover now