Twenty-one

309 2 0
                                    

Twenty-one.


Nadatnan ko sa sala ang ilang maleta pagkauwi ko habang sila Mama, Papa at Kuya naman ay nakaupo sa sofa. Nakatingin lang sa akin si Kuya habang binibigyan niya ako ng isang tingin na hindi ko 'rin maipaliwanag.

ANONG MERON???

" Sinong aalis?" Tanong ko sakanila.

Walang sumagot.

" Aa, anong meron? Bakit ang tahimik niyo?" Tanong ko ulit.

" Mga gamit mo 'yan. Tutal inuugali mo naman ng hindi umuuwi dito, mas mabuti pa sigurong umalis ka nalang dito sa pamamahay ko." Si Mama na hindi manlang nag-aksaya ng oras para tignan ako.

" P-po?" Hindi ko alam kung seryoso sila o hindi.

" Habang tumatagal, nagiging bastos ka na, Dominique. Sinabi ko na sa'yo na lumayo ka kay Pong dahil masamang impluwensya siya sa'yo pero hindi ka nakikinig. Hindi mo na ba kami kayang i-respeto?!" Bakas sa boses ni Mama ang galit.

" W-wala naman po akong ginagawang masama, 'Ma. Nagpaalam naman ako kay Kuya." Pagdadahilan ko.

" Isa pa yang Kuya mo! Masyado ka niyang kinokonsente kaya ang lakas ng loob mong suwayin kami! Mga wala kayong utang na loob! Wala na kayong ginawa kundi pasamain ang loob ko at ng papa niyo!!!" Iniwas ko ang tingin ko nang tignan ako ni Mama ng masama.

" Hiyang-hiya kami ng Mama mong hinarap si Rowell at ang pamilya niya dahil sa ginawa mo sakanya! Ano bang iniisip mo at tinakasan mo siya!? Mahirap bang pagbigyan ang kagustuhan namin, Dominique!?" Si Papa.

" Mahirap 'din po bang intindihin na hindi ko gusto si Rowell?" Sagot ko. Sumama lalo ang tingin sa akin ni Papa.

" Bastos ka talagang bata ka!!!" Sigaw ni Papa na ikinatakot ko.

" 'Pa, hindi pagiging bastos 'yon, nagsasabi lang si Dominique. Bakit ba kasi hindi nalang natin siyang hayaan kung anong gusto niya? Malaki na si bunso, alam niya kung anong ginagawa niya." Si Kuya.

Ang totoo, naiiyak na ako. Pagkatapos ng masayang araw ko kasama si Pong, hindi ko inasahan na may ganitong mangyayari pagkauwi ko dito sa bahay, ganito kalala.

" Tumahimik ka, Duke! Hindi mo alam kung anong makakabuti sa kapatid mo!"  Ang sabi sakanya ni Papa.

" Ano bang makakabuti sa kapatid ko? Ang ipilit siya sa lalakeng hindi naman niya gusto? Dahil ano? Para sa pansarili niyong kagustuhan?" Ang sagot naman sakanya ni Kuya.

Nagpatuloy ang sagutan nila Papa at Kuya. Nag-umpisang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Natigil lang ang sagutan nila Papa at Kuya at maging ako ay natigilan nang makita naming nawalan ng malay si Mama. Nataranta si Papa sa nangyari habang ako naman ay tila napako ang mga paa ko mula sa kinatatayuan ko. Nakita ko nalang na buhat na ni Papa si Mama palabas ng bahay habang si Kuya naman ay nakasunod sakanila. Naiwan akong mag-isa sa bahay, hindi alam ang gagawin.


Sumunod ako sa hospital kung saan dinala si Mama. Kasalukuyan kaming magkatabi ni Kuya habang si Papa naman ay nakalayo sa amin, masama parin ang loob sa aming magkapatid.

" Kasalanan ko ba ang nangyari kay Mama, Kuya?" Umiiyak na tanong ko kay Kuya.

" Wala kang kasalanan, bunso. Huwag mo sisihin sarili mo."

" Pero dahil sa akin kung bakit siya nandito ngayon."

" Magiging okay 'rin si Mama, huwag ka na masyado mag-alala." Paninigurado sa akin ni Kuya.

" Paano kapag hindi?"

" Mukhang ikaw ang hindi okay, bunso. Kumalma ka."

" Pero kuya—"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko pa nang takpan ni Kuya ang bibig ko gamit ang palad niya. Sumandal nalang ako sa balikat ni Kuya, sapat na para maramdaman kong magiging maayos 'din ang lahat.


" Umuwi ka na muna, 'Pa. Kami na po muna magbabantay dito ni Bunso." Ang sabi ni Kuya kay Papa. Hindi siya pinansin ni Papa.

Nabaling ang atensyon ko nang tumunog ang phone ko. Nang tignan ko kung sino ang tumatawag, pangalan ni Pong ang nasa screen. Awtomatiko akong napatingin kay Kuya at Papa na ngayon ay nakatingin na 'rin pala sa akin na may masamang tingin. Hindi ko sinagot ang tawag at piniling patayin nalang ng tuluyan ang phone ko.


" Nasa labas si Pong. Puntahan mo na." Inform sa akin ni Kuya. Alas-diyes na 'rin ng gabi.

" Sige na. Kanina pa siya naghihintay. Nag-aalala na siya sa'yo. Ako na bahala kay Papa kapag hinanap ka." Ang sabi ni Kuya nang mahalata niyang nag-aalangan akong puntahan si Pong.

Gusto ko siyang puntahan. Gustong-gusto ko. Pero pagkatapos ng nangyari kay Mama, bigla akong natakot sa mga gagawin kong galaw lalo na kung may kaugnayan kay Pong. At ang nakakalungkot pa sa mga naiisip ko ngayon ay ang maisip na iwasan nalang siya at putulin ang kung anong mayroon kami alang-alang kay Mama.

Nilabas ko si Pong pagkatapos ng ilang minutong pamimilit sa akin ni Kuya. Nakita ko siya sa labas ng hospital. Mabilis niya akong nalapitan nang makita niya ako. Akmang yayakapin niya sana ako nang mabilis kong nailayo ang sarili ko sakanya.

SHIT!

" May dala akong food. Ang sabi ni Duke hindi ka pa 'raw kumakain. Aa, sa loob ba ng sasakyan mo gustong kumain? O sa canteen ng hospital?"

" W-wala akong gana, Pong." Ang nasabi ko nalang sakanya. Hindi ko magawang tignan siya sa mga mata niya, pakiramdam ko maiiyak ako kapag tinignan ko siya.

Kinuha niya ang kamay ko pero inalis ko ito mula sa pagkakahawak niya.

" Sa susunod nalang tayo mag-usap, Pong. P-papasok na ako sa loob, baka hinahanap na ako ni Papa." Paalam ko sakanya. Tatalikod na sana ako nang mahawakan niya ako sa braso ko.

" Wait." Utos niya. Kinuha niya sa loob ng sasakyan niya ang isang malaking paperbag at iniabot ito sa akin. "Kumain ka, Love." Tumango nalang ako bago ko siya tuluyang iwan. Habang naglalakad ako palayo sakanya ay ramdam ko ang sakit ng puso ko. Tumulo na 'rin ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilang hindi tumulo.

FUCK!!!
















Ugh! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon