Two.

454 4 0
                                    

(08/25/20 | 11:12 am)

Two.







Sa dami ng mga nakaka-MOMOL ni Pong, hindi 'rin talaga maiwasan na may mga nakakaaway siyang mga babae. Katulad ngayon, kakababa ko lang ng building nang makita ko ang kumpulan ng mga estudyante sa kalsada at nakita si Pong na eksaktong sinampal ng isang babae.

Tumakbo ako palapit sa kanilang dalawa. Muli pa niya sanang sasampalin si Pong nang maiharang ko na ang sarili ko dahilan para ako ang dapuhan ng malakas na sampal ng babae.

F-FUDGE!

Pakiramdam ko maiiyak ako dahil sa sakit ng sampal na natamo ko sa mabigat na kamay ng babaeng nasa harapan ko.

" Sa susunod na saktan mo pa si Pong, a-ako ang sisira sa magandang mukha mo." Pagbabanta ko sa babaeng kaharap ko pero sa halip na masindak siya ay tinawanan lang niya ako.

" Sino ka ba? Pinagtatanggol mo yang malandi at haliparot na si Pong!? May sira ka ba sa utak!?" Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

" Bawiin mo yang sinabi mo. " kalmadong sabi ko sakanya.

" Alin? Yung malandi at haliparot?" Tumawa pa siya na puno ng pag-iinsulto. Tinignan ko siya ng masama saka ko siya sinugod at binawian ng magkabilaang malalakas na sampal, sapat na para makabawi ako sa ginawa niya sa mukha ko at sa pag-iinsulto sa mahal ko. Pero dahil mukhang ayaw niyang magpatalo ay binawian niya 'rin ako hanggang sa nagsabunutan, sipaan at kalmutan na kaming dalawa. Ang malakas na hiyawan ng i mga estudyanteng nanunood ang naririnig ko na para bang nasa pustahan sila kung sino sa akin at sa babaeng hawak ko ang buhok ang mananalo.

" Move! " Rinig kong utos ni Pong. Sinilip ko pa siya habang nakasabunot sa akin ang babaeng amazona.

PAANO AKO MAKAKA-MOVE KUNG MAY NAKASABUNOT SA AKIN? AHAY!

Bumuntong hininga muna siya saka niya buong pwersang inalis ang kamay ni babaeng amazona sa buhok ko. Napaupo nalang ako sa semento habang pinanood ko nalang si Pong na kwinelyuhan si babaeng amazona.

" Enough with this bullshit, girl. Sana bago mo ako sinugod, inalam mo muna sana kung totoong nilandi ko yang boyfriend mong pinagpapantasyahan ako. I don't even know your guy pero ang lakas ng loob mong manakit na parang totoo yang bintang mo? god! Nag-iisip ka ba!? "

Kalmado lang ang pagsasalita ni Pong pero ramdam ang pagkainis niya. Yes, mahilig makipag-make out si Pong, cold siya, suplada at masungit pero wala sa ugali niya ang makipag-away, kaya everytime na may sumusugod sakanya ay nag-aalala ako kasi hindi talaga siya lumalaban ng pisikalan, mahilig siyang kumwelyo pero hanggang doon lang ang ginagawa niya.

Inalis niya ang pagkaka-kwelyo niya kay babaeng amazona at nilapitan ako. Inabot niya ang kamay niya sa akin at malugod ko naman iyong kinuha. Itinayo niya ako at naglakad palayo sa mga taong nakapanood ng nangyari.

Nangingiti ako, hindi lang dahil sa kasama ko siya ngayon kundi dahil hindi niya parin binibitawan ang kamay ko.

UGH! ANG LAMBOT NG KAMAY NG MAHAL KO!

Hinigpitan ko kaunti ang paghawak sa kamay niya.

FUDGE! PARA NA TALAGA KAMING MAG-GIRLFRIEND NA NAKA-HHWW! AAAHHH!

Nakarating kami sa isang cafè na malapit lang sa University. Tinignan ko lang si Pong nang pumunta siya sa counter at mukhang nag-order. Pagkabalik niya ay naupo siya sa tabi ko at hinarap ako. Natigilan pa ako nang hawakan niya ang magkabilaang pisngi ko. " Anong masakit sa'yo?" Tanong niya dahilan para mapangiti ako. Kumunot ang noo niya sa ginawa kong pag-ngiti.

" Sorry, kinilig lang ako." Pag-amin ko pero wala 'rin namang epekto sakanya dahil wala parin siyang reaction sa sinabi ko.

" Next time huwag ka ng nangingialam kapag may sumusugod sa akin para hindi ka nasasaktan." Seryosong bilin niya.

" Psh! Gusto lang naman kitang tulungan. Ayuko kayang may nananakit sa'yo." Sagot ko sakanya. Saglit niya akong tinignan pero iniwas niya 'rin ang mga tingin niya sa akin.

GRABE! WALA BA TALAGA AKONG EPEKTO SAKANYA? HINDI BA NIYA NARARAMDAMAN NA GUSTO KO SIYA AT LOWKEY KO SIYANG HINAHAROT?

" Ikaw, ayos ka lang ba?" Puno ng pag-aalalang tanong ko sakanya. Hinawakan ko 'rin ang pisngi niyang nasampal dahil hanggang ngayon ay namumula parin ito at may bakat pa ng sampal ni ateng amazona. Tumayo siya at lumipat ng upuan kaya hindi na nagtagal ang palad ko sa pisngi niya.

" I'm fine." Matipid na sagot niya.

Walang nagsasalita sa aming dalawa hanggang sa may lumapit sa aming staff at inilapag sa lamesa ang dalawang platito na may tig-isang slice ng strawberry shortcake at dalawang baso na may lamang mainit na brewed coffee. Nagpasalamat pa si Pong sa staff na lalake na mukhang kinilig pa nang ngitian siya ng mahal ko.

KUNG ALAM MO LANG NA HINDI GENUINE YANG NGITI NG MAHAL KO SA'YO.

" Madalas ka dito?" Tanong ko at pagbasag ko sa nakakabinging katahimikan naming dalawa. Tumango siya bilang sagot.

OH. MAKATAMBAY NGA 'RIN DITO.

" So mahilig ka sa strawberry shortcake at brewed coffee?" Tanong ko ulit na tinanguhan niya ulit.

NICE. ANG SARAP NAMAN KAUSAP. AHAY!

" Sino na mga dinala mo dito?" tanong ko pa. Hindi niya ako sinagot, sumubo lang siya ng strawberry shortcake.

UGH! PARANG GUSTO KO NALANG MAGING STRAWBERRY SHORTCAKE.

" Naniniwala ka ba sa destiny?" Tanong ko at hindi manlang siya nag-aksaya ng oras para tignan ako.

" E sa 'Love at First Sight'? " Sunod na tanong ko pero hindi parin niya ako pinapansin. " Ah, ako kasi oo. Sayo. Na- 'Love at First Sight' ako sa'yo."

FUDGE! ANG BADUY ATA?

I gave her my sweetest and genuine smile nang tignan niya ako.

" I love you, Pong." Pagtatapat ko.

BAHALA NA. IT'S ABOUT TIME NAMAN NA DI'BA? ANG TAGAL KO NA SIYANG MAHAL KAYA DAPAT LANG NA MALAMAN NIYA.

FUDGE! BAKIT NAKATINGIN LANG SIYA? WALA BA SIYANG SASABIHIN?

" I have to go. Ingat sa pag-uwi." Paalam niya.

" Pero—" hindi na niya ako pinatapos magsalita nang tumayo na siya at mabilis lumabas ng cafè.

SHIT! ANG SAKIT!

Ugh! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon