Twenty-four

190 2 0
                                    

Twenty-four.

" Kiki?"

Tawag ko sa pangalan ng sasakyan ni Pong.

Iginala ko ang tingin ko sa labas ng building apartment, nagbabakasakaling makita ko ang nagmamay-ari ng sasakyan.

PONG ... PLEASE, SANA NANDITO KA. MAGPAKITA KA SA AKIN.

Pero walang Pong na nagpakita sa loob ng ilang minutong paghihintay ko na may lumapit sa sasakyan.

Nadatnan ko sila Kuya at Ate Mika na nagluluto sa kusina. Natakam ako ng maamoy na sinigang ang niluluto nila.

" Kumusta araw mo, Bunso?"

Tanong ni Kuya nang makalapit ako sakanila.

" Ayos lang naman. Kayo? Kumusta?"

Balik na tanong ko. Hindi parin nawawala sa isip ko ang sasakyan na nakita ko sa labas.

" May sasakyan na ako. Pwede na tayong mag-out of town trips."

Masayang balita ni Kuya sa akin.

" Binigay sakanya ni Pong—"

Agad akong napatingin kay Ate Mika sa binanggit niyang pangalan. Nagkatinginan silang dalawa ni Kuya at nagpalipat-lipat ang tingin ko sakanilang dalawa.

" Shocks! I'm Sorry."

Si Ate Mika na napakagat nalang sa pang-ibabang labi niya.

" KUYA!"

Tawag ko sa kuya ko. Kailangan ko ng explanation niya. Saglit siyang natahimik pero nagsalita 'rin naman.

" Ok. Kay Pong galing yung sasakyan."

Panimula niya. Nagtinginan silang dalawa ni Ate Mika.

WAIT. KILALA BA NI ATE MIKA SI PONG?

" Kilala mo 'rin si Pong, Ate Mika?"

Tanong ko kay Ate Mika at tumango siya bilang sagot.

" Ah, bumili si Pong ng bagong sasakyan, a van. Kami ng Ate Mika mo ang kinuha niyang Architect and Engineer para umayos ng van niya at pwedeng matirhan habang nag-tra-travel siya."

Kwento ni Kuya.

" Kailan niyo siya huling nakita? "

Tanong ko. Nagkatinginan na naman silang dalawa ni Ate Mika.

" Kanina lang."

Sagot ni Kuya.

FUCK! KANINA LANG? NANDITO SIYA KANINA AT HINDI KO MANLANG SIYA NAABUTAN! FUCK!

" Sorry, bunso."

Si Kuya.

" Pupuntahan ko siya sa bahay niya."

Akmang lalabas na ako ng apartment ng pigilan nila ako.

" Wala na siya sa bahay niya."

Inform ni Kuya sa akin.

" Paano mo nalaman?"

Tanong ko.

" She informed us. "

At pinakita ni Kuya ang chat ni Pong sakanya.

FUCK!!!

Dumiretsyo ako sa kwarto at doon ay binuhos ko lahat ng lungkot at pagsisisi ko sa nangyari sa amin ni Pong.

Yakap ko ang unan ko habang humahagulgol.

Ilang oras akong umiyak.

Alas-diyes na ng gabi nang magising ako. Nang lumabas ako ng kwarto ay nakita ko sila Kuya at Ate Mika na nakaupo lang sa sofa habang may pinapanood na series sa netflix.

Napatingin silang dalawa sa akin. Tumayo pa si Ate Mika at nilapitan ako saka niyakap.

Naiiyak na naman ako.

" Ah, ipapainit ko yung ulam, bunso."

Si Kuya na nagmadaling pumunta sa kusina.

Inalo lang ako ni Ate Mika hanggang sa matapos si Kuya. Sinamahan nila ako sa dining area.

" Bakit hindi niyo sinabi sa akin na nagtra-trabaho pala kayo kay Pong? Na nakakausap niyo pala siya? "

Tanong ko sakanila pagkatapos ng unang subo ko ng pagkain.

" Ayon ang gusto ni Pong. Sinabihan niya kami na huwag sabihin sa'yo."

Sagot ni Kuya.

" Bakit? Anong dahilan niya? "

Tanong ko ulit.

" Ayon ang hindi namin alam, Bunso."

Tumutulo parin ang luha ko habang kumakain.

" H-hindi na ba niya ako mahal?"

Tanong ko.

" Dominique ..."

Si Ate Mika na bakas sa boses niya ang pag-aalala.

" Aa oo nga pala, ako pala nang-iwan sakanya! Fuck! Ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko!"

Hindi ko na nagawang sumubo pa dahil humahagulgol na naman ako.

Naramdaman ko ang pagyakap nila Kuya atAte Mika sa akin.

" Babalik siya bunso. Babalikan ka niya. Alam ko na mahal ka ni Pong. Babalik siya."

Paninigurado sa akin ni Kuya.

" For now, kailangan niyo munang bigyan ng time ang mga sarili niyo, Dominique. "

Payo ni Ate Mika.

Ilang gabi akong hindi nakatulog ng maayos. Ilang araw akong lutang habang nasa trabaho at klase. Ilang araw, linggo na ang lumipas pero sakop parin ni Pong ang isipan ko.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako ganito.

Hindi ko alam kung magiging ok pa ba ako.

Hindi ko alam.

FUCK!












Ugh! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon