Thirteen

118 2 0
                                    

(9/03/20 | 1:36 am)

Thirteen.


" Mmm... Ang sarap nitong Thai Pork Drunken Noodles, Punch! Ngayon lang ako nakakain ng Thai cuisine at masasabi kong masarap pala talaga. Mmm..." Si Kuya na sarap na sarap sa mga niluto ni ate Punch.

" We have a Thai restaurant located at Poblacion Street, pwede kayong pumunta para ma-try niyo pa yun iba pang mga Thai cuisines. " Pag-e-endorso ni ate Punch. " And nasabi pala ni Tito Domingo na architect ka 'raw?"

" Ah, oo. Nagtatrabaho ako sa isang  kilalang construction firm. So, kapag may balak kang magpatayo ng bahay or branch ng restaurant mo, magsabi ka lang sa akin, tutulungan kita."

" Sure. Actually may balak akong magpatayo talaga ng branch ng restaurant namin, plano ko next year."

" Sige sige, pag-usapan natin 'yan, Punch. Teka, sino gusto ng beer? Gusto mo ba, Punch? Papa?"   Sumang-ayon sila ate Punch at Papa na uminom ng beer.

" Gusto mo 'rin ba mag-beer, Pong?" Tanong 'rin ni Kuya kay Pong.

" Sure." Sagot ni Pong.

Tumayo si kuya at pumunta sa kusina para kumuha ng beer sa refrigerator.

" Umiinom ka, hija?" Tanong ni Mama kay Pong.

" Yes po. Occasionally."

Tinignan ni Mama si Pong na may panghuhusga sa mga mata niya.

" Si Dominique kasi hindi ko pinapayagan uminom, bawal. Ayukong mapariwara ang buhay niya gaya ng mga kasing edad niyang kapitbahay namin na wala ng ginawa kundi uminom gabi-gabi. May mga bisyo, naninigarilyo. Diyos ko! Mga pinapabayaan ng mga magulang."

SHIT. BAKIT KAILANGAN PANG MAGSALITA NI MAMA?

Hinawakan ko ang kamay ni Pong sa ilalim ng lamesa para pigilan siya sa kung ano man ang sasabihin niya.

" Naninigarilyo ka 'rin ba?" Tanong pa ni Mama.

" Yes po." Diretsyang sagot ni Pong. Tinignan ako ni Mama at base sa tingin niya sa akin, alam ko na kung anong iniisip niya.

Isa-isang binigay ni Kuya Duke ang mga beer kila Papa, ate Punch at Pong.

" Hindi ka manlang ba pinagsasabihan ng mga magulang niyo? Ikaw,Punch, ate ka niya, hindi mo manlang ba siya sinisita?" Dagdag pa ni Mama. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Pong.

PLEASE, PONG, HUWAG MO NA SAGUTIN SI MAMA.

Nawala ang mga ngiti sa labi ni ate Punch.

FUDGE! MAY MANGYAYARI NA NAMAN BA?

" 'Ma, chill. Ako nga na anak mo naninigarilyo hindi mo naman ako pinagsasabihan. Si Papa naninigarilyo 'rin naman, wala ka 'rin namang sinasabi. " Si Kuya na nakisabat na.

" Iba kayo. Isa pa, mga lalake kayo." Dahilan ni Mama. " Ang pangit sa babae ang may bisyo. Para silang mga pakawalang babae na puro problema lang ang dulot sa mga magulang nila. Haaay!" Dagdag pa niya.

" Mama! Tama na. " Suway ko sakanya.

" O bakit? Totoo naman. Hindi ba sila pinalaki ng tama ng mga magulang nila para magkaganyan sila?"

AAHHHH! GUSTO KO NALANG LAGYAN NG TAPE ANG BUNGANGA NI MAMA! ANO BANG MGA PINAGSASABI NIYA!?

" 'Ma! Yang bunganga mo naman! Hindi ba kayo nahihiya sa mga sinasabi niyo sa kapwa niyo? Sorry, Punch, Pong, huwag kayong makinig sa mga sinasabi ni Mama. " Si kuya na halata na 'rin ang inis sa mukha niya. Uminom siya ng beer.

" Mabuting tao ang kapatid ko, Tita..." Si ate Punch na nagsalita na. "Kahit umiinom siya, naninigarilyo at kung ano pang ibang ginagawa niya, never siyang nanghusga at nanira ng kapwa niya. She fucked up sometimes pero alam niya kung paano maging accountable sa mga actions niya at gusto ko iyon sa kapatid ko, Tita. And before you judge someone po, make sure na may alam kayo sa buhay niya at alam niyo kung anong mga pinagdaanan nila bago niyo sabihing 'pakawalang babae' sila. Sana sa susunod po, kung wala kayong sasabihing maganda sa isang tao, mas mabuting huwag nalang po kayong magsalita. Hindi ko po hahayaan na may mang-bastos kay Pong. Maayos kaming pumunta dito kaya sana maayos niyo 'rin kaming pakitungahan, Tita." Kalmadong litanya ni ate Punch. Nginitian niya pa si Mama pagkatapos niyang magsalita.

Pinag-dikit nila ate Punch at Kuya Duke ang mga bote ng beer nila saka sila uminom mula dito. Tinignan ako ni Pong.

" Sorry." Ang nasabi ko nalang sakanya. Gusto ko siyang yakapin, alam ko na masama ang loob niya sa mga sinabi ni Mama, idagdag pa na pinigilan ko siyang magsalita dahil ayukong humaba pa ang usapan at ayukong magkasagutan sila ni Mama.

Ininom niya ang beer niya, inubos niya ito sa isang inuman lang dahilan para mapatingin sakanya sila Mama at Papa, Kuya at ate Punch.

" P-pong..." Tawag ko sakanya.

Inilapag niya sa lamesa ang bote, nakatingin lang kami sakanya.

" Smoke lang po ako, excuse me " paalam niya saka siya tumayo.

" Teka, sabay ako, Pong." Si kuya na sumunod kay Pong.


Hindi ako pinatulog ni Mama sa kwarto ko dahil nandoon sila Pong at ate Punch. Nandito ako ngayon sa kwarto nila Mama, alas-dos na ng madaling araw pero hindi ko parin magawang matulog. Naiisip ko si Pong. Gusto ko siyang puntahan sa kwarto ko peto natatakot naman ako na baka magising si Mama at mapansin ako na wala sa kwarto nila.

Ilang minuto pa ang lumipas at nagpasya akong lumabas.

BAHALA NA! KAILANGAN KONG MAKITA SI PONG!

Eksaktong nasa tapat na ako ng kwarto ko at bubuksan na sana ang pinto nang bumukas ito at niluwa si ate Punch.

" Ate Punch, b-bakit gising ka pa? Si Pong? Gising pa ba?" Tanong ko.

Kinuha niya ang kamay ko at naglakad kami papunta sa dining area.

" Kakatulog lang ulit ni Pong, mas mabuti kung mamayang umaga mo nalang siya silipin." Ang sabi ni ate Punch.

" Ayos lang ba siya?" Tanong ko.

Lumungkot ang ekspresyon ng mukha ni ate Punch.
Tingin ko nga naluluha siya.

" May nangyari ba ate?" Tanong ko ulit.

Itinaas ni ate Punch ang mga paa niya sa upuan at napayakap siya dito.

" Magaling si Pong magtago ng totoong nararamdaman niya. " Panimula ni ate Punch. Hindi ko alam ang sasabihin ni ate Punch pero ngayon palang nararamdaman ko na yung lungkot.

Huminga ng malalim si ate Punch.

" Nami-miss ko lang si Pong..." Ang sabi niya saka siya tumawa, yung tawa pero naiiyak siya.

HALA! A-ANONG PROBLEMA?

"  Yung kapatid ko na mababaw ang kaligayahan, yung kapatid ko na malambing sa akin... Yung kapatid ko na l-lagi akong hinahanap."

Kumirot ang puso ko nang makitang tumulo na ang mga luha ni ate Punch. Kumuha ako ng isang basong may lamang tubig at binigay sakanya. " Thank you, Dominique." Pasalamat niya.

" Pwede ko po bang malaman kung bakit siya nagbago? "

" Traumatic events."

TRAUMATIC EVENTS...

Ugh! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon