Kinuha ko ang palad niya at nilagay dun ang sing sing na nagsisimbulo ng pagmamahal ko sa kaniya na ngayon ay unti-unti nang mawawala
Tumakbo ako palayo at nilagpasan si Caliv agad akong pumara ng Taxi at sumakay dun haggang sa biyahe ay walang humpay sa pagpatak ang Luha ko at hanggang sa makarating ako ng bahay at nilock yun
Sumandal ako sa likod ng pinto Wala na atang katigilan ang pagagos ng luha ko niyakap ko ang tuhod ko at dun humagulgol
" H-hon " tumunghay ako ng makarinig ako ng boses sa pinto ilang beses siyang kumatok
" A-ayusin natin to ! H-hindi ko kaya na pakawalan ka " dagdag niya tumayo ako at naglakad palayo sa pinto at naupo sa sofa mula dito Hindi Kona dinig ang mga sinasabi Niya Kung meron man
Namalayan Kona Lang Ang sariling nakahiga na sa sofa kusot kusot ko Ang aking Mata ng tumingin sa bintana umaga na pala napadako Naman ang tingin ko sa pinto
Pumasok ako sa kabilang kwarto dahil dun nakaconnect Ang cctv ng bahay hinanap ko Ang Cam sa harap ng pinto ngumiti ako ng makitang Wala na siya dun Hindi Kona pinagaksayang I review Ang nangyari sa kaniya kagabi Alam Kong sasaktan ko Lang Ang sarili ko
Napagisipan Kong umalis muna dito Kaya nagimpake na ako ng gamit Alam Kong babalik at babalik siya dito , dahan dahan Kong binuksan Ang pinto ng bahay at lumabas dala Ang maleta ko
Higit higit ko Yun ng lumabas ako ng Gate pumara ako ng Taxi at sinabi Ang Address Kung saan ako pupunta
Tanda kopa Kung saan ang condo ni Shine Kaya nagbakasali akong pumunta dun araw ng martes ngayon panigurado ako na nandun siya galing sa Surigao
Bumaba ako sa harap ng mataas na building ito nga Yun pumasok ako dun at agad na sumakay sa elevator
Hinanap ko ang Room number Niya at nang Makita ko agad akong kumatok dun ilang Segundo pa ay bumukas Yun at tumambad sakin si shine na nakatuwalya Lang
" Tina ? Anong ginagawa mo dito ? Bakit may dala Kang maleta at bakit mugto yang Mata mo ? " Sunod sunod niyang tanong
Umupo ako sa sofa at malungkot na pinagmamasdan Ang paligid
" Nakipahiwalay nako Kay Tyrone shine " sagot ko nagulat Naman siya dahil dun
Kinwento ko lahat sa kaniya Halo halong reaksyon Ang nakuha ko sa kaniya
" So anong balak mo ? " Tanong niya at inabutan ako ng mainit na kape
" Hindi kopa Alam shine blangko ang isip ko Kaya sayo ako nagpunta kaagad "
" Alam na ba ni Tito to ? Nangako si Tyrone sa kaniya at Alam Kong magaalala Yun sayo "
" Alam ko pero shine kapag hinanap nila ako pakiusap wag Mong sasabihin Kung nasaan ako gusto ko munang tumahimik ang buhay ko Kahit ilang araw Lang " matamlay Kong sagot narinig Kong bumuntong hininga siya at niyakap ako mula sa tagiliran
BINABASA MO ANG
Addicted Kisses ( COMPLETE )
RomansaTyrone Ace Salvestre also known as The Ultimate Casanova Wala siyang ibang inintindi kundi ang pagsawaan at Gamitin ang kahinaan ng mga babae his life is Perfect for being the Casanova but One Day He came into Surigao for a long vacation but sudde...