Chapter 2

5 0 0
                                    

Ram's POV

(Ohm pawat as Ram shown above)

Kakatapos lang namin magusap sa telepono ni Don. Binalita nya sakin na pumayag na si Tita Ann na tumira kami ni Don sa mga malapit na dorm pagdating sa kolehiyo.

Iba yung tuwa at saya na nadarama ko lalo na at makakasama ko ang aking kaibigan.

Pero di niya alam na matagal na akong akong may gusto sa kanya. Di ko rin alam kung kelan ko unang naramdaman to sa kanya.

Nung una, akala ko masaya lang ako kapag kasama ko siya, pero habang tumatagal ay parang nagiging iba na yung pagtingin ko. Parang nahuhulog na ata yung loob ko sa kanya.

Hanggang ngayon ay di ko pa rin makalimutan yung araw na pinuntahan ko siya sa bahay nila para ayain lumabas at gumala sa may plaza.

Lalo na nung, biniro ko siya na hihintayin ko siya sa may kwarto nya habang nagbibihis siya.

Kita ko kung pano siya nahiya at nainis saken. Pero sa loob loob ko gusto ko talagang makita ulit yung katawan niya.

Kahit saglit lang. Isa rin to sa mga dahilan kung bakit ako nagdesisyon na yayain na magdorm si Don para magkaroon ako ng tiyansa na makasama siya sa iisang bahay.

Alam ko na medyo mali yung rason ko pero wala na akong ibang maisip na dahilan pa para makasama yung taong gusto ko.

At kapag naisakatuparan ko na yung plano ko, hindi ko hahayaan na masira pa to..

Maya maya lang ay napagdesisyunan kong lumabas at maglakad lakad saglit para magpahangin.

Balak ko sanang yayain si Don ulit kaso naisip ko na wag nalang muna.

Nang makarating ako sa may plaza, tumambay muna ako saglit sa may gilid at nagmuni-muni.

Naalala ko yung unang beses na nagkakilala kami ni Don nung mga bata pa kami.

Tandang tanda ko pa yung itsura niya habang umiiyak dahil pinagtitripan siya ng ilang bata sa paligid.

Di ko alam kung bakit ako biglang lumapit para tulungan siya. Pero di pa rin siya tinantanan ng mga bata kaya sa sobrang galit ko ay sinuntok ko ang isa sa kanila.

Sa sobrang gulat nila ay napatakbo yung ilang bata. Binantaan ko sila na kapag inulit pa nila ulit yun eh, ako na yung makakalaban nila.

Pagkaalis nila ay tinulungan kong tumayo si Don at pinatahan.

Ako : "Uy bata, tahan na wag ka nang umiyak. Pinaalis ko na yung mga umaway sayo. "

Don:  "Salamat ah, di ko alam bakit nila ako pinagtitripan eh. Pasensya na pati ikaw nadamay pa.. "

Ako: "Wala yun, ako nga pala si Ram, basta kapag may nangaway sayo sumbong mo lang sakin, akong bahala sayo.. "

Don: "ako naman si Don, talaga ba, nakakahiya naman say, Pero ok na ako kaya ko naman yung sarili ko.. "

Ako: "Sigurado ka? "

Don: "Oo. "

Ako: "Sige na nga, sabi mo yan.. Samahan na kita pauwi.."

Don: "Salamat ulit Ram"

Di ko maiwasang mangiti kapag naalala ko yung araw na yun.

Simula noong araw na yon naging matalik na kaibigan ko na si Don at halos di n kami mapaghiwalay.

Pinangako ko rin sa sarili ko na, aalagaan ko at poprotektahan ko si Don kahit anong mangyari.

Di ko hahayaan na may mangyaring masama sa taong mahal ko...

Web of Hearts 🕸💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon