(Pluem Purim as Kuya Nick as shown above)
Don's POV
Bandang alas syete nang makauwi si Kuya Nick sa bahay.
Agad ko siyang binati at tumango naman siya bilang pagsangayon.
Tinanong ko na rin si Kuya tungkol sa alok ni Ram na pagtira sa dorm at sinabi ko na pumayag na si Mama pero sinabihan niya ako na ikonsulta ko muna sa kanya para matulungan kami sa paghahanap ng malilipatang dorm na malapit lang sa may paaralan.
Kuya Nick: "Ganun ba, sige subukan kong maghanap ng mga malapit at murang dorm bukas pagalis ko.. "
Ako: "Talaga kuya, Salamat.. "
Kuya Nick: "Wala yon, basta siguraduhin nyo na magaaral kayo ng mabuti at di pagbubulakbol ang uunahin nyo, at wag na wag kayong magdadala ng mga babae sa dorm nyo. Bibisitahin ko din kayo minsan para tingnan yung kalagayan niyo doon. "
Ako: "Hehe, Kuya naman goodboy kaya kami ni Ram. Pangako magaaral kami at hindi gagawa ng anumang hindi maganda. "
Kuya Nick: "Buti naman kung ganoon, sige na, pupunta muna ako sa kwarto ko para magbihis. Maghanda ka na rin ng makakaen bago umuwi si Mama. "
Ako: "Sige kuya, akong bahala.. "
Pagkatapos naming magusap ni Kuya at dumiretso na nga siya sa kanyang kwarto at ko naman ay naghanda na nang aming hapunan.
Pagkatapos kong maghanda ng makakaen, ay saktong baba ni Kuya Nick at ilang saglit lang din ay nakauwi na rin si Mama.
Kaya inaya ko na rin sila kumaen ng hapunan.
Pagkatapos namin kumaen at nagpaalam na ako sa kanila na aakyat na ako sa kwarto.
Pagkapasok ko sa kwarto ay minessage ko si Ram tungkol sa pagpayag ni Kuya na tulungan kami sa paghahanap ng malilipatang dorm.
Maya maya lang ay sumagot na rin si Ram na masaya siya sa pagpayag ni Kuya Nick na tulungan kami.
Pagkatapos naming magusap ay nagdesisyon na akong magpahinga.
Excited na talaga ako...
Sana magsimula na yung pasukan..