Don's POV
(Nanon as Don, picture shown above)
Minsan napapaisip ka rin ba kung anong gagawin mo kapag naguguluhan ka na kung anu ba ang dapat unahin mo?
Hayzz, ganito pala ung pakiramdam kapag litong lito ka na...
Heto ako ngayon nakahiga sa kwarto kakatapos ko lang manuod ng palabas sa TV nang bigla bigla nalang pumasok ang asungot kong kaibigang si Ram
Ram : "Uy Don, gusto mo bang sumama? Plano ko kasing magstroll sa may plaza tapos diretso na rin tayong kumaen after.."
Ako: "Ngayon na ba as in agad agad? Kakahiga ko lang eh, at saka tinatamad akong lumabas ng bahay eh.. "
Ram: "Eto naman parang hindi kaibigan, sige na samahan mo na ako.. Please.... "
Ako: "Oo na sige na, di mo na kelangan pang magmakaawa dyan.. "
Ram: "Hehehe, sabi na di mo talaga ako matitiis.. "
Ako: "Sige na, magpapalit lang ako saglit ng damit, hintayin mo nalang ako sa baba.. "
Ram: "Sus di na, bilisan mo nalang magpalit ngayon, wag ka nang mahiya nakita ko naman na yan maski dati pa... "
Ako: "ulol, pinagsasabi mo mga bata pa tayo nun noh as if naman nakita mo na to ulit recently... "
Ram: "Pwede naman, why not? "
Ako: "Tsss, ewan ko sayo, sige na lumabas ka na muna bago pa magbago isip ko at di na sumama sayo ng tuluyan..
Ram: "Oo na, eto na lalabas na, kahit kelan di na mabiro.. "
Ako: "Ewan ko sayo... "
Nang makalabas na si Ram ng kwarto, eh saglit na akong nagpalit ng isusuot ko at tuluyang lumabas para samahan si Ram sa pag-gala..
Saglit lang ay nakarating na kami sa may plaza, tamang ikot lang at tingin tingin at nang napagod sa kakalakad ay naupo muna kami saglit sa mga upuan sa tabi.
Ram: "Nakakamiss din talaga eh noh, parang dati lang tumatakbo lang tayo habang naglalaro dito pero ngayon magsisimula na yung college, panigurado mababawasan na yung oras natin sa mga ganito dahil puro aral na naman tayo ulit.. "
Ako: "Tama ka naman dun, pero at least magkasama pa rin naman tayo ng papasukang kolehiyo"
Ram: "Kung sabagay, may point ka dun. Oo nga pala, naisip mo bang mag-dorm na rin since medyo malayo yung papasukan nating eskwelahan mula rito. Nasabi ko na kasi kay Papa na parang gusto kong magdorm. Pumayag naman sya kaso mas gusto ko na kasama ka para at least kumportable naman ako sa kasama ko sa dorm.. "
Ako: "Well, pagiisipan ko muna, itatanong ko muna kila Mama at Kuya Nick kung ok lang.. Sasabihan agad kita kapag pumayag sila.. "
Ram: "Yun oh, yan ang bestfriend ko.."
Ako: "Tara na, kumaen na muna tayo, medyo nagugutom na rin ako eh.. "
Ram: "Oo nga, nagugutom na rin pala ako.. Dun nalang tayo sa may malapit na bilihan ng inihaw na karne"
Ako: "Oo nga noh, sige sige gusto ko yan.."
At tuluyan na kaming dumiretso sa lugar na yun para kumaen.
Pagkatapos namin kumaen ay nagdesisyon na rin kaming umuwi dahil 7pm na pala at hindi namen namalayan yung oras dahil masyado kaming naaliw sa aming kwentuhan habang kumakaen..Nang nakarating ako sa bahay, ay nadatnan ko si Mama at si Kuya Nick na kumakaen ng hapunan.. Inalok ako ni Mama pero tumanggi ako at sinabing tapos na akong kumaen at sinabing kasama ko si Ram kanina para kumaen. Si Kuya Nick naman ay tahimik lang at tumango saken na nagsasabing ok lang. Dumiretso na ako agad sa kwarto para mahiga at magpahinga saglit bago tuluyang matulog..
Pagkatapos kong makauwi kagabi at dumiretso sa kwarto ay di ko namalayan na nakatulog na pala ako bigla.
Nagising nalang ako na umaga na at kinakatok ako ni Mama para bumaba at kumaen ng agahan.
Bumaba na ako agad pagkatapos kong maghilamos at magayos ng aking higaan.
Pagkababa ko ay si Mama nalang ang inabutan ko at wala si Kuya Nick.
Agad kong tinanong si Mama kung nasaan si Kuya. Sumagot naman si Mama na kakaalis lang daw pagkatapos kumaen at sinabing may tatapusin daw siyang proyekto sa school. Nang marinig ko yun at di na ako ulet nagtanong pa at dumiretso na sa hapag para kumaen.
Pagkatapos kong kumaen ay tinanong ko si Mama tungkol sa alok ni Ram saken na magdorm pagpasok ng college.
Pumayag naman si Mama pero sinabing ipaalam ko din daw kay Kuya Nick para makatulong sa paghahanap ng maayos at magandang dorm since mas alam nya yung lugar malapit sa kolehiyong aming papasukan dahil nasa 3rd year college na rin naman sya.
Agad akong sumangayon at sinabing ipapaalam ko kay Kuya kapag nakabalik na siya dito.
Agad kong tinawagan si Ram para ipaalam yung naging desisyon ni Mama tungkol sa kanyang alok.
Ako : "Bro, pumayag na si Mama na magdorm ako, pero sinabihan niya ako na magpatulong na rin kay Kuya para makahanap tayo ng magandang lugar na matutuluyan. "
Ram: "Talaga ba? Ayos yan.. At least mas mapapadali yung paghahanap natin ng dorm. "
Ako: "Oo nga eh, sige kakausapin ko nalang si Kuya paguwi nya mamaya"
Ram: "Sige sige balitaan mo nalang ako kapag nagkausap na kayo ni Kuya Nicky. "
Ako: "okay sige.. Ingat.. "
Ram: " Bye bro"
Pagkababa ko ng telepono ay nagisip na ako ng gagawin ko para sa araw na ito. Dahil mamaya pa naman yung uwi ni Kuya.
Napagdesisyonan ko na maglaro nalang muna ng online games bilang pampalipas oras.
Hanggang sa di ko na namalayan na mag-aalas sais na pala ng hapon.
Anumang oras ay pauwi na si Kuya galing sa eskwelahan. Kelangan ko siyang makausap ngayon tungkol sa paghahanap ng matitirahan dorm. At sana ay pumayag siya agad.
Excited na akong pumasok sa kolehiyo, ano kayang naghihintay saken doon.