Chapter 4

3 0 0
                                    

Don's POV

Ilang buwan ang lumipas at nagsimula na ang pasukan.

Nakalipat na rin kami ni Ram sa dorm na napili ni Kuya. Maganda ang napili na dorm ni Kuya. Kinuha namin yung 2-bedroom na space para at least may konting privacy naman kaming dalawa. Hehe

Paminsan minsan ay dinadalaw rin kami ni Kuya sa dorm para tingnan ang aming sitwasyon at para kumustahin na rin kami. Natutuwa naman siya nang makitang okay kami sa dorm.

Oo nga pala, parehas kami ng kursong kinuha ni Ram. Bachelor of Arts, Major in FilmMaking. Since parehas kaming mahilig manuod ng mga pelikula. Napagusapan namin na gusto naming makapagdirect ng sariling pelikula pagkatapos.

Nandito kami ngayon ni Ram sa may cafeteria para kumaen ng aming tanghalian. Kasama namen si Rob na klasmeyt namin sa isang subject.

Si Rob nga pala ay isa sa mga naging close naming kaibigan ni Ram. Makulit at pilyo si Rob pero mabait naman siya. Kaya naging kasundo namin si Rob.

Rob: "Guys, oo nga pala nagawa nyo ba yung project na pinagawa ni Miss Jennie? "

Ram: "Oo nga pala, shit nakalimutan ko nga rin yun eh. ikaw ba Don? "

Ako: "Yun ba, oo kakatapos ko lang kaninang umaga"

Ram: "Ha? bakit di mo ko sinabihan na meron tayong proyekto..? "

Ako: "Malay ko ba na di mo alam yung tungkol dun. Kaya di ko na pinaalala.."

Ram: "Patay ako nito, panigurado magagalit na naman sakin si Miss Panhan nito.. Hayss"

Rob: "Sakin din panigurado lagot ako. Malapit na akong bumingo sa kanya.. "

Ako: "Tssskk, kung ako sa inyo, gagawa na ako habang may oras pa.. At saka, narinig ko rin na wala si Miss Panhan ngayon kaya may oras pa kayong dalawa na matapos yung pinapagawa niya para masubmit natin lahat bukas pagbalik niya. "

Ram: "Buti naman kung ganoon, sige na nga bilisan na natin kumaen para makapagsimula na rin agad. "

Rob: "Oo nga. "

Pagkatapos naming kumaen ay nagpaalam na muna silang dalawa para maghanap ng materyales para sa kanilang gagawing proyekto.

Naiwan akong magisa kaya napagdesisyunan ko na munang magpalipas oras sa library at magbasa  na rin habang nagrereview para sa ilang subjects namin.

Habang papunta ako ng library, may namataan akong isang di pamilyar na mukha sa campus. Dahil napansin ko na iba ang kanyang suot na uniporme.

Parang naliligaw ata siya at mukhang may hinahanap.

Gusto ko sana siyang lapitan pero napansin ko na nauna na siyang lapitan ni Elle, siya lang naman yung maituturing na campus queen. Dahil sobrang sikat niya at balitang mayaman ang kanilang pamilya.

Napansin ko din na kasama ni Elle ang bestfriend niyang si Ria.

Si Ria ang ex-gf ko nung 4th yr HS. Nakipaghiwalay siya saken. Pero nagulat nalang ako na dito rin pala siya nagaaral. Pinilit kong iwasan na magkita kami ni Ria, dahil ilang beses na niya akong kinukulit na makipagbalikan sa kanya..

Ayoko naman nang ganun, pagkatapos niya akong iwan at saktan, bigla nalang siyang babalik nang parang wala lang.

Nagtago ako saglit sa tabi para di nila ako makita.

Nang makasiguro na ako na nakaalis na silang dalawa pagkatapos nilang maituro sa lalaki yung lugar na hinahanap nito. Dumiretso na ako agad sa library para ituloy yung aking plano.

Nang makarating ako sa library. Hinanap ko na agad yung mga librong aking kakailanganin para sa aking pagbabasa.

Makalipas ang 2 oras, napagdesisyunan ko nang umuwi muna sa dorm sapagkat mamaya pa naman yung sunod naming klase.

Tinext ko na rin muna si Ram at sinabing pauwi ako sa dorm. Nagreply naman siya na okay lang. Magkasama parin sila ni Rob at bumibili nang mga materyales at sinabing maya-mayay pabalik na sila para simulan ang project nila.

Tuluyan na akong umalis at naglakad palabas ng campus pero habang palabas ay bigla ko naman nakita yung lalaki kanina. Ewan ko ba kung bakit bigla akong kinabahan na parang di ko maintindihan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Bigla akong naguluhan kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Huling beses akong nakaramdam ng ganito ay nung unang beses kong nakita si Ria at nung tinanong ko sya para alukin na maging girlfriend ko.

Di ko alam kung anu yung pakiramdam ko na to at bakit sa isang lalako ko pa nararamdaman...

Gulong gulo na yung isip ko.

Ngunit pagbalik ko nang tingin, wala na yung lalaki. Di ko namalayan na nakaalis na pala siya..

Kahit litong lito ung isip ko, dumiretso pa rin ako nang uwi sa dorm pero di pa rin mawala sa isipan ko yung itsura ng lalaking iyon..

Makita ko pa kaya siya ulit?
Di ko manlang nalaman yung pangalan niya...

Hayss... Anu bang gagawin ko..?


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Web of Hearts 🕸💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon