Prologue

29 3 1
                                    


This is a work of fiction. Everything you will read about this story is entirely fictional: names, organizations, places, events and etc. Any resemblance to living or dead person is purely coincidental.  The story is rated 16, there will be mature scenes unsuitable for young minds, but if you think that you can handle such, feel free to read. Although read at your own risk.

-----------------Prologue-------------------

"She's disaster and I knew that. Although I havent told her she was the disaster I never wanted to avoid." 

                   _________

"My hands are not the cleanest and I fear he'll see my demons. He is not meant in my world and I to his. 

But can I keep on promising myself not to fall for him if he was the only reason I felt so alive?"


MACAU, CHINA (2:00 a.m.)

Isang magandang babae ang pumasok sa isang kilalang kasino sa Macau. Suot ang simpleng pulang bestida na walang kung anong adorno ngunit kitang-kita ang hubog ng katawan nito at litaw ang makinis nitong kutis. Nakalugay ang itim na itim na buhok na lampas hanggang balikat. Walang kahirap-hirap nitong naagaw ang paningin ng mga kalalakihang nagsisisugal sa mga lamesa. May ilan pang hindi napigilan ang pagkahulog ng panga at panlalaki ng mga mata. Ang kababaihan namang nakakapit sa mga lalaking may edad na, na humihithit ng tabako ay kita ang inggit sa mga mata. 

Hindi mapigilan ng babaeng ngumisi ng palihim. Napakadali lang ng magiging trabaho niya kung ganoon. 

Tinunton nito ang daan papunta sa isang lalaking may edad na ngunit bakas ang tikas ng katawan, ngayon ay nakangiting nakatanaw sa kaniya. 'Can't wait to see this one dead' anang isip nito ngunit ngiti ang kaniyang isinukli sa lalaki. Muling nitong hinithit ang tabako saka hinimas ang binti ng tsinitang babaeng nakakandong ng bahagya rito. 

Nang makalapit ang babae sa lalaki ay iminuwestra nito ang katapat na silya mula sa kaniya na napapagitnaan ng isang malaking mesa na ginagamit dito lang sa kasinong iyon. 

"Muntik na akong mag-alalang hindi mo ako sisiputin. Iniisip ko na tuloy na natatakot kang makalaro ako." Puno ng pagyayabang na saad ng lalaki sa lenggwahe ng bansang iyon. 

Ngumiti ng maliit ang babae saka ipinatong ang dalawang siko sa mesa, pinagkrus ang kamay at ipinatong ang babae roon. "You worry too much Mr. Hao, I don't back off of my words. And not even a single nerve inside my body is scared of you. I may look young but I can beat you in any game." Walang kaabog-abog na turan ng babae habang nakangisi sa hindi maipintang mukha ng kaharap. 

"Magsimula na tayo!" gigil na sigaw nito sa tagapamahala ng laro. Kaharap niya ang babaeng walang reaksyon habang mataman siyang pinagmamasdan. Nakaramdam ang lalaki ng nginig ngunit hindi niya alam kung dahil saan. 

Ang babae at si Mr. Hao lamang ang naglalaro sa mesang iyon, marami na ring lumalapit at gustong manuod sa laban lalo pa't ang gahaman at mandarayang si Mr. Hao ang nakaupo sa isang silya habang napapantastikohan ang karamihan sa dayuhang makakalaro ng kilalang mandaraya. Isang hindi natural ang tagpong iyon sa mga naroroon sa kasino. 

Nagsimula ang laro at palaging nananalo si Mr. Hao, marami ring natutuwa sa paligid dahil nagpupustahan ang iba. Giliw na giliw si Mr. Hao habang pinagmamasdan na ikabig papunta sa kaniya ang mga perang nasa lapag ng mesa. Napagkasunduan kasing huwag nang gumamit ng chips at deretsahang salapi na ang itaya at ibalandra sa mesa. Napakalaki na ng tumpok ng papel na pera sa bahagi ng mesa ni Mr. Hao, pero ni walang bakas ng pagkabahala ang mababalatay sa mukha ng magandang dalaga. Walang ekspresyon lang itong nakatingin sa mga baraha nito. 

Huling laro na nila iyon at talagang malaki na ang panalo ng matanda.

"Isang bilyong dolyar" 

Lumaki ang ngiti sa mga labi ng matanda dahil siguradong kaniya na ang panalong iyon. Napansin kasi nitong hindi ganoon kagaling ang babae. 

"Sampung bilyong dolyar." 

"Limampung bilyong dolyar." narinig niyang saad ng babaeng kaharap niya kaya napatuwid siya ng upo at pinababa na sa kandungan ang babaeng naging kaulayaw. 

'Saan nanggagaling ang tapang ng babaeng ito?' Hindi agad nakaimik si Mr. Hao, ni wala pa sa kalahati ng halagang iyon ang nasa mesa niya. Kung papatulan niya iyon ay masisimot ang yaman niya, lahat na negosyo niya mapa legal man o ilegal ay mangangalanganin kapag nagkataong natalo siya. Itinimbang niya ang tyansa, kapag naman nanalo siya ay magiging tiba-tiba na talaga ang mga kayamanan niya. Napangisi siya sa naisip. Tutal ay kanina pang talo ang babae. Naging panatag ang loob ng lalaki. 

"Saan mo naman kukunin ang limampung bilyong dolyar? Sa bata mong iyan ay hindi kapani-paniwala." 

Nang sambitin iyon ng matanda ay inilabas ng babae ang isang titulo. Titulo ng lupain niya sa iba't ibang bansa. Kaya mas lalong nagningning ang mata ng lalaki. Inilapag ng babae ang hawak na titulo, sinuri naman iyon at pinatotohanan ang halaga. 

"Now, how will you pay me half a hundred billion dollar?" Nangilabot bigla ang lalaki dahil sa naging tanong ng babae, pero ay hindi siya alangan na mananalo siya. Kaya'y inilabas niya ang mga titulo ng pag-aari niyang kompanya at titulo ng mga lupain niya sa China at ang iba pang investments niya. Inilahad niya iyon sa maestro ng laro. Saka pinirmahan gaya ng pinagawa sa babae. 

Napangiti na nang lubusan ang babae kaya narinig ang mga bulungan sa mga taong nakapalibot sa kanila. Pamutas bulsang labanan. 

Inisa-isang ilapag na ang kanilang baraha. Matamis parin ang ngiti ng lalaki dahil maganda ang baraha niya at imposibleng matalo pa iyon. Maliban na lang kung may sa demonyo ang babae at gumawa ng sariling milagro. 

Nang tuluyang mailabas ng matanda ang kaniyang baraha ay ubod lakas siyang tumawa. Damang dama nito ang pagkapanalo dahil alam niyang talo na ang babae. 

Natigagal lamang siya ng ngumisi ang babae sa dereksyon niya at inilabas ang huling baraha nito. 

Hindi makapaniwala ang matanda sa nakikita. Papaanong ang pangit na baraha nito ay naging ganoon ang dulo? Hindi na alam ng lalaki ang gagawin. Para siyang matutumba sa kaniyang kinauupuan. Maagap naman siyang inalalayan ng katabi paring tsinita.  

"I told you. I can beat the hell out of you." Narinig ni Mr. Hao na turan ng babae saka wala parin sa sariling pinagmasdan ang pagtayo nito sa upuan. 

Hindi na niya alam ang gagawin. Mabibils na nahugot ng matanda ang kaniyang baril na itinutok sa babae. Nagsinghapan ang karamihan sa mga nanunuod at sabay-sabay na umalis sa lugar na iyon. Ngunit walang nagpatigil sa kaniya sa ginagawa mula sa mga sekyuriti ng sikat na kasinong iyon. 

Walang makitang kaba sa mukha ng dalaga mukha lang itong nanunood ng nakababagot na palabas. Hanggang sa mabilisan niyang itinapon ang nasa lapag ng mesang wine glass at eksaktong tumama sa kamay ni Mr. Hao, bagay upang mahulog ang hawak nitong baril. 

Nang maitaas ng lalaki ang tingin ay ang babae na ang mayroong baril na nakatutok sa kaniya. Mag-uutos sana siya sa mga tauhan ngunit sunod-sunod na putok ang pinakawalan ng babae sa katawan nito.

Natumba na si Mr. Hao at ganoon kadali itong nalagutan ng hininga. 

"Ang tagal ng laro niyo ha! Infairness. Magaling rin itong si tatang" wika ng isang tinig sa lenggwaheng silang dalawa lamang ng babae ang nakakaintindihan.

Nakita ng babae ang kaniyang kasamahan pang babae na sinisipa-sipa na ang walang buhay na katawan ng lalaki. Bulagta na rin ang mga kasamahang tauhan ni Mr. Hao. 

"Get all that shits" turo ng babae sa mga pera at titulo na naroroon. Tumalima ang tagapamahala ng laro at iiling-iling na napatawa.

"Walang kupas V" saad nito sa lenggwaheng ginamit ng ikalawang babaeng pumasok kanina.

"Ano pa bang aasahan na'tin sa babaeng yan. Reyna ng sugalan yan eh!" tatawa-tawang saad ng ikalawang babae. 

Hindi na sila pinakinggan ng babae at saka umalis sa lugar na iyon. Sakay ng kaniyang itim na itim na motor ay pinaharurot na ang sasakyan sa kalye. Ilang oras na lang rin at aalis na siya. Kailangan na muna niyang kunin ang kaniyang mga gamit at magpalit. Saka na siya dederetso ng paliparan. 

Defying GravityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon