CHAPTER 3

9 2 0
                                    

Leissy

Tutok ang mga mata ko sa daan, paminsan-minsan ay sinisilip ang magkabilang side at rearview mirror ng kotse. Masyado akong maingat kapag nagmamaneho, katamtaman lang din ang takbo. 

Kaya nga hindi na umulit sumakay sa kotse ko si V, lalo na at ako ang nagmamaneho. Masyado raw akong mabagal na kung tutuusin ay natural lang na takbo ng matinong drayber. 

Kasi siya ay basta na lang magmaneho ng baby Rex niya.
Siraulo talaga.

Dinaig pa ang mga stunt man. At ang sabi pa ay dalawa lang ang uri ng pagpapatakbo niya.  

'I only drive in two speed; fast and faster'

Saad nito na wala paring ka emo-emosyon habang todo kapit ko sa bewang nito noong ako naman ang sumakay sa motor nito. Diyos ko! Naririnig ko pa ang boses nitong pambabae sana kaso akala mo naman bangkay sa lamig. Nasobrahan ata ng pagbibilad sa nyebe noong bata pa.

Inihinto ko ang sasakyan nang makita kong magpula ang traffic light. Naghintay lang ako ng kaunti saka ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Ilang minuto lang ay nasa bungad na ako ng subdibisyong matagal ko nang hindi napupuntahan. Sakto at tulog ang nagbabantay na guard. Akalain mo nga namang ekslusibo pero madaling salisihan. 

Nang tuluyang makapasok ay napangiti ako ng mapait. Tanginang buhay. Pumarada na ako ilang bahay ang layo sa mismong mansyong nangangati akong sunugin, kasama ang mga tao sa loob. Baka kung saka-sakali ay mapangiti naman ako dahil sa tuwa. Putangina.

Ilang beses ko pa bang kailangang paniwalain ang sarili na tumatawa ako dahil masaya ako. Natatawa ako dahil nakakatawa ang pagiging miserable ko. Kung si V ay nasanay na, namanhid na. Ako ay hindi. Ramdam na ramdam ko. Dinaramdam ko at daramdamin pa. 

Sino nga ba sa mga kilala ko ang hindi miserable ang buhay? Nakakatawang wala, lahat miserable. Natawa ako sa naisip. Paniguradong ngingiwi sa akin si V dahil sa mga pumapasok sa kokote ko. Isa pa ang siraulong 'yon, feel na feel ang pagiging malamig at pagdodoktor doktoran. 

Mas lalong nawala sa timpla ang mukha ko nang mamataan ang isang babaeng bumaba mula sa pula nitong sasakyan at naglakad papunta sa harapan ng bahay nila. Ni hindi ko napansing dumaan ang sasakyan. Ang galing mo Leissy! Kinaltokan ka na ni Hiox kung nagkataong nakikita ka niya. 

Napagmasdan ko kung paano ito maglakad ng elegante. Naramdaman ko ang matinding paggapang ng poot sa buo kong sistema. Nangangati na rin ang palad ko. Gustong kong panuorin niya ang lahat ng pinaghirapan niyang mawala. Gusto kong ako mismo ang huli niyang makita habang naghihingalo na siya. Iyong makikita ko ang takot, pagkabigla, lungkot, panghihinayang at pagmamakaawa na buhayin siya. Gusto kong pagsisihan niya ang mga katarantaduhang nagawa niya at ng asawa niya. Gusto kong malaman niya kung paano ako naging demonyo dahil sa mga iyon. Nangingilid na ang mga luha ko. Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko sa tindi ng emosyong naghalo-halo na sa loob. Paulit-ulit kong naihampas ang mga kamay at kamao sa manibela ng sasakyan. Tangina! Pero hindi ko magawang sumigaw. Hindi rin magawang mahulog ang mga luha. 

Napasulyap ako sa compartment na ilang sentimetro lang ang layo sa akin. Nakabukas na iyon at kitang kita ko na ang mga alaga ko. Puta! Puta!  

Wala pa ito sa plano. Lahat ng ito ay wala pa sa plano. 

Pero pakiramdam ko ay mamamatay ako kapag walang ginawa. May parte sa isip kong kailangan kong maghintay pero mas nananig sa akin ang galit, poot, pagkasuklam at kung ano-ano pang hindi ko na maipaliwanag. Ang alam ko lang ay unti-unting nagdidilim ang paningin ko sa tindi ng emosyong nararamdaman. Para na akong naka-auto pilot at basta na lang ginagawa ang dapat gawin. 

Mabibis kong nahugot ang ilan kong punyal at isang baril. 

Muling tinanaw ang babaeng kasalukuyang naghahanap ng susi sa loob ng magara nitong bag. Tumalilis ako pababa ng sasakyan at walang ingay na lumapit sa bahay nito. Nararamdaman ko ang pagdagundong ng dibdib sa lakas ng tibok ng puso roon. Ilang metro na lang ang layo ko sa babae. Madilim sa parte kung saan ako mismo huminto. Nakuha na ng babae ang susing hinahanap  kaya nagsimula na naman akong maglakad papalapit. Hindi ko na mawari kung ano pa ba ang nararamdaman kong emosyon, dahil sa dami ng naghahalong iyon. Wala na. Para na akong namanhid. 

Defying GravityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon