Chapter 1

23 2 0
                                    

PIUS

"Pius, anong oras na hindi ka pa ba gagalaw dyan?"

Inalis ko na ang paningin sa babaeng kanina ko pang tinititigan, itim na itim ang kulay ng kaniyang buhok at mayroon itong sukbit na kaha ng gitara sa likod. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha at walang emosyon ang mga matang nakatingin sa kung saan. Naghihintay siguro ng sundo niya. Hindi ko maintindihan kung bakit kanina ko pa ito pinagmamasdan ngunit talagang kakaiba ang babaeng iyon, pakiramdam ko ay nakita ko na ito. Marami ring dayuhan na maya't mayang pilit na nagpapapansin dito ngunit ni hindi man lang ata nararamdaman ng babae iyon at mukhang lunod na lunod sa iniisip. Bago pa man kami makarating ng Pilipinas ay nakita ko na ito mismo sa airport ng Beijing. 

Hinawakan ko na ang maleta ko at naglakad. Nag-umpisa na ring maglakad sila Cris kasabay si Lain at ang kambal nitong si Sydney. Sumunod na lang ako sa kanila papunta sa sasakyang susundo sa amin mula sa airport. Nahilot ko na lang ang sentido dahil ilang oras lang ang naitulog ko at ngayong nakalapag na kami sa Pilipinas ay binati naman kami ng napaka-init na klima. 

"I sure miss the Philippines but not the climate!" reklamo ni Sydney habang inaalis ang suot suot nitong coat. Ipinapaypay pa sa sarili ang kamay kahit wala namang hanging maibibigay iyon. 

"Ang arte arte mo kasi kung bakit ka pa nagsuot ng ganyan!" rinig kong reklamo ni Lain dahil pinabitbit ni Sydney ang naglalakihan nitong maleta sa kakambal. 

"Kalalaki mong tao napaka-reklamador mo!" sigaw ni Sydney sa kakambal. 

"Napakaingay niyo." baling ni Cris sa magkambal. 

"Tsss. Tóngxìngliàn!" angil ni Sydney sa kapatid nito na ibig sabihin ay bakla ito.

Muli kong iniwas ang paningin at hindi na pinakinggan ang bangayan ng dalawa. Natanaw ko na lamang ang babaeng tinitingnan kanina nang magsimula na itong maglakad papalabas. Wala paring ekspresyon ang mukha nito habang nakatingin sa dinaraanan at walang lingong hila-hila ang dala nitong maleta. 

Nang makalabas ay namataan ko na ang naghihintay sa aming sasakyan at nakatayo sa may gilid noon si Neon. Kumaway ito sa amin saka kami nilapitan. "Welcome back dear cousins!" bati nito sa aming lahat. Napakalaki ng ngiti. 

"Makaasta ka parang ilang taon ang inalis nila, eh dalawang linggo lang naman iyon." sagot ni Cris kay Neon. Busanggot pa rin ang mukha nito at mistulang may galit sa buong mundo. Nakapagtataka nga ang inaasta nito dahil hindi ganito ang ugali ni Cris, mahilig itong mang alaska at tumawa ng napakalakas iyong kulang na lang kitang kita na ang ngala ngala. Hindi ko rin maintindihan ang timpla ng mukha nito, kung ang pagbalik ba ng Pilipinas ang hindi nito gusto. Hindi na sana siya sumama, hindi naman namin siya pinilit na umalis ng China.  

"Hindi ba pwedeng namiss ko lang kayo? Lalo na ikaw, ilang taon ka na ring hindi nakakauwi. Kinarir mo talaga ang pagiging intsik no?" bawi na lang ni Neon dito. 

Hindi na siya sinagot ni Cris at iniayos na lang ang mga gamit namin sa likod ng sasakyan at ang iba ay sa loob na dahil sa daming bitbit ni Sydney. 

"Kumusta ang ilang linggong pakikibaka sa Tsina?" ngising-ngising tanong ni Neon na nakatingin sa akin mula sa rearview mirror habang nagmamaneho siya. Hindi ko na ito inintindi saka tumingin na lang sa labas ng bintana.

Badtrip. Kung iyon ang gusto mong malaman. 

"Sydney nag-enjoy ka ba doon?" baling nito kay Sydney. Nilingon ko at nakita ko ang pag-ikot ng mga mata nito. Ika nga si Sydney signature niya iyon. 

"Tokshit ka Neon alam mo yun?" 

"Haha bakit? Nagtatanong lang ah."

"Pwes 'wag ka nang magtanong." 

Defying GravityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon