Kapitulo Dos

0 0 0
                                    

"YOU'RE NOT WELCOME HERE ANYMORE!" umuusok ang ilong na sigaw sa akin ng manager ng bar.

Susuntukin ko na naman sana siya ng hinawakan ng malaking bouncer ang dalawang braso ko kaya hindi natuloy iyon. "GET OFF ME BIG BLOBBBB!" sigaw ko sa bouncer. "AND YOU!" galit na turo ko sa manager. "FUCK YOU. FUCK YOUR BAR. FUCK YOU ALL. FUCK. FUCK. FUCK."

"Ialis niyo na yan dito at baka ano pa ang magawa ko diyan," ma-awtoridad na saad ng manager.

"Yes boss!" Hinila ako ng dalawang bouncer papalayo roon at walang anu-anong ibinato ako sa gitna ng kalsada.

"FUCK YOU ALL!"

Pero hindi nila ako pinakinggan at basta-bastang iniwan nalang ako duon. Pinagtitinginan pa ako ng mga taong nasa labas ng bar kaya tiningnan ko rin sila ng masama pabalik.

"FUCK YOU. FUCK YOU ALL. FUCK YOU." malutong na mura ko sa kanilang lahat habang pinipilit na tumayo. Nakita ko ang kakatwa nilang mukha habang nakatingin sa akin.

FUCK PEOPLE. FUCK.

"Diba yan yung anak ni Gov?"

"Hahahha anong nangyari diyan?"

"Oo nga, kamuntikan nang di ko makilala."

"Parang pulubi brad. Eh ang yabang-yabang niyan eh."

"Baka hindi na nakakuha ng allowance sa daddy niya hahahhaha."

Mas nag-init lalo ang ulo ko sa pinagsasabi nila. Kaya kinuha ko ang mga malalaking bato na nasa tabi ng kalsada at binato sila. Kaso hindi ko sila matamaan. Tatawa-tawa naman silang pumasok sa bar habang nakatingin sa akin.

"FUCKKKKK!!!" sigaw ko at pinakita sa kanila ang tuwid na tuwid kong gitnang daliri.

Binato ko ang bintana ng bar ng panghuling batong nakuha ko at umalis na roon. Kitang-kita ko ang pagkakagulo sa loob. Siguro ay may natamaan roon. Tumakbo ako at tatawa-tawa sa gilid ng kalsada.

Pinagtitinginan na naman ako ng maraming tao. "FUCK THIS LIFE!" malakas na sigaw ko at tinaas ang dalawang kamay ko. "YUHOOOO FUCK THIS LIFE. MY LIFE SUCKSSSS HAHAHHAHAHAH!"

"Baliw ba iyan?"

"Dito tayo dumaan. Isang kilo yata ang nahithit niyan."

"Mga kabataan nga naman ngayon."

"Sayang nga eh. Ang ganda pa naman sanang lalaki."

Tumatawa akong tumatakbo sa gilid ng kalsada. Wala na akong sasakyan dahil pinalitan ko na iyon kanina ng isang case ng beer.

Habang tumatakbo ay mas lumalamig ang simoy ng hangin. Unti-unting nawala ang tawa ko. Pumalit roon ang pamimigat ng kalooban ko. Parang may bumabara sa lalamunan ko. Nasasaktan ako.

Nasa ilalim na pala ako ng isang overpass pero hindi ko man lang namalayan iyon. Umupo ako sa semento sa gilid ng kalsada at mariing pinikit ang mga mata ko.

Fuck!! I know that I look miserable.

Ayokong umiyak! Pinangako ko sa sarili kong hinding-hindi na ako iiyak! Bwiseeeet! Hindi ngayon. Hindi kailanman.

Pero sutil nga yata ang katawan ko at nilabas parin ng kamay ko ang larawan ng nakatago sa bulsa ko.

Mas lalong nag-init ang mata ko ng makita ko iyong malukot. "Sorry mom," napapailing kong saad habang napapatingala para hindi mahulog ang luhang nagbabanta sa mga mata ko.

Thy MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon