Paglabas ko ng gate ay isang masamang panaginip kaagad ang sumalubong sa akin.
"Ano na naman ba ang ginagawa mo dito ha! Tapatin mo nga ako. Kaya ka ba lapit ng lapit sa akin dahil gusto mo ako. Ha! Para sabihin ko sayo. Sorry for the word ha.. But you're not my type!" nakangising sigaw ko.
Inosente lang siyang tumingin sa akin habang nakikinig.
Kumagat siya ng dala niyang mansanas habang nakakunot ang noo.
"Ba't ang hyper mo ngayon bestfriend?" nagtataka niyang tanong. Pumunta siya sa bike niyang naka-park isang metro mula sa akin at nagpedal papunta sa akin.
"Nga pala."
"Ano?!" dali-dali kong sigaw.
"Tsss, itatanong ko lang kung nag-brief ka naba ngayon," nakangisi niyang saad habang nagtaas-baba ang kilay.
Nagsitayuan ang balahibo ko sa batok ng maalala na naman ang nakakahiyang nangyari kahapon. Nanlaki ang mga mata ko.
Pinapaalala pa ng walanghiya. Napapikit ako ng magflashback na naman iyon sa isip ko.
****
"Dito tayo!" sigaw ko at umuna nang umupo. Bahala siya diyan. Gusto ko dito eh.
"Excited?" nang-aasar niyang wika.
"Oorder muna ako," paalam niya.
Hindi ako sumagot at iniwas ang tingin. Ayoko ngang tulungan siya. Bahala siya diyan. Siya pumilit sa akin na manlibre eh.
"Si Ego yan diba?"
"Oo nga girlsss.. Si Ego."
"Sino yung girl? Girlfriend niya?"
"Ang malas naman." rinig kong natatawang wika ng isang babae.
Napakunot ang noo ko at binalingan sila ng tingin. Nanlaki ang mata nila at biglang pinagpatuloy ang pagkain.
Tss. Bubulong na nga lang dinig ko pa. Isalpak ko kaya sa mga ilong nila yang mga fries na kinakain nila para magtigil na sila kakahinga.
"Psst tulungan mo ako," tawag sa akin ng may sapak na babae sa may counter.
Psh bwiset. Padabog akong pumunta roon at inagaw sa kanya ang isang tray.
Pagkalagay ko sa lamesa ay tumalbog pa ang kutsara kaya inis ko iyong kinuha. Nakakainis.
Habang hinahanap ang kutsara ay nagulat ako ng may dumikit malapit sa may pwetan ko. Anak ng!
Nang tingnan ko iyon ay si ano lang pala... Tss ayokong banggitin pangalan niya. Ambantot.
"Anong ginagawa mo?" naiinis kong tanong.
Seryoso niya akong tiningnan habang nakadikit parin siya may likuran ko. May dala pa siyang tray ha. Rinig ko ang bulungan ng tao sa paligid dahil para kaming mga asong gumagawa ng milagro. Tumayo ako ng tuwid.
"Wala kang brief," seryosong sabi niya.
Galit ko siyang tiningnan dahil sa sobrang pagkabanas ko sa kanya pero nung ma-gets ko iyon ay napaawang ang bibig ko.
Son of a bitch! Wala nga pala akong brief!
Kinakabahan ko siyang tiningnan.
"Oo napunit yung pants mo nung yumuko ka," tumatango-tango niyang sabi na para bang alam niya na kung ano ang tunay na laman ng isip ko.
BINABASA MO ANG
Thy Monster
Teen FictionTrance Ego Salvatore, a wicked man with a vurnerable heart. He loves to create a scene. Loves to make his father angry. Loves to be the campus monster. After all his so called life is useless and burning in hell because of his past. But! There's t...