Habang naghihintay sa gate ng elementary ay nagmuni-muni ako. Minsan lang sa isang taon ako magmumuni-muni kaya medyo nailang ako sa sarili ko.
Aish! Bakit ba kasi ako naiilang? Sarili ko ito. Bakit ako maiilang?
Eh kasi badtrip yung topic eh! Hindi ko magawang alisin ang tanong na pwede rin kaya akong magrequest na magpalagay ng more cheese? Tapos dadagdag lang ako ng two pesos.
Pano ba kasi yun sabihin?
'More cheese please. Here, take this.' Sabay lagay ng two pesos sa palad ng panadero.
Ganun ba?
Aish badtrip.
"Diba yan yung anak ni Governor na highschool?" rinig kong bulungan ng nasa may gilid ko. Tingin ko ay mga parents iyon.
Tumaas ang kaliwang kilay ko habang nakikinig.
Umupo ako ng tuwid at inilagay sa bulsa ang dalawang kamay ko.
"Ba't nandito yan?" usisa nung isa.
Nilingon ko sila at tiningnan ng masama. Pero balewala lang iyon sa kanila at nilapitan pa ako nung isa na medyo may kapandakan. Flat ang ilong niya at malaki ang lips. Ampangit-pangit niya. Para siyang homo sapiens na naging topic namin nung nakaraang araw.
"Ang laking bata nito noh?" namamanghang sabi niya pa habang tinitingala ako. Hanggang kili-kili ko lang siya kaya siguro naamaze siya sa katangkaran ko.
Nanliit ang mata ko. Sisigawan ko na sana siya nung makita ko ang isang taong papadaan.
Tumalikod ako para hindi niya ako makita.
"Ang puti naman ng kamay mo iho," sabi ng ale sa tabi ko. Lumipat siya sa harapan ko at kinlaro ang mukha ko. "Ang dami mo nga lang peklat sa mukha. Pero pag nawala iyan. Ay naku! Pag-aagawan ka talaga ng mga babae."
Napangiwi ako.
Walakompakealam! Shooooo. Shoooo. Alis.
Binugaw ko siya sa isip ko dahil ang ingay niya. Tinakip ko ang bag ko sa ulo ko.
Teka! Ba't ba kasi ako nagtatago? Si Trance Ego Salvatore, nagtatago? Pwe! Di pwede yun. Pero guguluhin na naman ako ng babaeng iyon pag nakita na naman ako.
"ANO BAH!" sigaw ko ng pinagpipilitang abutin ng ale ang ilong ko. Kabwi1$set naman to oh.
"Ayy nagalit," naaaliw na wika niya at nilingon ang mga kasamahan niyang kapwa tumatawa rin.
Pinagkakatuwaan ba nila ang isang Trance Ego Salvatore?
"Kaya pala walang maingay sa school eh. Nandito ka lang pala bestfriend!" saad ng isang boses sa may likod ko.
Inis ko siyang nilingon.
"Ayy magbestfriend kayo?" nakangiting tanong ng ale.
"Opo magbestfriend po kami!" bibong sagot naman nung isa. "Hindi nga lang po halata. Pero magbestfriend po talaga kami."
"What the fuck?!" natatawang sigaw ko.
"Oh kitams manang. Iba po ang friendship level namin dahil minumura niya na ako."
Nanlaki ang butas ng ilong ko habang nakatingin sa kanya. Friendship level? Wth?!
"Nakakatuwa naman. Alam niyo bang minsan lang ako makakita ng lalaki at babae na magbestfriend talaga. Naalala ko tuloy yung bestfriend ko rin sa highschool. Hehehhe," kumikinang ang matang sabi niya habang nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Thy Monster
Teen FictionTrance Ego Salvatore, a wicked man with a vurnerable heart. He loves to create a scene. Loves to make his father angry. Loves to be the campus monster. After all his so called life is useless and burning in hell because of his past. But! There's t...