Kabanata ➃

193 2 0
                                    

───※ ·❆· ※───

Kabanata
𝙰𝙻𝙼𝙸𝚁𝙰

"Ginoong Lope malapit na ho tayo sa hospicio."

"Kung maaari mas bilisan natin, hindi pa nagkakaroon ng malay ang Binibining Mirasol." Kanina ko pa naririnig yung malumanay na boses ng lalaking ito at oo sinilip ko kung anong itsura niya at mukha siyang anghel! Nakakita na ba kayo ng anghel kasi ako ngayon lang sa tanang buhay! Hay nako. Nakahiga pa nga ako sa kandungan niya guys!

"Manong medyo mabato ang napili ninyong daanan." Kanina ko pa nga ramdam na sumasalpok yung ulo ko sa abs niya —eme-este tiyan niya. I'm not gonna lie this is the best fucking thing that's ever happened to me! Nasa langit na ba ako? Bonus pa na may anghel na nagligtas sa akin!

"Paumanhin po Ginoo, ngunit malapit na tayo sa ating paroroonan. Kaunting tiis na lamang po." Ay, oo manong driver ng kalesa. Kahit tagalan ninyo pa hindi ako aangal!

Nabigla ako nang huminto ang sinasakyan namin at dumausdos ako sa may ibaba tuloy. "Putspa naman, o..." Napahimas ako sa likod na ulo ko at nakitang nakatitig sa akin yung lalaking anghel.

Napaupo ako at siya naman napaluhod sa aking tapat cornering me while his other hand was extended sa tabi ng mukha ko kaya napalunok ako at ngumisi.

"Ika'y nagising na, Binibining Mirasol!"

"Yey???" Sagot ko na lang ang ewan lang! I saw a genuine smile. Mas lalo tuloy akong namangha at napatulala sa kanya.

"Ika'y ba nasaktan?" Hindi niya ako agarang hinawakan hinintay niya munang tumango ako bago niya ako marahang hinawakan sa may panga para tignan kung may pasa ba dahil sa pagkakahulog ko. He was definitely the first man who asked for my consent, not Daniel who knows no boundaries and certainly not that freak from earlier who had the nerve to grabbed my hand.

Ganito pala ang pakiramdam na ginagalang ka. Siguro iba lang ang kinasanayan kong buhay kaya hinahayaan ko na lang.

Kinuha niya ang coat niya at ikinumot ito sa aking likod at kahit kabigatan ito amoy na amoy ko mula rito ang matubig na pabango parang malinis na lawa ang amoy o yung amoy camping grounds. Right then and there the moment he wrapped his uniform around me I saw a vision in my head of a platoon marching and he was there standing so tall and proud in front of all of those men who saluted back to him.

Medyo napalayo ako nang kumirot ang likod ng ulo ko. "I..have to go...like now." Bigla kong naalala bakit ako nandidito.

Pipigilan niya pa sana ako nang bumukas ang pinto ng kalesa at bumungad ang driver ay lumundag ako pababa ng kalesa at napatabi ko ng hindi sinasadya yung manong na nagbukas nito. "Sandali lamang, Mirasol!"

Kailangan ko lang siguro ilakad ito saglit. Oo, tama. Nagsimula na akong maglakad pagkalayo ko sa kalesa.

Nabigla ako nang makahabol siya sa akin at humarang siya sa aking harapan. "Paumanhin ngunit kinakailangang mapatingin sa isang espesyalista." Hinawi ko paalis sa balikat ko ang coat niya at initsa ko ito at nasalo niya naman.

"No, I don't fucking need to be check, okay? Bye!" Hinawi ko siya paalis sa harap ko para makalakad ako palayo ulit pero inulit niya lang ang kanina niyang ginawa pero ngayon tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad ko habang siya rin pero patalikod para patuloy niya akong kausapin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kapiraso 1897Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon