Kabanata ➀

4.7K 71 21
                                    

───※ ·❆· ※──Kabanata ➀

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

───※ ·❆· ※──
Kabanata


Warning: R-18 Some scenes may not be suitable. Proceed with caution and discretion.

Dinanas mo na ba ang pakiramdam na gusto mo na umibig ng totoo? Yung walang kapalit na takot o kung ano pa man.

Tatakasan ko na lang. Kakalimutan.

Inuunahan nga ba ako ng takot o ayaw ko lang malamangan?

Ang ingay ng mundo ngayon.

Where would you go and hide?

Nasubukan mo na ba sa ilalim ng dagat?

Kasi doon, oo nakakahanap ako ng katahimikan.

Ngunit may mga pagkakataon maski sa pinaka tahimik na lugar na iyon, iingay din dahil sa mga sikretong hindi ko kayang panatilihin at kinakailangan kong umahon.

Only to find out that those secrets I kept hidden destroyed everything.

But through the ruins and rubbles it made...nakita kita.

Humiling ako.

Ako sana ang iyong piliin.

***
"Isa kang rebelde!" Sabi nitong lalaking napagdiskitahang basahin daw yung kapalaran ko.

Hinatak ko ang kamay ko paalis sa hawak niya. "Nananching ka lang, e!"

Binigyan naman ako nito ng ngisi. "Ikaw lang naman ang ayaw maniwala, Mira na may angkin akong abilidad na mag foresee ng future, e."

"Well, bilang first client mo, God you suck at it real bad."

"Grabe ka talaga sa akin." Mangiyak-iyak niyang tugon at tumawa lang ako habang nagtitipa sa cellphone ko. Sisilip pa sana ito kaya gamit ang hintuturo ko dinikit ko ito sa sentido niya para palayuin siya. "May bago ka na namang bebe, selos na naman ako niyan."

"Asus, gaya ng sabi ko masyado ka pang bata, crush mo lang ako gaya ng sabi mo." Ngisi ko dito.

"Counted pa rin noh, don't invalidate my feelings!" Tinawanan ko ito.

"Paorder na lang nga ng kape hindi ko na kayang tiisin kaartehan mo ngayong araw, Andy."

"The usual?"

"What the hell, of course lahat ng drinks nyo usual ko ikaw na bahala." Pagpapalayas ko dito at natahimik na ang mundo ko.

Nainip lang ako bakit hindi nagrereply si Daniel sa akin. Tago ang coffee shop nila Andy na ito. Marami din silang regular customers pero kapag mga ganitong weekend medyo walang nadaan kaya ito pinipili kong araw para magtutor depende na rin kay Andy kung may libre siyang oras. Nakaka 500 pesos din ako kada linggo ko sa pag tutor ko sa kanya kaya ang laking tulong sa akin.

Kapiraso 1897Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon