Chapter 16

746 28 0
                                    

"Dapat nating i-report 'to. Hindi niyo ba talaga alam kung sino ang may gawa?"


Nandito na kami ngayon ni Derrick sa bahay nina Gwyn. Kakauwi lang namin, at dito agad kami dumiretso. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngayon.


Gwyn just started crying, as Sean started comforting her. Pinakita sa 'kin ni Sean ang mga pictures kung saan may mga pasa at sugat si Sev.


"I took that last night while he was sleeping. I don't know what happened to him. But... I'm sure he was able to protect himself, since I taught him how to fight in case something like this happens," Sean explained.


"Pero kahit na, Sean! Hindi naman palagi ay mapoprotektahan ni Sev ang sarili niya. He's still young, he doesn't deserve to be violated like this!" Gwyn said with frustration.


"Kumalma ka muna, Gwyn. 'Wag kang mag-panic," sabi ko.


"Paanong hindi? Paano kung mapatay ang anak ko, Kaitlyn?!"


"Babe... babe, listen to me," pilit hinarap ni Sean si Gwyn sa kanya. "Hindi mamamatay si Sev, okay? Walang mamamatay," sambit ni Sean.


"I'm... I'm just worried, Sean. I'm worried for our son," Gwyn said.


Napatingin ako kay Derrick, at binigyan niya lang ako ng isang maliit na ngiti bago tinignan ang kaibigan naming nag-aalala.


"You have to report this. We shouldn't let them get away with this," Derrick seriously said.


"But who will we report, Derrick?" I looked at Gwyn who just talked. "We don't know who did this to Sev. He's not saying anything!"


"Malalaman rin natin 'yan," tinignan kami ni Derrick. "Malalaman natin kung sinong gumawa nito."


"Sana," sabi ko nalang.


Pagtapos ng pag-uusap namin ay agad na kaming umuwi ni Derrick dahil pagod na kami pareho. Humilata ako agad sa kama. Medyo tahimik pa dito sa bahay, dahil wala ang mga bata.


"Love, tingin mo sino ba gumawa noon kay Sev?" Tanong ko.


"Mga schoolmates," he shrugged.


"Bakit naman nila 'yon gagawin kay Sev? Kabait-bait na bata ni Sev, tapos mabubugbog siya ng ganon ganon nalang?" Sabi ko pa.


"Hay, ewan ko na rin. Iba na talaga kabataan ngayon. Lahat dinadaan sa pisikalan," umiiling na sabi ni Derrick.


Hindi ko nalang siya pinansin dahil pumipikit na ang mga mata ko, hangga't sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.


Nagising ako nang maramdaman kong may mabigat sa katawan ko. Pag-dilat ko ng mga mata ko ay nakita ko si Dashielle na nakadagan sa 'kin.


"'Nak," pagtawag ko.


"Mami! Gising ka na! Welcome home!" Naka-ngiting sabi niya.


Napa-ngiti tuloy ako. Ito talagang batang 'to, Mama's boy kasi.


"Hello," nakangiti kong bati. "Nasaan ang ama mo?"


"Dad's downstairs cooking dinner," he said and hugged me tighter.


"E, 'yung ate kambal mo?" I asked.


"Si Ate Aura sinundo daw ni Kuya Sev, doon daw sila matutulog. Tapos si Ate Aria naman wala dito, kasama si Kuya Lev," sagot niya.


"Bakit?" Tanong ko.


Seducing The Bad BoyWhere stories live. Discover now