while everyone is having fun, nallie noticed how reika suddenly became silent. isa siya sa pinaka-maingay kanina pero bigla na lang siyang tumahimik.
iniisip niya na baka may nasabi ang mga kaibigan niyang masama pero imposible dahil puro kalokohan lang naman pinagk-kwento ni yangyang, addie at kio.
gustuhin man niyang lapitan si reika, alam niyang may makakapansin sa kanila. she decided to just shrug the thought away and focus on her friends.
kasalukuyang nag-aasaran si yangyang at kio. theyre teasing each other as if it's not the first time they met. hindi rin alam ni nallie na naging sobrang close sila.
addie brought a plus one. si jinri. she's addie's new roommate. of course hindi rin alam ni nallie 'yon. they don't talk about their lives when nallie is around. they just agreed to it.
jinri is the oldest in the clique. mas matanda siya ng tatlong taon kay addie at isang taon naman sa lahat. and kahit na ngayon lang sila nagkakilala at nagkasama-sama nang gan'to, she doesn't feel left out.
nallie could only smile as she watch her friends; except for reika whose obviously bothered by something. she's happy she decided to come home kahit wala naman talaga siyang planong gawin sa lugar na 'yon.
"hoy!" biglang siko ni kio kay reika na nakuha ang atensyon ng lahat.
gulat namang napatingin si reika sa kan'ya. sinamaan niya ng tingin ang kaibigan bago tapunan ng tingin ang iba niyang kaibigan, lahat sila nakatingin sa kan'ya.
"okay ka lang, ate rei?" tanong ni addie na may nginunguya pa.
reika nodded. "yes." tugon niya bago nagtuloy sa pagkain.
kio jokingly pouted. "problema mo? bored ka?" siko ulit niya.
hinampas naman siya ni reika. "wala nga!" sigaw nito.
natawa lang si yangyang. nallie and jinri sensed that something was wrong. si addie tuloy-tuloy lang sa pagkain. nakakunot naman ang noo ni kio kay reika, halatang naguguluhan sa biglang sigaw nito.
reika rolled her eyes. "karaoke tayo after! tutal nandito na tayo at walking distance lang mga gimikan dito!" jinri announced na napansin ang inis ni reika.
kio averted his gaze to jinri at tuwang-tuwang nag-thumbs up. "game, game! bilisan niyo kumain!" turo niya kay yangyang at addie.
tumango lang silang dalawa.
nallie and jinri looked at each other and shrugged.
what's with reika?
--
"hoy, haechan! ano na?" biglang siko ni renjun kay haechan na bigla na lang tumahimik at nayuko. "lasing ka na ba?"
pagtingala ni haechan ay nasa kan'ya lahat ng mata ng tropa niya. bahagyang ngumiti si haechan tsaka dali-daling inubos yung nasa baso niya.
agad niya ring pinagsisihan 'yung ginawa dahil hindi alak ang nalasahan niya. "tangina!" aniya nang madura ang lahat ng nainom. "gago!" hampas nito sa katabing si renjun.
tawang-tawa naman si chenle, si mark hinahampas pa si jeno na malaki ang ngiti. jisung is laughing together with his best friend, at si jaemin, like the usual, nakangiti lang.
"iniisip mo?" tanong ni renjun bago abutan ng baso si haechan.
haechan did not accept his offer at kumuha ng kan'ya. mamaya patis na naman 'yon katulad ng kanina.
"wala, gago kayo." inis niyang sagot.
"tol, 'di mo 'to moment. si mark 'yung nagyaya kasi bumabagsak ba't ikaw sumesenti?" natatawang tanong ni chenle bago sumubo ng pulutan nila.
haechan stared at him kaya lalong natawa ang loko.
biglang nagtayuan ang katabi nilang grupo. napalingon silang lahat ro'n dahil maingay ang pagka-tayo nila. para bang may tensyon na nagaganap.
nagkatinginan silang pito nang magsimula nang sumigaw 'yung isang lalaki. "kalma lang tol, pag-usapan natin 'yan." anito at ine-extend pa ang kamay.
may isang lalaking tumapal no'n. nasa sampo siguro 'yung nasa kabilang upuan. lahat pa'y lalaki. parang nakahati sila sa dalawang grupo. nasa kanan 'yung nagsalita tapos nasa kaliwa naman 'yung nang-tapal ng kamay.
"ulol, anong usap-usap?! tangina kanina ka pa mayabang, e!" sigaw nung nangtapal ng kamay at bigla na lang sumugod.
nagsigawan ang mga tao. bigla na lang nagkagulo sa loob ng iniinuman nila haechan. may ibang sinubukang umawat pero ang lalaking tao nila at kapwa nagsusuntukan pa.
biglang kinuha ni haechan 'yung lalagyan ng yelo at tumayo. napatingin sa kan'ya ang anim niyang kaibigan.
"gago! anong gagawin mo?" tumayo rin si mark.
walang sagot na binigay si haechan at nagdire-diretso lang. haharangan sana siya ni jisung pero tumabi rin kaagad ito nang magtama ang mata nila ng kaibigan niya.
"haechan!" hindi na napigilan ng magkakaibigan si haechan itapon ang isang bucket ng yelo.
parang nangisay naman 'yung mga lakaking nag-aaway dahil dumikit sa mga balat nila ang malamig na yelo.
"put—" naputol ang sasabihin ng isang lalaki ng may tumamang kutsara sa mukha niya.
lahat sila ay napalingon kay jaemin na kumakain pa rin. "gugulo niyo, kumakain ako." walang halong kaba nitong sagot.
"aba gago ka, ah!"
and the chaos started.