Yoona POV
"So class, ang ating kaanib na academy, ang Krimpton Academy at ang Heliena Academy. Lahat ng estudyante sa kanila maging dito sa atin ay magpapkitang gilas sa kanilang kapangyarihan. Magi-stay sila dito ng limang araw. Mag training na rin kayo ng may maipagmalaki naman kayo." Saad ng masungit naming guro saka lumabas
"Aba't?! Anong akala nya sa atin?! Walang maipagmamalaki?!" -Walter
"Sayo wala sa amin meron" sabi naman ni Amanda habang nakahalumbaba pa
"A-ano?! Mayroon ako 'no! Malaki!" Sigaw ni Walter na tinawanan naman ng lahat
"Maliit o mahaba?" Natatawang sabi ni Natan
"Mahaba" sagot naman ni Walter kaya halos mamatay na sa tawa ang iba
"Ano bang nakakatawa?! Ha?!" Inis na sigaw ni Walter
"Pfttt... H-haha. T-talaga ba-ang malaki h-ha?" Natatawang sabi ni Agathon
"Oo! Ano bang pinagsasabi—mga walanghiya kayo! Ang dudumi nang utak nyo!" Sigaw ni Walter
"Hahaha... Ano bang sinasabi mong mahaba at malaki?" Tanong ni Natan
"Malaki ang maipagmamalaki ko at mahaba ang magagawa kong palabas!" Sigaw ni Walter
"Ganon ba? Kala ko yung... Pftt HAHAHAHA!" Tawa ni Alona
"Ikaw ha! Wala akong kakambal na green minded! Dyan na nga kayo!" Sigaw nya at tumayo, akmang lalabas na sya ng dumating ang next teacher namin...
"Where are you going Mr. Aquaton?" Tanong ni Prof
"Wala prof... Uupo na po ako" saad ni Walter at bumalik sa pwesto nya habang ang iba naman ay nagpipigil ng tawa
Nagsimula nang magturo si prof hanggang sa matapos na ang time nya, break time na.
Nagpunta na kaming lahat sa cafeteria at kumain.
Nauna akong matapos kumain kaya di ko na sila hinintay pa at naunang umalis nang cafeteria.Habang naglalakad sa hallway ay may bigla na lang humila sa akin papunta sa likod ng building. "Ano ba?!" Sigaw ko
"May pinapasabi lang si Yara..." Bulong nya
"Ano?! Sinong Yara?!" Tanong ko
"Hala... Grabe ka, kinalimutan mo na kaagad ang nagturo sayo kung paano gamitin ang kapangyarihan mo. Baka nga ako kinalimutan mo na rin" nakanguso nyang sabi
"Oh? Kasalanan ko ba yun" wika ko kaya napasimagot sya
"Bahala ka... Basta ay kailangan nating mahanap ang anim na natitirang gemstones para sa nalalapit na digmaan" sabi nya
"Gemstones? Di ko alam pinagsasabi mo. Baka mamaya, di pala namin kayo kaanib" wika ko at tinaggal ang kamay nya sa balikat ko
"Ano ka ba naman Yoona? Kami na nga ang nagturo sayo, kami pa itong traydor? Bakit ba kasi di mo kami matandaan?" Tanong nya
"Malay ko, basta ay nagising na lang akong walang matandaan" bulong ko
"Ano? Walang matandaan?... Totoo nga ang sinabi ni Goddess Ytalia" saad nya pero di ko narinig ang panghuli
"Dadalahin na muna kita kay Yara para makapaghanda na tayo" saad nya at hinila ako pero pinigilan ko sya
"Teka... Mapagkakatiwalaan ka ba?" Tanong ko sa kanya
"Oo... Wag kang mag alala, katulong mo kami" sabi nya pa saka ako hinila
Nakarating kami sa isang garden at may isang babaeg nakaputing bestida ang nakatayo doon habang nakangiting nakatingin sa amin
![](https://img.wattpad.com/cover/250077462-288-k27996.jpg)
YOU ARE READING
𝓣𝓱𝓮 𝓛𝓸𝓼𝓽 𝓟𝓻𝓲𝓷𝓬𝓮𝓼𝓼 (Oɴ Gᴏɪɴɢ)
Fantasy" ⓣⓗⓔ ⓛⓞⓢⓣ ⓟⓡⓘⓝⓒⓔⓢⓢ " d͎a͎t͎e͎ m͎a͎d͎e͎: j͎a͎n͎u͎a͎r͎y͎ 01 2020 d͎a͎t͎e͎ f͎i͎n͎i͎s͎h͎: ( o͚n͚ g͚o͚i͚n͚g͚ ) Life is unreadable. Things that you never except is in you. Things is so unexpected. You need to accept it. Like me, I had a perfect family bu...