☯ CHAPTER 33 ☯

4 0 0
                                    

Yoona POV

(Yoona's Pegasus on the media)
1 week ang nakalipas nang makabalik na kami sa academy at wala pa rin ang missionaries. Sabagay, matagal naman talaga makarating doon. Today was saturday, pupunta ako sa palasyo at makikipag usapbsa hari't reyna, kasama na si Erick sa usapan at kasama din namin papunta doon ang nga royalties at alpha's.

Ngayon, ang problema na lang ay ang tukmol kong kuya na hanggang ngayon ay parang babae, di namamansin, simula ng makabalik kami dito dahil sa inilagay ko 'daw kuno, ang sarili ko sa kamatayan.

Para namang babae kung mag inarte, nakakabwiset, parehong pareho lang ni Vonn. At si Vantot? Ewan ko. Basta palagi ko lang syang nakikitang nakikipaglandian. Nakakainis nga eh. Sumama sa akin para lang makipaglandian? Ayos din sya eh. Ano naman pala ang pake ko?

"Hey! You will surely not bother me?! Huh?!" I asked Erick who is now looking at the field

"Hmm..." He hummed while nodding

I raised my brow and cross armed, "okay, bye" I said then walked away. Habang naglalakad ay nakatingin lang ako sa mga naglalaro sa field. Ang hihina kasing maglaro, parang nagsisipa bola lang. Habang naglalakad ay may nakabangga ako.

"Sorry miss" paghingi nya ng paumanhin. Ng iangat ko ang tingin ko ay isang mala anghel na mukha ang nakita ko. Eng gwepe nye pe.
"U-uh, o-oka-ay lang" nahihiya kong sabi at ngumiti. Ayy mayhiya ba ako? Meron naman siguro, mga 0.00¹%.

"You sure?... Oh, by the way, I'm Ethan" pagpapakilala nya at inilahad ang kamay nya na tinanggap ko naman "Yoona" sabi ko naman. We shaked our hands when he squeezed my hand that made me blush.

"Hey, Yoona, let's go" isang masungit na boses ng lalaki ang narinig ko at hinila naman ako nito palayo doon sa lalaki. "Hoy! Bitiwan mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya. Sino ba 'to? Likod nya lang kasi ang nakikita ko simula ng hilain nya ako

"Hoy! Anu ba?! Saan mo ba ako dadalhin?!" Sigaw ko pa at hinila ang kamay ko, at nabawi ko naman, kaya napaharap sya sa akin. Oh, si Vantot.

"Ano bang problema mo at nanghihila ka lang basta?" Mahinahon kong tanong sa kanya

"Sino ba kasi yon? Halatang halata sa mukha at galawan nya na pinagnanasaan ka nya. At gusto mo naman!" Inis nyang wika. Sino bang tinutukoy nito? Si Ethan ba? Di ko naman yon napansin ah.

"Eh.. Di ko naman alam" pangdedepensa ko sa sarili
"Ano? Di alam? Niloloko mo ba ako? Bahagya ka pang namula tapos di napansin?! Ha?! Tanga ka ba?!" Sigaw nya na kinagulat ko.

"Oo, tanga ako. Nahulog pa ako sa bitag ng manloloko. Masaya ka na? Na inamin ko" basag ang boses kong tanong at naramdaman ko na lang ang mainit na likido sa aking mata. Tears.

Maging sya ay nagulat sa sinabi nya, pero okay lang. Totoo naman.

"S-sorry, di ko sinasadya.. Nadala lang ako sa galit ko" paghingi nya ng paumanhin na labis kong kinataka. "Bakit ka naman nagagalit?" Tanong ko at pinunasan ang mata. "Ah—ano... Ay-ayaw ko lang talaga ng binabastos na babae" nanlalaki ang mata nyang sabi at nag iwas ng tingin. "Ganon ba? Bakit nang makita kitang naglalakad sa gilid ng babaeng binabastos eh wala ka namang pakelalam?" Tanong ko pa. "Y-yun? G-gus-to nam..an kasi yon ng baba–e" nauutal nyang sabi habang namumula pa ang tenga

"Bakit ka namumula?" Muli kong tanong. "Ha? Ako namumula?—.. Ah.. Basta! Wag mo nang intindihin yan" sabi nya at saka kumaripas ng takbo palayo. Tingnan nyo yun. Parang tanga lang. Manghihila tapos iiwan rin naman pala ako. Parang iba lang, isasama sa paglipad pero iiwan lang din sa ere. ANG SHAKEET!

〰〰

"Ready ka na?" Tanong ni Alona sa akin na tinanguan ko naman.

Aalis na kasi kami papunta sa palasyo. Gumawa na kami ng kanya kanyang pegasus, at dahil sa marunong na ako ay nakagawa rin kaagad ako.

Sumakay na kami sa kanya kanyang Pegasus, at saka ito pinalipad. At dahil sa mas gusto ko ang nauuna, dahil ako ang no. 1, mabilis kong pinalipad ang pegasus ko at naunang makadating sa palasyo.

Pagkababa ko ng Pegasus ay inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko at maganda pa rin. Tulad dati. Hinintay ko na lang muna sila at dahil sa tagal nila ay BORING.

"Ang tagal nyo! Halos isang oras akong naghintay!" Naiinis kong singhal sa kanila nang makababa na sila. "Grabe naman to, sampung minuto ka lang naghintay" sabi naman ni Denisha "Whatever" sabi ko at umirap

We headed inside the palace and went to the dinning area. "Wews! Pagkain!" Nagagalak kong sabi nang makita ang maraming nakalatag na pagkain sa mesa. Natawa naman silang lahat, kasama na ang hari't reyna kaya namula ako sa kahihiyan.

"Mom...Dad..." Bati ni Erick at nakipag beso sa kanila. Lahat naman sila tumingin sa akin. "Oh? Problema?" Tanong ko sakanila. Ng sikuhin naman ako ng katabi kong si Amanda. "Batiin mo ang magulang mo" bulong nya sa akin

Yumuko naman ako at sinabi, "Magandang araw hari't reyna" bati ko at ngumiti. "Ano ka ba naman Yoona? Di ka katulong para ganyan bumati" sabi naman ni Agathon. "Ganon ba?... Ano ba dapat ang sabihin?" Tanong ko. "Di mo talaga sila babatiin? Tulad ng ginawa ni Erick?" Tanong ni Gino

"Ah, okay" sabi ko. Lumapit ako sa kanila at nakipag beso. "Hello Tito... Tita" ngiting ngiti kong sabi kaya naman napangiwi sila. Problema?. "Bakit tito? At tita?" Tanong ni Alona. "Ako kasi ang magiging future hipag nila!" Sabi ko at pumalakpak pa habang sila naman ay napanga nga na lang. "De joke lang... Good evening mom and dad!" Bati ko at isa isa silang niyakap ng mahigpit.

Kumalas ako sa yakap at bumalik sa tabi ng mga kasama ko. Inaya naman nila kaming kumain at syempre, dahil bawal tanggihan ang grasya, ay kumain na kami. Matapos kumain ay pumunta kami sa meeting room kung saan doo naguusap usap.

Wala ang iba dito dahil sa usapang family da 'kuno' ito. Kami lang ni Erick at ng hari't reyna ang nandito. Nagsimula na silang mag kwento na pinakinggan ko naman.

"Noon, habang nasa kuna ka palamang, sumugod ang darkenians sa kadahilanang nalaman nila na ikaw ang itinakda upang pumaslang sa kanila at ng matapos ang kasamaan. Habang nakikipaglaban, marami ang nagbabantay sayong katulong na syang napatay ng reyna ng mga darkenians. Kaya kaagad kaming nagtungo sa iyong silid nang malaman iyon, pero nakita ka na lang namin na nahuhulog sa portal habang pilit kang inaabot ng reyna ng darkenians, o si Daria (dareya) upang patayin." Kwento ng hari or should i say dad?

"Grabe naman pala ang kwentong yun, pwedeng ipalabas sa TV" komento ko na kinatawa nila.
"Kaya labis ang kasiyahan naming nakabalik ka na, at ngayon ay tanggap mo na kami bilang iyong pamilya" sabi ni mom. "Tanggap nga ba?" Sabat naman ni Erick na kinatahimik ng dalawa. "Ano sa tingin mo? Hihingi ba ako ng tawad kung hindi? Makikipag usap ba ako sa tinuturing kong strangers? Ha?" Tanong ko naman

"Sabi ko nga tanggap mo na, psh" pag suko nya at nag iwas ng tingin. "Bakit ka naman humihingi ng tawad?" Tanong ni dad. "Kase yang si Erick po, parang bakla kung umasta, magtatampo na nga lang kailangan isang linggo pa" pahayag ko at nag cross arm. Napasimangot naman si Erick at tumawa naman sina mom and dad.

"Talagang magiging ganyan yan dahil sa palagi ka nyang nami-miss noong wala ka pa" sabi naman ni dad. Napa '0' shape naman ako sa narinig. "Wahaha! Ang yelong Erick may nararamdaman rin pala! Lika na, bonding tayo kasi namiss mo ako! Hahaha!" Tawang tawa kong sabi.

"Tsk!.. Let's go bago may masabi pang iba ang mga yan" sabi nya at naunang maglakad. "Bye mom, dad" paalam ko at hinabol si Erick.

Inakbayan ko naman sya ng maabutan ko na sya at ngiting ngiting tinanong "Yelo... Matanong lang kita, sino nga pala si Veronica?"

"H-ha? Si-no ba yon?" Nauutal nyang sabi. "Sus! Kunwari ka pa! Gusto mong sunduin ko pa sa academy at iharap sayo ng matandaan mo?" Pan aasar ko dito

"W-wag! Tss! Tumigil ka na" sabi nya at namumulang nag iwas ng tingin. "What kind of sister am I ?" I asked out of nowhere.

Nagulat naman sya pero kaagad ding nagkibit balikat. Napa buntong hininga ako at tinanggal ang pag kaka akbay sa kanya.

"Sige... Hahanapin ko muna sila" sabi ko at tumakbo palayo. Nasaan kaya ang mga yon? Ang laki pa naman nitong palasyo.

But really, what kind of sister am I ? Kasi bakit parang halos sila ayaw sa akin kung pag dating na sa love ang usapan? Gusto ko lang namang tumulong eh. Ngayon ko lang nalaman na masama na pala ang pag tulong. Sabagay, sino ba ako para manghimasok sa buhay nila? Im just a NOTHING. Pero ang inaasahan nilang magliligtas sa kanila.



~ End of Chapter 33 ~

𝓣𝓱𝓮 𝓛𝓸𝓼𝓽 𝓟𝓻𝓲𝓷𝓬𝓮𝓼𝓼 (Oɴ Gᴏɪɴɢ)Where stories live. Discover now