VII - Shrek

495 22 38
                                    

Disclaimer
None of the media used in this story are mine.
Credits go to their respective owners.

For more feels, check out the Spotify playlist I made for this story:
bit.ly/AfterTonightOST

ly/AfterTonightOST

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-----

Good morning passengers. This is your captain speaking. First I'd like to welcome everyone on Cebu Pacific Flight 5J932. We are currently cruising at an altitude of 33,000 feet at an airspeed of 400 miles per hour...

Wala na, nilipasan na nga ata ako ng antok .

Hindi pa nakakatulong itong bata na nakaupo with his parents in the same row as mine, just across the aisle.

Naka-earphones nga s'ya, pagkalakas -lakas naman. Haha.

Parang 'yung opening theme pa nga ng Shrek 'yung naririnig ko. Either the first or second film siguro 'to.

Wait, Shrek 2 nga ata. Biglang nag-play 'yung song na 'Accidentally in Love'.

Yes. 'Yung song na 'yun.

Parang nananadya nga naman. Hay.

This was the exact same song that I asked for that day.

Ah basta.

Ito 'yun.

This was the confirmation.

-----

October 23rd, Tuesday — Tulad ko, naki-book na rin 'tong si Kuya Rob sa join-in tour na binook ko. It was a day trip to Ayutthaya, Thailand's former capital.

After that awkward moment kagabi, which I hope he doesn't remember, sobrang matipid ng usapan namin.

Natatandaan n'ya nga kaya?

Baka oo, kaya s'ya tahimik?

Nag-aayos s'ya ng camera ngayon pero parang ayaw pa rin n'ya kong kausapin.

Fuck, naaalala n'ya nga ata.

Bahala na nga.

If he doesn't want to talk, fine. Baka nahiya rin siguro.

Ah basta, nakikinig na lang ako ng music sa Spotify just to divert my attention habang magkatabi kami ngayong bumibyahe sa bus. Buti na lang at ako ang nasa window seat ngayon kaya I can easily distract myself with the views outside.

Actually, nahihiya rin ako.

Ang dami-dami kong tanong.

Totoo ba 'yung sinabi n'ya kagabi?

Did he mean it?

Did that kiss ever mean a thing sa kanya?

At sa 'kin din ba?

After Tonight [BxB] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon