Chapter 2

1 0 0
                                    

Binuksan ko ang aking drawer kung saan nakalagay ang scrunchie na naiwan nung babae, baka kasi mamaya mahalaga yun sa kanya 'tas bigla na lang mawawala, saka ko na lang ibibigay sa kanya kapag pumunta na ulit ako sa sementeryo.

Ang mood ko ay parang panahon pabago-bago, hindi ko alam kung kailan ito magpapalit o mawawala. Simula nung mamatay yung Mommy ko walang nagtry na kumausap sa'kin kahit sino sa mga kaklase ko, natatakot sila sa'kin, I mean 'di naman ako ganoon kalala baka na rin siguro sa malamig kong presensiya. Mahirap mag move-on lalo na nawala sa piling mo ang taong pinakamamahal mo.

Minsan nga narinig ko yung mga kaklase ko na pinag-uusapan ako, sabi nila "tingnan n'yo si Philistine lagi na lang s'yang tahimik kaya 'di nagkakaroon ng kaibigan eh" yun ang lagi nilang sinasabi, na hindi nila alam kung anong puno't dulo kung bakit ako ganito.

Hindi nila alam ang kuwento ng buhay ko kaya madali nila akong husgahan, lumipat kasi ako ng school kaya 'di nila ako ganoong kilala, may nakakakilalang iba sa'kin pero 'di nila ako pinapansin dahil alam na nila ang mga mangyayari kung magkataon, ayaw ko sa lahat yung makukulit, naiirita ako 'pag ganoon, kahit yung mga babae, lagi nila akong sinusundan kahit saan, kinukuyom ko na lang ang aking mga kamay para mapigilan kong mabulyawan sila, kasi ayaw kong ginaganon ang mga babae, dahil itinuro ng nakaraan ko na dapat respetuhin lagi ang mga babae.

Kailangan naman talaga at dapat naman talaga, ewan ko nga ba kung bakit yung ibang lalaki binabahiran yung pagkalalaki namin ng masama, kaya minsan 'di na nagtitiwala ang iba sa amin.

Pero yung iba lang naman sa amin, nandadamay pa sila.

Matatapos lang kung anong mabigat na nararamdaman ko, kung makikita kong mabubulok sa kulungan yung murderer na 'yon.

Dahil hanggang ngayon dala-dala ko pa rin sa.loob ko ang hinanakit at galit sa kan'ya, sabi nung iba forgiveness is the key, paano ko siya mapapatawad kung hanggang ngayon malaya pa rin ang ama ko, wait… di na pala s'ya malaya dahil lagi s'yang binabagabag ng konsens'ya n'ya

'Pag nagkita kami 'di ako magdadalawang isip na ipakulong siya, kahit ama ko pa s'ya.

Sabi ni kuya hayaan ko na lang daw yung tatay namin, pampagulo lang daw yun, anong magagawa ko kung gusto kong magkaroon ng hustisya ang nanay namin eh.

__...__…__

Gumising ako ng maaga para makapaghanda na para sa school at para na rin maibigay ko na rin kay Sir ang excuse letter ko kung bakit absent ako kahapon, di na ako nakapagpaalam at nakakain ng agahan kaya nagdala na lang ako ng makakain.

Sabi ng mga kaklase ko para daw akong bata, dahil may lunch pack daw ako, eh ano naman sa kanila yun ang gusto ko eh, bakit sila ba, pinapakailaman ko?

Sumakay na ako sa kotse ko and started to ignite the ignition and drive.

Hindi naman gaanong magtraffic ngayon dahil maaga nga akong pumasok ngayon.

Pinark ko ang aking sasakyan kung saan madali akong makakalabas. I locked my car and run towards the R.F.I.D(Radio Frequency Identification) and tap my I.D., mabilis akong naglakad para 'di na ako maabutan pa ng makulit kong kaklase, na si Andrew.

Lagi n'ya akong hinahabol kahit saan ako magpunta, kasi mula nung tinulungan ko s'ya sa bullies lagi s'yang bumubuntot sa'kin, simula daw nun magkaibigan na kami, bestfriends na daw kami.

Well kawawa din naman s'ya dahil never pa daw s'ya nagkakaroon ng kaibigan kahit nung simula pa nang s'yay nag pre- elem. Ayaw ko naman na maramdam n'ya na kinaibigan ko lang s'ya dahil ng awa, ayaw ko ng ganun. Kaya 'di ko na lang s'ya pinapansin, mapuwera na lang kung may hinihiram s'yang gamit sa akin. Dahil daw sa itsura n'ya pangit daw s'ya.

When I Saw HerWhere stories live. Discover now