Chapter 25

8 1 0
                                    


"Good morning miss president" bati ng mga student na nadadaanan ko, ngumingiti at tumatango lang ako sa kanila bilang ganti, i'm slowly Walking in the path way.. dahil sa excited ako pumasok kanina 5:00 palang ay gising na ako

Maaga pa ako kase konti palang ang estudyanteng naka kalat sa palagid, tinungo ko ang SSG office sabi ni cylden kagabi may meeting ngayon wala pang tao dun maliban sa Guard na nagbabantay, nagulat pa ito ng makita ako, hindi ko mapigilang pagtaasan ito ng kilay

"Miss president" nagugulat na bati nito, tipid akong ngumiti sa kanya

" Akala kona po hindi na kayo papasok pa, ang bali balita kase ay nag transfer kana" paliwanag nito. Hindi ko mapigilang tumawa ng malakas sa sanabi nito

"Papasok na po ako" paalam ko, dali dali naman niyang binuksan ang pinto at pinapasok ako. Para akong  tangang nakangisi habang naglalakad papunta sa upuan ko

Umupo ako at inabala ang sarili ko sa mga folder na nasa harap ko napapairap nalang ako sa mga nababasa ko

Paano ako hindi mapapa irap, like duh? Ang liliit na bagay pero pinapalaki ng mag amang yon?.. umirap ulit ako.. inaral ko ang bawat detalyeng nasa harap ko umabot siguro ng kalahating oras hanggang sa maka isip ako ng solusyon ng hindi kakailanganin ng pagpapalit ng posisyon, kung mangyayari yon ipapagawa ko sa kanila ang pinaka mahirap na gawain. Kahit wala ako sa posisyong gawin yon gagawin ko

Sumunod ng dumating ang Principal ng school, tumayo ako at bumati, nagulat pa ito ng makita ako. Ngumiti ito sa akin at lumapit

"Ms. Hidalgo I'm glad you're here now.. unfortunately na iinip na ako sa mag amang yon, well hindi lang ako nagsasalita sa mga issue nila" panimula nito sabay paypay sa sarili niya

"I was expected that Mrs. Alvaro don't worry. Pinaghadaan ko ito" mahinahong sagot ko

Marami pa kaming napag kwentuhan habang wala ako. Nakwento ko rin sa kanya na na hospital ako

"Yeah we know it. Actually dinalaw ka namin pero wala ka pang malay na noon. Lola at lolo mo ang naabutan namin don pero hindi kami nagtagal" sabi nito, tumango nalang ako dahil wala naman silang nabanggit na dumalaw ang mga grandparents ko mabilan nalang nung araw na kadadating nila

May nasabi pa siya sa akin na ginagawang hakbang ngayon ni janice. Nangunot ang noo ko dito dahil hindi siya sigurado pero lagi daw itong lumiliban sa klase

Tumigil lang kami ng may pumasok na officer at sa tingin nito ay nagulat pa siya at hindi naka ligtas sa akin ang pag irap niya napa ngisi nalang ako, naghiwalay kami ni mrs. Alvaro na parang may hindi kami pagkaka unawaan

"Oh Mrs Alvaro, i have also a last question, gugustuhin mo bang matanggal din ako sa posisyon" tanong ko rito. Nagugulat siyang tumingin sa akin mabilis kong ginalaw ang mata ko sa officer na nasa kanan ko at mukhang nakuha niya agad ito, tipid itong ngumiti sa akin na mukhang naamoy niya din ang naamoy ko, mabilis na sumulyap sa kanya ang isang officer agad siyang nagtaray sa akin

"Of course, sino ba namang hindi gugustuhin na matanggal ka? You're always absent, what do you expect from me ms. Hidalgo?" Masungit na sagot nito sa akin. Kunyari ay nalungkot ako pero sa isip ko ay napapitik ako ng mapansin naming napangisi ito ng palihim

"Is that so" maarte kong sagot na parang naiiyak na pero sa isip ko tumatawa ako

Hindi na kami umimik pa hanggang sa magdatingan ang iba pang officer. Sabay na pumasok sina cylden at janice na pinagtaka ko, sa likod nila ay si Janelle. Nagulat  pa ito ng makita ako pero dahil plastic siya ngumiti siya sa akin ng peke, hindi din naman ako magpapakababa kaya ngumiti ako ng pilit at peke kahit nagtatanong na ang mga mata ko kay cylden na nakatitig sa akin

Grow old with you( on going, slow)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon