#LVEQC16

22 6 16
                                    

04-20

"Sa'n kasi nila nilagay ang pera, ayan tuloy hinanapan sila," rinig kong saad ni Xy sa gilid ko habang nagsi-cellphone.

Trending kasi ngayon sa twitter ang pangulo ng pilipinas dahil daw sa nawawalang bilyon.

Tas umeepal din ang ibang mga artista na todo tweets at sinisisi ang gobyerno kung bakit daw nawala 'yong pera.

"Isa pa 'tong ibang mga artista na andaming kuda, wala namang naiambag sa pilipinas," bulong ni Raihana sa gilid ko.

Magkatabi kaming tatlo, sa kaliwa si Raihana habang sa kanan naman ay si Xyrelle, si Marielle naman ay nasa gilid ni Raihana, at si Shane ay nasa gilid ni Xyrelle, at si Yana ang nasa hulihan na katabi ni Xyrelle.

Magkasama kaming anim ngayon dahil may importante kaming pag-uusapan. Wala 'yong iba kong kaibigan kasi busy sila. Pero eka no'ng iba e susunod sila.

Imbes na mag-uusap kaming anim e puro kami cellphone, at nakikichismiss na rin sa twitter.

I snapped.

"Ano ba, sabi ko na pumunta kayo dine kasi may pag-uusapan tayo, tas puro lang kayo cellphone. Ipapa-off ko talaga itong wifi namin mga slapsoil na'to." nakanguso kong saad.

Hindi pa rin sila nakinig sa akin kaya tumayo ako at pumunta sa kinaroroonan ng wifi namin at dali-daling inoff.

Narinig ko pa ang kanilang nga bulungan kasi nawala daw 'yong internet ngunit nang nakita nila akong nakatayo malapit sa internet ay wala silang nagawa kundi ang ilagay sa kanilang gilid ang kanilang cellphone.

"Tangina mo talagang gaga ka," rinig kong mura ni Raihana sa akin.

I smirked.

Bumalik ako sa kung saan ako umupo kanina, nang makaupo ako saka ko sila tinignan, ang kanilang mga mata ay titig na titig sa akin.

I rolled my eyes and ignored them.

"Anyways," panimula ko,

Kinuha ko ang isang folder kung saan naroon ang ibang ebidensiya na nakuha ko habang nag imbestiga.

Alam kong hindi ko ito trabaho pero dahil bored ako, ito 'yong napili kong gawin.

Charot lang. Wag mong seryosohin bhie baka masaktan ka lang.

Ginawa ko 'to kasi may dahilan ako.

Bago pa ako magsalita ulit ay narinig kong may tinanong si Maye.

"Ano 'tong mga 'to?" she asked while looking at the evidences.

"It's obvious bitch," inis na sambit ko.

Halata naman kasi na mga ebidensiya 'yon kasi kitang kita naman, pwera nalang kung bulag siya.

"No, I mean, bakit meron kang ganto? Where did you get this shits?"

I was about to open my mouth but Shane answered Maye for me.

"Just listened to her first before you asked, bitch,"

Pagkarinig niya sa sagot ni Shane ay agad niyang binitawan ng tingin ang mga pictures at mga papeles saka tinignan ng masama si Shane.

La Vie En Quarantine  ( QuaranTime: Semi-Epistolary Series )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon