#LVEQC26

8 1 0
                                    

Kasalukuyan akong nandito sa aming pasilyo, prenteng nakaupo sa mataas na upuan. Dito ako madalas tumambay kapag walang magawa o kaya kapag kelangan kung lumanghap ng sariwang hangin.

Nag-facetime kami ngayon ni Grant. Mahigit dalawang oras na rin kaming nag-uusap nito.

Inaamin ko, hindi kami maayos ni Grant, pero gusto ko siyang pagbigyan ng pagkakataon na patunayan sa sarili na nagbago na nga ito.

Ilang linggo na rin kaming nag-uusap at nagkakasama. Ramdam ko ang sinseridad na gusto niya talagang bumawi sa pagkakamaling ginawa niya sa akin noon.

Minsan magugulat nalang ako na may biglang dumarating na pagkain sa bahay namin, o 'di kaya'y mga gamit o damit na pambabae, at malalaman kong sa kanya pala galing ang mga iyon.

About Greyson, we're good. I think he's happy right now. The last time we talked is he's telling me the story of his new nililigawan, and I am so happy about him.

"Babe..." I heard him calling me on the other line.

Inaasar ko ngayon si Grant na bakla, may sinend kasi sa akin 'yong kapatid niya na si Johnllyod. Si Johnllyod ang kaniyang bunsong kapatid. Habang si Vanessa naman ang pangatlo. Si Conor ay pangalawa, at si Zed ang panganay.

Hindi ko madalas nakikita si kuya Zed dahil busy ito sa pag-aalaga sa business ng pamilya nila, habang si Vanessa naman ay hindi kami ganon ka close, kapag nagkikita kami ay taas kilay lang. Super maldita kasi ni Vanessa ever since. Pero I think ngayon nagbago na. Matagal na rin kasi kaming hindi nagkita, e.

'Yong sinend ni Johnllyod sa akin ay isang litrato ni Grant noong bata pa siya, eka ni Johnllyon sa akin.

"Yes, babe?" I asked.

"I'm not gay, m'kay?" he patiently said, trying not to sound mad.

Halos matumba ako sa kakatawa dahil pinaka ayaw niya talaga ay 'yong tinatawag siya na bakla.

"Hmm... okay..."

Tumayo ako sa inuupuan ko at pumunta sa aking kwarto para kunin 'yong laptop ko. Gusto ko kasing manood no'ng bagong labas na movie ngayon.

"Babe," he called.

I immediately arched my brows. "What?" I replied.

"I wanted to go in your house right now but I know it's bawal." I almost vomit after I heard him being 'conyo' again.

My shoulders are now shaking because he's so funny without even trying.

"Babe, you're being conyo again." sabi ko nito habang tumatawa.

"Babe!" he shouted on the other line.

"What?" but still laughing.

Pagkatapos kong tumawa ay agad kong in—open 'yong google at nag—search ng netflix. Automatic na naka—log—in agad ako kasi syempre laptop ko 'to. Pagka—open ng netflix ay agad kong sinerch 'yong bagong labas na movie at in—open 'yon.

"End ko muna 'yong call, ah? May pupuntahan lang ako." sabi nito.

"Okay..." I replied without asking if where he goes.

"You're not going to ask me where?" anito habang nakakunot ang kaniyang noo.

"No."

"You sounds so weird, babe. But, why?" ramdam ko sa boses nito ang pagiging curious kung  bakit hindi ako nag—tanong kung saan siya pupunta.

Tumawa ako pero mahina lang. "Wala lang. May tiwala naman ako sa'yo, e." I smiled.

"What if babae pala pupuntahan ko? Hindi ka pa rin ba magtatanong?"

La Vie En Quarantine  ( QuaranTime: Semi-Epistolary Series )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon