#LVEQC4

36 11 18
                                    

MESSENGER

Greyson Max...         📞          📽           ℹ


Greyson:

I'm sorry. It's just...

Kendal:

Pwede din naman kasing wag mong ipopost 'yon. Baka mapagkamalan pa tayo niya.

Greyson:

I'm sorry. You're not answering my text and calls, that's why.

Kendal:

Ayos lang. Apology accepted, but favor please.

Greyson:

What is it?

Kendal:

Can you please stay away from me? Can you please stop these 

nonsense. 'Di na ako masaya sa pinagkakagawa mo. It bothers me so much.

Greyson:

Pasensya na. I just wanted to talk with you the whole day.

Kendal:

Nag-uusap naman tayo, ah.

Greyson:

I mean dito sa messenger

Kendal:

'Di paba sapat sa'yo 'yong pag-uusap natin kapag pupunta ka dito sa bahay?

Greyson:

Hindi naman kasi ako araw-araw na nandiyan sa inyo

Kendal:

We can talk in person. But please wag kang magpopost ng gano'n.

Greyson:

Ok, if that's what you want me to do. Always remember what I've said to you. Hindi ako magsasawang echachat ka.
seen


***


Ghad, naiiyak ako sa pinagkakagawa ko sa kanya. Hindi ko gustong ipatatabuyan ko siya papalayo sa akin. Gusto ko magiging close pa kami. Gusto ko na magiging kami. But I love my friends. Mas gusto ko pang masaktan ako kesa sa masaktan si Yvette kung magiging kami.


Urgh, I hate myself. Kung kelan nagpaparamdam na si Greyson saka naman ito dadating. Ayaw kong masira ang friendship namin.




Hindi ko gusto ang mga desisyon ko ngayon. Pero kelangan, ayokong masira friendship namin. Eka nga nila, bros before hoes.



Kanina ko pa binabasa 'yong convo naming dalawa. Naiiyak na talaga ako.



"Kelangan mo ba talagang gawin 'yong sinabi ni Xyrelle sa'yo, KL?" tanong sa'kin ni ate Sheena na siyang ikinagugulat ko.



Inangat ko ang aking ulo papaharap sa kaniya. "Kelangan po ate, kaibigan ko si Yvette. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin, natin." ani ko saka ako yumuko.


"Pag-isipan mo 'yan ng mabuti, KL. Isang maling desisyon mo lang, sasapakin talaga kita. Ayusin mo 'yang desisyon mo. Piliin mo kung ano ang gusto mo, piliin mo kung anong makakapagpasaya sa'yo. Wag mong isipin 'yong iba kasi hindi naman sila ikaw, e." sabi sa akin ni ate Sheena.

La Vie En Quarantine  ( QuaranTime: Semi-Epistolary Series )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon