Ianne’s POV (pronounced as Ayan)

            Masasabi mo bang normal ang pagkakaroon ng Friday sickness? Well para sa akin, usual na sa college students na kagaya ko. Pero di ko naman nilalahat. Kaya eto ako ngayon, mag isang naglilibot sa mall after class. But don’t get me wrong, I made a few close friends ever since I came back from abroad last year. Lumalabas din ako kasama sila pero madalang lang since nagkikita-kita naman kami sa neighbourhood and sa school. Still, I chose to be alone when I’m shopping for my personal things. Naexperience ko na kasi makipag tag along with my cousin nung minsan nagyaya siya magshopping, and I ended up being the chaperone slash nanny slash fashion consultant slash tagabitbit ng sandamakmak na pinamili nya. Ni hindi man lang ako nakabili kahit isa. From that day on, I preferred na pumunta ng mall nang mag-isa except pag kasama ko yung younger brother ko na si AJ. Para makapamili ako ng maayos and magkaroon ng quiet time alone and peace of mind.

            Habang naglilibot ako, I saw a cute black shirt with tribal wings printed on it. I instantly liked it kaya pumunta na ako sa loob ng shop, and pagkatulak ko pa lang sa glass door eh narinig ko na yung dalawang saleslady na tumili at animo’y kilig na kilig.

        “Ay ang gwapo naman ni Sir. Ang swerte naman natin, bibihira lang makakita ng ganyang biyaya ng diyos sa ating mga kababaihan.”.

        Bumulong naman yung kasama nya at sinabing,

        “Oo nga eh. Hay ang cute pa niya. Sarap tuloy titigan.”

        Napangiti na lang din ako. Well, sanay na ako sa mga ganyang tagpo. Kita nyo naman ang proof, ang sabi nila ang gwapo at ang cute ko daw (emphasis on the word DAW ^_^ opinion nila yan). Hindi ko naman sila masisisi.

        “Kaw na mag-assist”, rinig kong bulong nung isang may curly hair bago lumapit sakin yung kasama niyang straight haired at petite.

            “This shirt po ba sir?” tanong nya habang nakangiti sakin. I flashed a smile on my lips and nodded. “What size po?” tanong nya ulit.

            At dahil hindi talaga ako basta-basta nakikipag-usap kahit kanino, I fished out my phone in the pocket of my hoodie, typed medium and showed it to her. I saw her na ngingiti-ngiti bago tumalikod para ikuha ako nung shirt. Naglibot-libot pa ako sa store and found some cool stuff. A necklace with black wings as its pendant and a bracelet with musical instruments na designs. In fairness, mukhang one stop shop para sa isang complete get-up tong napasukan ko.

            Itinaas ko ang aking kamay na parang magrerecite sa classroom as a signal para lumapit sakin yung saleslady dahil alam ko namang kanina pa nakasunod ang tingin nila sakin. I asked for large sized hoodies nung mga designs na napili ko, then went to the display section of caps and glasses. I slowly looked at the salesladies and caught them staring at me habang tinatanggal ko yung cap and eyeglasses ko. Panay pa rin ang pagpapacute nila sakin. Medyo nakaka conscious na rin.

        Kung naging lalake siguro ako at nagkataong naghuhumiyaw ang pagiging malandi ko eh, papatulan ko ang pagpapacute nila. And yes you heard it right, hindi po ako lalake. At lalong lalo na hindi ako tomboy na cross-dresser. Nagkataon lang na nagsawa na ako sa long straight hair kaya I cut my hair short. Mahilig akong magsuot ng shirt, pants, sneakers, at jacket with matching headphones on my neck dahil dun ako komportable. Kaya karamihan ng nakakakita sakin assumes that I’m a guy. Hindi ko naman sila masisisi, I’m taller and thinner unlike the usual girls of my age with voluptuous defined body parts. Flat chested din ako to be honest. And with my choice of wardrobe, marami talagang mag-aakalang lalake ako.

        So back to pamimili, I tried some bago ako nakapag settle sa 5 hoodies, 3 shirts, 2 pairs of sneakers, a necklace and a bracelet, a pair of black stud earing, isang butterfly designed piercing para sa tenga ko, 4 na bull caps and 3 eyeglasses. Dumiretso na ako sa cashier handed them my credit card and yung mga napili ko. I smiled sheepishly at ginulo ng konti yung buhok ko nung marealize kong naparami pala yung bibilhin ko.

Masked MusicianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon