Ianne’s POV

            Para bang walang nangyaring significant kaya mabilis na lumipas ang weekend nang hindi ko man lang pansin. Nakakatamad pa man ding gumising ng maaga tuwing Lunes. Kung hindi lang sana papasok sa eskwela, hindi na siya mag-aabala pang bumangon.

            Pagkarating niya sa Business Education and Management Department ng Xavier University kung saan siya kumukuha ng kursong Business Management ay agad niyang inilagay sa tenga ang earphones at ini-on ang MP3 player sa bulsa ng pantalon.

            At dahil meron pa siyang mahigit thirty (30) minutes bago magsimula ang unang subject sa araw na iyon ay napagdesisyunan niyang tumambay sa harap ng bulletin board upang tignan kung meron bang mga bagong departmental announcements. Paalis na sana siya nang biglang buksan ng isang student assistant ang salamin ng bulletin board at idikit ang bond paper na hawak nito. At dahil sa curious siya ay agad niyang binasa ang nakasulat dito.

Who: Excellent drum players interested

What: Band Drummer Audition for Stitches and Burns

Where: Xavier University Auditorium

When: Wednesday, 11th of February, 2015 at 1pm ‘til 5pm

Note: Registration Forms are available at the Music and Arts Room or look for Mr. John Joseth Rodriguez. You can also print the registration form found on our facebook page: facebook.com/StitchesAndBurns

 

Signed:

Mr. Dan Mark I. Lopez

Dean, B.E.M Department

Xavier University

            Agad niyang kinapa ang cellphone sa bulsa ng strap ng mailman bag niya upang ilagay sa kaniyang reminders ang announcement na iyon. Interesado siyang mag-audition pagkat matagal-tagal na rin nung huli siyang tumugtog ng drums. Ngunit napangiwi siya nang mabatid na wala ang kaniyang phone sa bag. Noong Friday pa pala nawawala yung trusted cellphone niya.

        “Asan na nga kaya iyong cellphone ko? Baka tumawag na si Papa.” Nag-aalalang bulong ko.

        “Ang tangengots mo naman pala Ianne, malamang may nakapulot nun di ba? Di mo man lang naisip  na tawagan sa loob ng tatlong araw. Hay naku, mababaliw ako saiyo nang wala sa oras.” sagot naman ng conscience ko.

        “Oo nga no! Bakit di ko naisip yon? Ang henyo mo talaga kahit kailan! Matawagan nga mamaya.” Nakangiting saad ko sa aking sarili.

        Buti na lang lagi siyang may baon na sticky notepad. Ngingiti-ngiti siyang dumiretso ng classroom pagkatapos niyang kopyahin yung announcement sa bulletin board. “Hindi naman siguro magagalit si Papa kung muli akong tutugtog.” Pagkaupo ko sa aking upuan. Nakakamiss na rin kasi ang tunog ng drums, ang sigawan ng mga taong nakakarinig ng musika at yung pakiramdam na nakakapagpasaya ka ng mga taong mahilig rin sa musika. Muli niyang naalala ang makukulit na bandmates na naiwan niya sa Australia. Mas lalo tuloy niyang na-miss ang tumugtog ng drums dahil na rin isa ito sa kaniyang stress reliever.

        At dahil sa instructors ang pumupunta ng classroom ay hindi niya napansin na tapos na agad ang apat na subjects niya sa araw na iyon. Masyado siyang masaya dahil sa audition at excited na nag-iisip ng piyesang tutugtugin nang tapikin siya ni Ayesa sa balikat.

        “Ay palaka!” naisambit niya sa sobrang pagkagulat.

        “Palaka your face Ianne. Kung kasing ganda ko lang naman ang palaka, eh di anong tawag mo sa sarili mo?” sabay buntot ng malutong na tawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Masked MusicianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon