Ark’s POV

            Leche naman oh. Di pa nga ako nakakarating ng mall, sabog na inbox ko sa dami ng text messages nila. Nag-di-drive pa naman ako. Pagkapark ko pa lang ng sasakyan ko, eh nag ring na yung phone ko.

            “Oh, problema niyo?” diretso sagot ko sa kabilang linya.

        “Tol naman, wag HB. Ngiti naman dyan oh, abot na hanggang dito sa 3rd floor yung pagkabusangot ng mukha mo. Naiimagine na namin nila GD at Leil. Hahahaha.” Sabi ng sino pa ba, eh di Seth na keyboardist ng banda.

            “Chill lang tol, di mo pasan ang daigdig. May likod ka pa. Hahaha” turan naman ni GD na bassist namin.

            “Argh. Ewan ko sainyo mga bulok. Tigil-tigilan nyo na yang pan-ti-trip nyo dahil pag ganitong masama ang araw ko eh, kumakatay ako ng mga makukulit na gaya nyo.” Sabay baba ng phone call para di na humaba pa usapan namin.

        Ano ba yan. Di na nila pinatahimik yung phone ko. Vibrate pa rin ng vibrate dahil nagpapaulan pa rin sila ng messages. Napatakbo na ako kasi tiyak tampulan na naman ako ng tukso ng mga kaibigan ko.

        Sa katatakbo ko habang nagdedelete at nagbabasa ng messages, di ko napansin yung naglalakad sa harap ko. Natumba kami pareho at tumilapon lahat ng laman ng mga paper bags na dala niya.

        Napakunot ang noo ko dahil sa dinami-rami ng pinamili nitong kaharap ko. To think na lalake pa man din siya. Naghalo-halo na yung inis ko. Tumayo ako agad at nagsimulang pulutin yung mga gamit nung nakabungguan ko. Pinakiramdaman ko kung nakipulot na ba siya dahil nakatalikod ako sa kanya. At mukhang di pa rin sya gumagalaw mula sa pagkakasalampak sa sahig.

        “Baka inaantay niyang itayo mo pa siya.” Pahayag naman ng konsensya ko.

        “Hay, kalalakeng tao. Kaya na niya tumayo. Besides pinupulot ko na yung mga gamit nya.” Sagot ko naman sa sarili ko.

        Lumingon ako para tignan siya saglit at medyo nabigla ako sa nakita ko. Maganda kasi ang mukha nitong kaharap ko. Pinagdududahan ko tuloy kung lalake ba talaga siya. Pero dahil naalala ko na naman yung inis ko eh, winaglit ko na lang sa isip ko.

            I waved my hand in front of him nung mapansin kong tulala siya.

        “Hey are you still there?” galit na sabi ko. “It looks like your fine to me. It would be OA kung napilayan ka.” I paused and, “Look I don’t have all the time in the world. Will you get up and start picking up your things dude?”

            Pagkasabi ko nun, tumayo siya bigla at padaskol na kinuha yung mga paper bags sa right hand ko at dire-diretsong umalis. Never even bothered na lumingon kahit tinatawag ko pa siya.

            “Great. Just great.” Saad ko sa sarili ko sabay tingin sa dalawng paper bags na naiwan sakin. “Tss. Bahala siya sa buhay niya. Tinatawag kasi, di man lang makuhang lumingon.”

            Aalis na sana ako nang mapansin ko ang isang cellphone sa tabi. Mukhang pagmamay-ari pa ito nung lalakeng yun. I picked it up kahit medyo iritable na ako. I checked the phone if it’s still working and it did. Napatingin tuloy ako sa wallpaper ng phone. It was a picture of a very beautiful girl. There was something in her eyes that makes me want to look at her more. I silently wished na magkita kami sa personal.

        “Ang ganda niya. Girlfriend siguro nung mokong.”

        I tried guessing the lock code para makakuha ng contact number para maisoli ko yung mga gamit nya. But then nakailang tries na ako, wala pa ring nagwowork. Sa sobrang absorbed ko sa kaiisip ng lock code eh nabigla ako nung mag ring yung phone ko.

Masked MusicianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon