Ianne’s POV
Naupo ako sa left side ng kama sa kwarto ko and dialled the phone number of our restaurant pagkatapos kong maligo at makapagpalit.
Pagka-angat na pagka-angat ng receiver ng kabilang line ay nagsalita na ako agad.
“Manager Troy, I suppose the room beside my office is always clean. Right?”
“Yes Ma’am Ianne. I personally made it sure that the room is cleaned twice every week. Bakit po?”
“I’m gonna lend that room to the musician that’s coming there right now. Be sure to be as accommodating as possible. And give anything that’s being asked for. Kayo na bahala sa kanya. Alright?”
“Okay po Ma’am Ianne.” Binaba ko na agad yung phone and turned off the lights.
Ark’s POV
Buti na lang hindi gaanong kaheavy yung traffic sa highway kaya mabilis lang ako nakarating sa restaurant. Hindi pa ako lumalabas ng kotse kahit nasa parking space na ako. Mabilis kong iginala ang aking mga mata sa paligid upang tignan kung nakarating na rin yung mga kolokoy dito.
Nawaglit sa isipan ko ang paghahanap kina Seth nung mapukaw ang interes ko sa pumaradang motor sa harap ng kotse ko. Bumaba doon ang isang babae, the typical rocker chic you see in movies. Angat na angat ito sa tindig pa lang at ayos. Para siyang isang model sa unang tingin. Nakasuot ito ng black high heeled low cut boots, white skinny jeans na may butas sa bandang tuhod at hita, white undershirt, black vest and red neck tie. There was something in her eyes that made me want to look at her more. Sukbit din nito ang isang malaking rectangular bag sa likod nito. Mukhang keyboard ang laman. At ang mas nakapagpapukaw ng interes niya rito eh ang kulay white and blue mask na suot nito it was only covering half her face at ang kalahati naman eh natatabunan ng bangs. She was also wearing a black colored hat na may red feather sa right side.
Mukhang naramdaman nito na may nagmamasid dito kaya inilibot nito ang tingin sa parking lot. Hindi niya sana ako mapapansin dahil tinted naman yung salamain ng kotse ko. Kung hindi lang tumunog ng bigla yung cellphone ko. Nataranta ako nang wala sa oras dahil nahuli niya ako. Naglakad siya papunta sa kung saan ako nakapwesto at kinatok yung salamin. Dahil sa sobrang kaba ay hindi ko nagawang ibaba yung salamin at nung titigan ko ulit yung babae, nakita kong sumilay ang ngiti sa kanyang mapupulang labi. Isama pa yung effect ng dim na ilaw sa parking lot and boom. I realized that the girl took my breath away for a minute. Hanggang sa naglakad na siya papasok ng restaurant eh hinahabol ko siya ng tingin.
Naibalik ulit ako sa realidad nung narinig ko ulit yung ringtone ng phone ko.
“H-hello G-GD?” kinakabahang sagot ko.
“Ark asan ka na ba? Lagi ka na lang nahuhuli. Kanina ka pa namin inaantay dito sa may entrance.”
“A-andyan na. Saglit lang, tu-tumawag kasi si... si dad eh.”
“Style mo tol bulok. Hahaha”
“Bilisan mo na. Gutom na kami.” Rinig kong sabi ni Seth sa background bago naputol yung call. Kaya umibis na ako ng kotse at naglakad papuntang entrance.
“Hay Thanks GOD. Dumating na rin ang mahal na hari.hahahaha”
Binatukan ko tuloy “Loko ka Leil ah. Pumasok na nga tayo. Kung anu-ano pa sinasabi mo. Gutom lang yan.”