Chapter 4-Bad Day

1.1K 68 7
                                    

Dedicate kay Jowlean

---

Emerald's Pov

Bwisit na lalaki yun nakakabadtrip pinagtitinginan tuloy ako pumunta na lang ako dun sa table namin at si Saph ayun nilantakan yung mga binili namin.

"Saph penge namang cupcakes"pangungulit ni Crystal kay Saph na tuloy sa pagkain ng mga sweets niya

"A-YO-KO akin lang toh "sabi ni Saphire kay Crystal at nilayo yung mga pagkain niya na kala mo nanakawin namin.

"Andamot mo naman! Penge kasi"sabi ni Crystal ganyan sila lagi,laging nagtatalo at nag aaway kala mo mga bata "Oh chuckie na lang sayo"saad ni Saph at binato kay Crystal yung chuckie

"Thanks"pagpapasalamat ni Crystal at binuksan yung straw at ininom yung chuckie na binigay ni Saph

"Saph malapit na matapos yung breaktime tas hindi ka pa tapos kumain"sambit ni Jade habang nakatuon parin ang tingin sa librong binabasa niya kanina pa siya nagbabasa sa librong binili niya.

Kami tahimik lang ni Gem ,si Diamond naman naglalaptop busy na naman tungkol siguro yun sa blog niya at yung plano naming business para may extra income kami pagdating ng college.

"Edi uuwi ko "sabi ni Saph at tinatabi na yung mga binili niyang pagkain sa backpack niyang punong puno na."Sa tingin mo kasya yan dyan?"tanong ni Diamond habang nakatingin pa rin sa laptop niya.

"Ahh hindi?"patanong na sagot ni Saph

"Oh paano na yang mga Sweets mo?"tanong ko habang nakatingin sa kanila.

"Kakainin ko na nga lang yung iba!"sabi niya at kumagat sa macaroon niya bigla namang sumingit etong si Crystal na adik din sa matatamis.

"Tulungan na kita Saph"sabi ni Crystal at tumabi kay Saph tinignan lang siya ni Saph at sinubo yung dalawang macaroons, may pagkadamot si Saph pagdating sa sweets niya.

"Ayoko nga"sabi ni Saph pinagmasdan ko lang sila ang kulit nilang dalawa ni Crystal dahil pilit kumukuha si Crystal ng macaroons pero si Saph nilalayo niya yung box.

Habang andun pa rin kami sa canteen ay parang may nakamasid sakin na ewan? Siguro guni guni ko lang yun.

"All student in Colorstoned University,wala muna kayong pasok sa inyong mga subjects ,dahil may meeting ang mga teachers ngayon kaya feel free to go home, para sa mga bago lang pwede kayo mag-ikot  "

Narinig namin sa speaker ng canteen ,kaya sobrang saya ngayon ni Saph dahil makakain niya yung mga pagkain niya.Tuloy lang kami sa mga ginagawa namin ng biglang may dumating na babae ?wait siya yung mukhang coloring book kanina sa room ,may kasama siya ngayon lima silang lahat parepareho din sila mukha silang coloring book ,papunta sila ngayon sa pwesto namin ano naman kaya binabalak ng mga toh?

"Well well well andito pala ang mga Nerds?"sabi niya habang naka mic kaya pinagtinginan tuloy kami ,tumingin din yung anim na lalaki sa shakeys pati yung lalaking nakakabwisit sa kalandian

"Anong problema mo?"tanong ko umupo naman siya sa table namin

"Mukha mo"sabi niya kaya tumawa siya pati yung mga alipores niya pero wala naman nakakatawa.Ang babaw ng kaligayahan nila.

"Nakakahiya naman sa mga mukha niyo eh noh?"singit ni Crystal hindi niya talagang mapigilan yang bibig niya,agad naman tinigil ni Diamond yung paglalaptop niya at tinignan si Crystal dahil ayaw namin may makaaway dahil bago pa lang kami

"What ? Ang ganda nga ng mukha namin oh ?"sabi nung isang kasama niya tinuturo yung mga mukha nilang natatapalan ng sandamakmak na make-up

"Ang ganda nga ng makeup namin eh?branded ang mga makeup namin"pagmamalaki niya hindi ba sakanila uso ang natural beauty?

"Ang kapal nga eh"bulong ni Jade habang nakatingin sa libro niya bigla namang pinalo nung Lorraine yung lamesa namin at ayun napahinto sa pagkain si Saph.

"As if inggit lang kayo gusto niyo ipabelo ko din kayo,nagagandahan kayo samin pati ikaw SAPHIRE dba?"enemphesize niya talaga yung pangalan ni Saph malaking pagkakamali yun ,gusto nila yata mapahiya eh grabe pa naman magsalita si Saph.

"Hindi kaya,mukha nga kayong clown eh ,tara hatid ko kayo perya"inosenteng sabi ni Saph kaya tumawa yung mga estudyante na nakarinig sa sinabi ni Saph sabi ko na ba eh mapapahiya sila kapag si Saph ang kaharap nila.

"Humanda kayo samin"narinig kong banta niya at nagwalkout na yung mga mukhang coloring book.Nagpaalam naman ako saglit para pumunta ng CR.

Naglakad ako papunta ng comfort room ng nakasalubong ko yung bwisit na lalaki,Red ata pangalan nun eh? papasok sana ako ng CR ng bigla siyang humarang don't tell me maglalandi na naman siya?

"Anong problema mo?"tanong ko nakatingala ako dahil napakatangkad niya at maliit lang talaga ako but I don't care.Bigla naman siyang ngumisi at sumandal

"Emerald bat ang taray mo sakin?ayaw mo bang makausap ako?"tanong niya

"Ayoko dahil nakakakulo ng dugo yang pagmumukha mo."maikli kong saad bigla naman siyang lumapit sakin,hindi ako gumalaw dahil hindi ako natatakot sakanya tutal dapat siya ang matakot sakin.

"Mabuti ka pa nga nilalapitan kita ,kinakausap at pinapansin hindi mo ba alam pangarap yun ng ibang mga babae dito sa school?"mayabang niyang saad tinignan ko siya mula ulo hanggang paa

"Kung sa tingin mo napakaswerte ko dahil kinakausap,nilalapitan at pinapansin ako ng tulad mo ay nagkakamali ka hindi ko kailangan na kausapin mo ko,lapitan at higit sa lahat hindi ko kailangan ng atensyon mo"madiin kong sabi dahil totoo naman na hindi ko kailangan ang mga pinagsasabi niya dahil hindi siya libro at higit sa lahat lalaki siya.I hate boys and jerks like him.

Tumalikod ako dahil hindi ko na kailangan mag CR dahil na badtrip ako sa prescence nung lalaking yun at he reminds me of my EX ,na niloko lang ako ,na pinagpustahan lang at ginawang tanga na kakahabol sakanya.

-to be continued-

Conflict of Love:Battle Between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon