Chapter 1-Mall

3.4K 81 6
                                    

Saphire's PoV

Andito kami ngayon sa sala ng mga bestfriend ko lilipat kasi kami ng bagong school. Grade 12 students na kami sa pasukan, napagisipan namin na lumipat sa ibang eskwelahan kaya eto busy kami.

"Uhh—m girls wala pa tayong mga gamit BUKAS na ang pasok natin sa bagong school, wala ba tayong balak bumili?"biglang tanong ni Gem samin yung iba kasi busy sa kanilang ginagawa.

"Malapit na din maubos yung grocery kailangan ko na bumili"pagpapaalala ko marunong kasi sa aming anim ako at si Crystal lang ang marunong magluto. Wala kaming katulong kahit may kaya kami sa buhay dahil pare-pareho naman kaming independent.

"Oo nga wala na tayong stock ng grocery sa ref."sang ayon ni Crystal habang naka tuon ang paningin sa librong binabasa niya.

"Bibili pa kami ni Jade ng mga bagong libro "singit naman ni Emerald.


"Oo nga no, nakalimutan natin bumili ng mga kailangan natin."dagdag ni Diamond habang nagtitipa sa kanyang laptop.


"Tumayo na kayo at magpalit ng damit aalis na tayo, yung kotse ko gagamitin natin para isa na lang."utos ko napatingin naman silang lahat sakin at itinigil nila ang mga ginagawa nila at nag siakyatan na sila sa mga kwarto nila para magpalit.

(After 15 minutes)

"Oh tapos na kayo magpalit halika na aalis na tayo pupunta tayong mall."sabi ko nauna na silang lumabas at ako naman ay ni-lock na yung pinto.

"Ano sa tingin niyo maganda ba yung bagong school natin?"tanong ni Diamond na katabi ko lang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ano sa tingin niyo maganda ba yung bagong school natin?"tanong ni Diamond na katabi ko lang.

"Siguro kasi nag enroll tayo sa isang sikat na paaralan at dapat worth it ang binayad nating tuition fee. I expect na na advance ang kanilang ituturo. "sagot ni Jade sa tanong ni Diamond habang nagbabasa ng libro, nasa likuran silang apat.


"May uniform na ba tayo?"tanong ni Emerald.


"Saphire may uniform na ba tayo?"pag uulit ni Crystal.


"Huwag niyo ko tanungin habang nag mamaneho ako -__-"pagsusungit ko ang dami nilang tanong sa buhay.


"Ang sungit mo naman, nagtatanong lang eh." sabay na sabi nung dalawa.


"Si Diamond tanungin niyo kung ayaw niyo masungitan."bwelta ko sakanila habang nakatingin sa daan baka mabangga kami at ayoko mangyari yun.


"Meron na tayong uniform, pero pinahabaan ko yung palda dahil napaka ikli at ayaw natin ng ganun tapos pinapalitan ko yung mga  heels pinalitan ko ng flats lang, tatanungin niyo kung anong itsura, ang itsura ng uniform natin longsleeve na puti, red yung palda, black na blazer na may pocket at may patch ng Colorstoned University. Oh ano may tanong pa?"sagot ni Diamond sa katanungan nung dalawa full detailed pa para wala ng tanong.


Conflict of Love:Battle Between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon