Chapter 15 *3.1 Eye to eye contact*

11 2 0
                                    

 Still In Probinsya

Chapter 3.1

Luhan’s POV

Pagkalabas ko ng kwarto ko nakita ko si Kris at palakad lakad siya. “Kris, okay ka lang? Mukha kang timang diyan.” Sabi ko and I chuckled.

“Luhan papano ka ba dapat mag sorry sa isang babae?” tanong niya sakin.

“Nagaway nanaman ba kayo ni Jena, pre?” tanong ko sakanya at tumango siya.

“Sinigawan ko kasi si Jena kagabi habang kausap ko siya sa phone. Sino ba namang hindi magagalit kapag nalaman mong nililigawan nanaman siya ni Cloud, diba?” He’s talking about Jena and Cloud. Si Jena isang model na mahal na mahal ni Kris since nung high school pa lang kami at si Cloud yung palaging nakabuntot kay Jena kung wala si Kris sa tabi niya. Cloud is courting Jena and it’s almost 2 years? Sa pagkakaintindi ko mag2 years na siyang nanliligaw kay Jena.

“Ang tanong, pag-aari mo ba siya?” bigla siyang natahimik sa sinabi ko. Practical na ngayon, baka kasi pinagmumukha na siyang tanga ni Jena.

“She’s mine..Mine alone..” sabi niya and he turned back at me. Bumaba na siya ng hagdan at ako naman naiwang naguguluhan. Napakadesperado talaga ng lalaking yun na makuha niya si Jena, hindi niya ba alam na sa ginagawa niya nagmumukha na siyang kaawa-awa?

Napailing nalang ako at naisip kong mahirap pala talagang maging ‘obsess’ ka sa isang tao na hindi mo naman alam kung mahal ka ba talaga niyan o may pake yan sayo. Nakadepende sayo kung papano mo ikokontrol yung emosyon mo, once na magpadala ka ng emosyon mo aasahan mong sa kahuli-hulian ika’y iiyak at masasaktan.

Pagkababa ko ng hagdan naaamoy ko na yung mabangong amoy na nanggagaling sa kusina. Amoy adobong baboy grabe nakakagutom naman.

Pinuntahan ko yung amoy na yun sa kusina at nakita kong may babaeng nagluluto. Tinititigan ko yung likuran niya seems like familiar.

Napalingon siya sa likuran niya at nakita niya ako. “Oh Jean, nandito ka pala. Akala ko ba umuwi ka na ng Maynila?” I asked her and she smiled.

Nilagay na niya yung mga adobong baboy sa plato. Grabe, ang bango talaga! Pinakafavorite ko na pagkain is adobo talaga kahit anong klasing adobo basta adobo. V^____^

“Napagdesisyonan kong samahan nalang si Kris dito, wala din naman kasi akong ibang gagawin kung babalik ako sa Maynila. Ako lang din naman magisa dun, wala kasi si mama at papa.” Sabi niya. Nilapag na niya sa hapag kainan ang niluto niya. Si Jean isang Private Assistant ni Kris at hindi alam ni Kris na mahal na pala siya ng kanyang P.A. Weird diba? Alam niyo kung bakit? Semple lang nagbubulag-bulagan si Kris sa isang pagmamahal na wala namang patutunguhan at si Jean naman nagpapakatanga sa isang taong walang pakealam sakanya. Well, that’s life face the reality.

Forever's Exist~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon