Chapter 14 *2.1 Early Married*

12 2 0
                                    

Chapter 2.1

Honeybee’s POV

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko habang nagbabasa ng wattpad. Sana lahat ng mga love story sa wattpad magkatotoo sa totoong buhay. Sana nga, pero face the reality sa imahenasyon lamang nanggagaling ang mga love story’ng ito.

“Haaaay, ang cute talaga ni Tristan at Andi perfect couple talaga sila.” Nagbabasa ako ngayon ng The Sex Goddess First Love ending na pero pakiramdam ko patuloy parin ng patuloy yung pagiibigan nila yun bang parang totoo talaga, mapait ang love story nilang dalawa ni Tristan at Andi, against all odds ang relasyon nila, hindi gusto ng mga magulang ni Andi si Tristan nakakaawa nga eh, ang papable pa naman ni fafa Tristan. Lol charoot.

Kringggg kringgg kringgg~

Tiningnan ko yung cellphone ko at nakita ko yung pangalan ni Tiwtiwy (Erlene) at sinagot ko naman iyon.

“Oh Tiwy, napatawag ka?”  

“Alam mo na ba?” 

“Ang alin?” –Me (feeling confused)

“Ikakasal ka naaaaa!!!!”  inilayo ko ng konti yung cellphone sa tenga ko. Ang lakas kasi ng boses niya eh. Pero teka---------- ANONG IKAKASAL NA AKO!!? O_O

“ANONG IKAKASAL NA AKO!!? NAHIHIBANG KA NA BA!?” with the highest point of my voice.

“Saan mo naman nasagap yang balitang yan ha!? Ultimo ako hindi ko nga alam eh! Saang lupalop ka ba galing?!”

“Aray naman, hinaan mo naman ng konti yung boses mo Tiwy, nabibingi na ako eh.” Sabi niya sa kabilang linya. Sino ba namang hindi aatakihin sa sinabi niya? Anong ikakasal na ako?

“Hoy! Wag mong sabihing hindi mo alam na ikakasal ka na? Eh bakit sabi sa mga tao dito ikakasal ka na?” halata sa boses niyang naguguluhan siya. Teka nga? Bakit dumeretso sa Cebu yung balitang ikakasal na ako? Bakit hindi dumaan sakiiiin!!!?

“Niloloko niyo ba ako!? Anong ikakasal na ako!? Hoy takte ka! Never pa akong nagkaroon ng boyfriend since birth! Alam mo yun! Sabay tayong lumaki!” napatayo ako, ay grabe ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para akong hihimatayin sa mga oras na to.

Forever's Exist~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon