Prologue :)

34 1 0
                                    

Galit na galit si Missy. Palubog na ang kompanyang pinaghirapang itayo ng papa niya. Kabilin bibilinan pa naman ng ama niyang ingatan ito.

She'll never afford to lost her father's company dahil ito na lamang ang kaisa isang bagay na natitira sa kanya.

Namatay ang papa ni Missy isang taon na ang nakakalipas. Heart attack. Hindi pa din malinaw kung bakit siya inatake ng araw na iyon. Marahil sa sobrang stress at problemang pinagdaanan na nila at ganun ang nangyari.

Bago pa man malagutan ito ng hininga , pinagbilin nito ang kanilang company.

Naaalala pa ni Missy ang araw na iyon.

"Papa, please don't leave us... Pa-pagaling ka pa. . Pa" utal na pakiusap nito habang nasa ICU sila ng St.Lukes Hospital.

"Anak. Pa.....god n-na p-pagod ....na si papa...."

"Pa, h--wag mo pong sabihin yan... Pa, kelangan kita.... W--ala na nga si mama.. L---umaban ka" pakiusap niya dito.

Ngunit kahit anong pakiusap nito, alam niyang pagod na pagod na ang papa niya. Hindi lang niya matanggap na maulila na siya ng lubusan.

Wala na kasi ang mama niya. Lumayas ito, bata pa siya noon.

"K-aw na....baha-la sa kompanya.. H-wag mo pa....pa...baya.an sarili mo. Ma-hal na m-ahal kita."

Yan ang huling salitang binitawan ng papa niya..

Nangingilid na ang luha ng Missy. Kahit kasi isang taon na ang nakalipas ay presko pa din sa kanya ang mga nangyari.

"Missy.." napansin ni Alexa na nangingilid na ng luha ng kaibigan.

"Don't mind me. I'm okay." pinunasan na nito ang mga luhang papatak na sana sa kanyang mga mata.

Hindi lingid sa kaalaman ni Alexa ang pinagdaraanan ng kaibigan niya ngunit kahit siya, hindi din alam kung anong pwedeng ipayo sa kaibigan.

Bitchy MissyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon