Bitch 6: Serenade

14 1 1
                                    

Nagpapahinga pa din ako sa suit ko.. Maya maya kasi mag bonfire daw kami nina tita. Puyatan na this.

I was busy enjoy my bed when. . . .

Knock knock.

"Missy, may I come in?"

Si tita Hannah.. Siguro magyaya na sa bonfire.

"Yes tita. Bukas po yan."

She opened the door and stepped in. Nakangiti siya na para bang isang anghel. Maamo talaga ang mukha niya. No wonder , nagmana sa kanya si Andrei.

"Bat di ka pa nakabihis?" she asked.

"Ngayon na ba tita? "

"Oo sana. Ready na ang place.. "

"Bibihis lang ako tita" nataranta na ako. Baka kasi ako na lamang hinihintay nila.

"Take your time iha. :) Tayong mga babae naman talag eh we need time to fix ourselves. But you know what, dn't bother to search for your best dress. Kahit anong isuot mo, maganda ka pa din" natuwa naman ako. Ang lambing niya at honest pa . Haha.

Nainggit tuloy ako. Buti pa si Andrei may mabait na ina. Maswerte siya. Kung sana kasing buti ng mama ko ang mama niya, siguro wala ako sa ganitong sitwasyon ngayon.

My mom left us when I was still young. Hindi ko matandaan kahit anong bagay na tungkol sa kanya. Maliban sa mga kwento ng papa ko, wala na akong alam tungkol sa kanya. Sabi ni papa, nangibang bansa daw siya. Tinanong ko kung bakit pero ang sabi lang ni papa ay para daw abutin ang pangarap niya. What the hell?! Ang selfish niya di ba? Iniwan niya ako habang nagpapakasaya siya sa ibang bansa. Ni hindi niya ba naisip na baka jindi ako naalagaan ng tama? 21 years of existince. Ni ha ni ho hindi siya nagparamdam. Anong klaseng ina siya?? I grow up na laging mga maids ko ang kasama ko. Sa paggising aa akin, sa pagpapaligo, pagpapakain, at paghatid sa school, si Yaya Andring ang kasama ko.

Minsan nga naiinggit na ako tuwing family day. My dad is very busy running our company. I am left with no other choice but to explore the world with my own.

Kapag siguro nagpakita siya sa akin, I will never forgive her.. Anong irarason niya? Na mas importante ang pangarap niya kaysa buoin ang pamilya niya? Na mas importante yon kaysa sa akin? She can never have me for that.

Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tulala.

"Okay ka lang Missy?" tanong ni tita. Kanina pa pala ako nakatulala.

"Yes tita. Alam niyo po , ang swertre no Andrei sa inyo" i say it out of the blue.

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Bakit mo naman nasabi yan?"

"Lahat naman ng mga may magulang sa tabi nila maswerte po. Nararamdaman nila ang pagkalinga ng isang ina. "

"Walang magulang na gustong mapasama ang anak iha. Kaya gagawin namin ang lahat for the sake of our children" nakangiti niyang tinuran.

"Hindi din po."

Gusto kung idugtong sa sinabi ko na ang ina ko ay ealang kwenta. Na hindi man lang niya ako binalikan.kamk ni papa.

Kumunot ang noo ni tita. Minamasdan ako na para bang nag aantay siya ng paliwanag sa sinabi ko.

"Sige po tita, bihis lang ako saglit " putol ko sa usapan. Ayaw ko na kasing balikan ang masalimoot na katotohanan. Kahit kasi tanggap ko na na hindi niya ako nabalikan, nasasaktan pa din ako. Naaawa sa sarili ko dahil di ko naranasang mahalin ng isang ina. At galit. Galit na galit ako sa ginawa niyang pagbalewala sa akin, sa amin ni papa.

Bitchy MissyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon