Hi everyone. I am Cristella Mich. My friends call me Missy. Spoiled brat. Pinalaki akong nakukuha lahat ng gusto ko. Ayaw ng papa ko madapuhan man lang ako ng kahit isang lamok.. Sanay akong nagbubuhay prinsesa but destiny plays. Dahil sa pagkawala ng papa ko, kailangan kong magpatakbo ng isang kompanyang palubog na.. Hindi ako sanay na iistress. Kaya sobra akong nainibago sa lahat.
Ayaw ko man na ako ang magbuhat sa lahat ng pasaning ito, I have no choice. I am his only child. Whether I like it or not, ako ang magmamana sa company. Lahat ng problemang nakapatong dito, ako ang mabubuhat.
"Hey Missy. What's up? "
Haist. Andito na naman ang asungot na si Andrei.
"Not now Andrei. I'm not in the mood" ilag ko.
Nandito kami sa bar ngayon ni Alexa. Gusto kong magpahinga. Never will I entertain anyone to stress me. Not now when my brain is in the verge of exploding.
"Wrong timing ka Andrei. Mukhang may menstration tong kaibigan natin" sabi naman ni Alexa na noo'y nasa tabi ko lamang.
Paano ako magpapakasaya kung alam kong nakataya sa mga balikat ko ang kabuhayan ng libo libong tao? Kung lulubog ang kompanya, lahat ng mga nagtatrabaho dito ay apektado. Halos lahat pa naman sila ay bread winner sa pamilya.
"Guys please! Can you just help me?" hindi ko na talaga kasi alam kung anong gagawin ko.
Mukhang hindi naman alam ni Andrei ang nangyayari. Hindi ko pa kasi na i oopen ito sa kanya. Hindi naman sa hindi ko siya pinagkakatiwalaan. Sadyang hindi ko lang siya nakakasama lately. We are both busy managing our businesses.
Tinitigan naman ako ni Alexa na animo'y nangungusap na dapat akong humingi ng payo kay Andrei.
"Can somebody tell me what's happening?" kunot noong tanong ni Andrei.
Kelangan ko bang sabihin ito sa kanya? Wala naman tong magandang mapapayo e. Puro kalokuhan ang nasa isip. Sabi ng utak ko.
Wala naman sigurong mawawala.
"My dad's company is dying" halos maluha luha kong sabi.
Sa tuwing binabangkit ko kasi ang tungkol doon, nasasaktan ako. I don't know how to save it.
"Ngayon ko lang alam, may buhay pala ang isang building" biro niya
Tinaasan ko lamang siya ng kilay dahil hindi naman biro ang pinagdaraanan ko. My dad's company is precious. Alam ko na hindi ito maiintindihan ng karamihan pero kaya kong gawin lahat... As in lahat.. Para lamang hindi mawala ito sa akin.
"Look, I'm just kidding okay" now he is serious. Halata siguro niya na nainis na ako.
"I don't need your damn joke!!!" sabay inum ko sa tequila na sinerve ng bar tender sa akin.
Ilang minutong nakakabinging katahimikan ang namayani bago ko ibuka ang bibig ko.
"I'm ready to do everything." halos paluha kong sabi.
Hindi sila nakaimik.. Siguro nga desperada na ako.. Who cares.
"Magpakasal ka" Andrei suggest.
"What???" halos masuntok na siya ni Alexa.
Alexa believes that we should marry the one we love. Dahil kung hindi, magiging miserable lang ang buhay natin. Kaya hindi na ako nagtaka sa reaction niya.
Kung noon siguro naniniwala ako doon. But now, i had considered marrying a rich entrepreneur even before Andrei suggested.
"Naiintindihan mo ba sinasabi mo ha? If missy will marry somebody , dapat yong mahal niya iyon!!" napapalakas na ang boses nito. Marami na din nakatingin sa amin.
BINABASA MO ANG
Bitchy Missy
ChickLitI need you for my company. I am sorry na kinailangan kitang pakasalan para masalba ko ang kompanyang pinaghirapang tinayo ng papa ko. -Missy