Chapter 25: Secret Affair

1.1K 31 6
                                    

Chapter 25: Secret Affair

Dedicated to her! :) Anak, namiss kita!

PM niyo ko kung sino gusto magpadedic! :)

‘Ishi.. Mahal kita.. Mahal na mahal..’

‘Ishi.. Mahal kita. Mahal na mahal..’

‘Ishi.. Mahal kita.. Mahal na mahal..’

“KYAHHHH~!!!!!!!!” Kanina pa ko sigaw ng sigaw dito. Shemay!!! Kanina pa rin ginugulo ako ginugulo ng utak ko.. Ano ba ‘to??!!

Mahal daw ako ni Jules???

*lubdublubdub*

Shete!! Ano bang nangyayari saken? Bakit bumibilis tong tibok ng puso ko? Ghad! Baka atakihin ako ng wala sa oras!

Mahal daw ako ni Jules? Eh ano naman?! Narinig ko nay an dati pa. Alam kong may gusto siya sakin..

Pero bakit parang kakaiba tong nararamdaman ko nung sinabi niya yon sakin?

Napahawak na lang ako sa labi ko. Tsaka.. hinalikan niya ko!!!

Teka.. Bakit parang kinikilig ako? Eh!! Ishi!! Magtigil ka! May boyfriend ka!

Mali itong nararamdaman ko eh. Tsaka bakit ba hindi ko pinigilan si Jules? Tsaka.. Bakit ko ba siya iniisip? Naguguluhan na talaga ako!!

Mahal niya daw ako.. Pero mahal ko si Alexis eh.. Ayaw ko naman siya saktan.. Pero..

“AIIISHHHH!!! ANOO BA NAMAN TO!!!!!!!” Nahagis ko na lang ang unan ko sa pader. Naguguluhan na talaga ako..

“HOY ISHI!!!! MAGPATULOG KA NAMAN! SIGAW KA NG SIGAW DYAN! NABABALIW KA NA!” Sigaw ni Moe sa likod ng pintuan habang kumakatok.

Hindi na lang ako sumagot. Anong sasabihin ko? Na kaya ako sumisigaw kasi kinikilig ako sa nangyari samin ni Jules?..

Teka..

Kinikilig?

Hindi!! Ano ba to!!

Ang hirap naman maging maganda! Jusmiyo! >_<

Makatulog na nga lang.. Pero bago ako matulog..

“Lord.. Please give me a sign.. Lord.. Please..” Pagkatapos na yon ay ang pagpikit ko ng mata..

***

Kinabukasan..

Goodmorning Sunshine!!!

Kinuha ko kagad ang cellphone ko sa bedside table ko. Baka nagtext na si Alexis sakin. Kagabi pa siya hindi nagtetext eh. Miss ko na siya.. :(

Pero mukhang..

Hay. Wala. Napaisip na naman ako sa sinabi ni Jules..

‘Mahal ako ni Alexis..’

‘Sinabi niya? Pero pinaparamdam ba niya??’

Pinaparamdam nga ba niya? Oo.. DATI. Pero ngayon..

Hindi ko lang alam. Pero Ngayon.. alam ko..

Alam ko sa sarili kong..

Nasasaktan ako sa ginagawa niya..

***

Hanggang sa paglabas ko sa bahay, umaasa pa rin akong may Alexis na bubungad sa akin para salubungin ako..

Pero wala..

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at tinignan ang wallpaper ko..

Ang picture namin ni Alexis na nakaakbay siya sakin. “Anon a bang nangyari satin?,” natanong ko na lang sa sarili ko.

Love Acoustic //COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon