Chapter 29: JuShi's back!! weee lol

1K 32 5
                                    

Chapter 29: JuShi’s back

A/N: I’m so sorry guys. Ilang months din naka-onhold to. Sorry. Busy ako. At.. Hindi ko pa dama noon yung feelings ni Ishi. Kaya ganun. Sorry ulit! Enjoy the UD! ^_^V

***

 [ISHI]

Napatayo ako sa pagkakahiga nang Makita kong si Jules ang nasa harapan ko ngayon..

“Ishi.. Let me explain..” sabi niya sa akin. Hindi ko alam kung pakikinggan ko sya o hindi. Ayaw ko syang pakinggan dahil baka puro kasinungalingan nanaman tong sasabihin niya.. pero..

Bakit parang nanlalambot ngayon tong puso ko at gusto ko sya pakinggan?

Tinignan ko sya sa mga mata niya. Alam kong sincere sya.

Pero.. Niloko na rin nya ako..

At kaya niyang ulitin yon..

Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil baka traydorin nanaman ako ng mata ko at bigla nanamang maglabas ng luha. Pagod na ako.

Tinalikuran ko sya pero hinigit niya lang ang kamay ko.

“Jules, ayoko ng marinig yang mga kasinungalingan mo. Masyado ng masakit.” Sabi ko sa kanay. Agad akong tumalikod ng bigla kong maramdamang tutulo na ang luha ko. Asar.

“Pero.. Ishi.. mahal kita..”

O_O -___-

*dubdubdub*

Umiiyak na nga ako, umeeksena pa tong puso ko. >_<

Pero.. bakit ba nagulat ulit ako? Alam ko namang kasinungalingan lang ulit yon.

Hinarap ko sya at binaklas ang pagkakahawak niya sa akin.

“Mahal mo ko? Wow.” I said with sarcasm.

“Ishi.. seryoso ako.” Sabi niya ulit at hinawakan pa ang kamay ko.

Tinanggal ko ulit yon at lumayo sa kanya.

“Kung mahal mo ako, hindi mo ako sasaktan. Hindi ka magsisinungaling. At lalong hindi mo ako lolokohin. Pero hindi eh, lahat yon ginawa mo. Kaya tigilan mo ko sa pagmamahal nay an.” Sigaw ko sa kanya at pupunta n asana ako ng pinto para pagbuksan sya ng pinto pero bigla syang nagsalita na ikinatigil ko.

Love Acoustic //COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon