"Lorayne sumama ka na lang sa'kin kaysa sa magmukmok ka lang diyan sa kuwarto mo!" pasigaw na sabi ni Kuya Karlo mula sa ibaba.
Kanina niya pa kasi ako iniimbitang sumama sa pupuntahan niyang fiesta sa kabilang bayan. Kanina pa din ako tumatanggi pero he won't take no as an answer daw, sinagot ko nga siya ng "Hindi" sa iba't-ibang lengwahe pero tinawanan lang ako ng baliw.
"Sumama ka na please?" at ngayo'y kinakatok naman nito ang pintuan ng kwarto ko.Naglagay ako ng earphones sa magkabilang tenga ko at nagtalukbong ng kumot.
"Bahala ka diyan." Sabi ko pa sa aking sarili.
Day-off ko ngayon kaya wala talaga akong balak gawin kundi manatili dito sa bahay, kumain at matulog. Isang araw lang kasi ang day-off ko kaya sinusulit ko ang pahinga.
Isa akong dining receptionist sa isang international hotel brand ditto sa Iloilo kung saan din ako nag-practicum bilang isang Tourism student. Pagkatapos ng aking practicum sa hotel na ito ay agad akong binigyan ng job offer at sino ba naman ako para i-turn down ito? Kaya right after I graduated ay nagtrabaho na agad ako doon.
Nagulat na lamang ako nang biglang bumukas ang pinto ng aking kuwarto.
"Bangon na Rayne, Please?" pagmamakaawa ni kuya nang maupo siya sa gilid ng aking kama.
"Kuya naman eh. Hindi ba puwedeng mag-isa ka pumunta?" sabi ko sa kanya. I can't get angry at my Kuya Karlo ever.
"Sinabi ko naman sa'yo kagabi di'ba?"
Ate Kaye, his wife, said na makakapunta lamang ang si kuya sa fiesta kung kasama ako. Ate Kaye is really pregnant kaya di na siya pwedeng maglalalabas at ang rason kung bakit kailangan may kasama si kuya ay baka daw hindi na ito makauwi sa sobrang kalasingan!
So maybe what I'm supposed to do is either pigilan itong uminom nang sobra-sobra o siguraduhing makauwi ito kahit sobrang lasing na.
"We're here!" napabuntong-hininga na lamang ako nang nakapag-park na si Kuya Karl. Wala talaga akong nagawa ata napasama na nga ako nito sa kapalit na kakaunti lang talaga ang iinuming alak nito 'daw'.
"Uy pare! Mabuti nakapunta ka! Balita ko kabuwanan na daw ni misis ah." Maingay na salubong ng isang kaibigan niya at kasamahan sa barko na wari ko ay siyang may-ari nitong bahay.
"Siyempre pare di ko naman palalampasin itong mini-reunion natin no? Sayang nga lang at hindi nakasama si Kaye." Naging kaklase din pala nila Ate Kaye ito noong highschool.
Ate Kaye and Kuya Karlo were highschool sweethearts, nagkahiwalay nang tumuntong sa kolehiyo at muling nagkabalikan nang magtagpo muli at heto na nga, nagsimula nang bumuo ng kanilang pamilya.
"Ah pare. Pinsan ko nga pala, si Lorayne." Pakilala nito nang napatingin ang kaibigan nito sa akin. Nginitian ko siya at iginiya na kami papasok.