Chapter 1

4 1 0
                                    

"Rayne! Bilisan mo, andito na si Kyle!" pagtawag ni kuya sa'kin mula sa ibaba kaya dali-dali ko nang pinasok ang aking mga gamit sa loob ng bag at bumaba na para salubungin si Kyle.



"Bye ate, bye kuya!" paalam ko sa kanila at lalabas n asana.



"Teka Rayne! Bring these, kainin niyo on the way." Abot ni Ate Kaye sa dalawang sandwiches at kinindatan pa ako kaya nailing na lang ako at naglakad na papunta sa gate.


Pagkabukas ko ng gate ay nakita ko naman agad si Kyle na nakasandal sa kanyang kotse, nakapamulsa at nakatingin sa kawalan. Hindi niya naman ako napansin kaya napagmasdan ko pa siyang mabuti.


For today, he's in his usual dri-fit shirt, black jeans and rubber shoes. Simple ngunit bawing-bawi naman sa itsura.


Napailing na lang ako sa mga naiisip ko, male-late na nga't lahat-lahat. Hay nako, Lorayne!


"Good morning! Sorry to keep you waiting," bati ko nang nakalapit na ako sa kanya agad naman niya akong nginitian at pinagbuksan ng pinto ng kotse.


"Good morning din, Lorayne." Pagbati niya din sa'kin nang nakapuwesto na siya sa driver's seat.


"Sorry talaga. Napuyat kasi ako kagabi. Nag-iiyak si baby at di maganda pakiramdam ni Ate, si Kuya naman di marunong magpatahan ng anak kaya Tita Lorayne to the rescue." Mahabang pag-eexplain ko sa kanya but he just glance and smiled at me.


"No worries, Lorayne. Tamang-tama lang itong alis natin." Agad ko naming naalala yung pabaong sandwich ni Ate Kaye.


"Sandwich gusto mo?" alok ko sa kanya, umiling naman siya kaya ako na ang kumain. Pagkatapos kong ubusin yung akin ay nilabas ko naman yung sa kanya.


"Ilalagay ko na lang itong sa'yo sa bag mo para may kakainin ka mamaya pag nagutom ka." Inabot ko ang bag niya sa backseat at nilagay doon ang sandwich. Nang umayos ako ng upo ay nakita kong ngiting-ngiti na siya.


"Bakit?" taking tanong ko sa kanya nang nahuli ko siyang pasulyap-sulyap sa'kin while still on full smiles.


"Wala. May naisip lang ako." Na-curious talaga ako kaya kinulit ko siya ng kinulit.


"Wala nga." Palagi niya naman sagot sa pangungulit ko.


Napasimangot na lang nang natatanaw ko na ang hotel at di pa din niya nasasabi kung bakit ganyan siya.


"Hindi mo ba talaga sasabihin sa'kin?" nakangusong tanong ko sa kanya. Itinigil na niya sa likod ng hotel ang kanyang kotse.


"Nevermind na nga 'yun and stop pouting, smile ka na baka mawalan ng gana yung kakain sa restaurant niyo." Sabi niya nang nagpipigil ng tawa, nahampas ko nga ng bag ko bago lumabas.


Pagkapasok ko ng employees' entrance ay agad naman akong dumiretso sa locker room para dali-daling magbihis. Mabuti na lang mabilis magmaneho si Kyle.

Walk AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon