"Kyle?" I whispered to myself nang Makita ko siya sa labas ng employees entrance and exit dito sa hotel.
Nang makalapit na ako sa kanya ay agad naman niyang kinuha yung dala kong bag at iginiya na ako papasok sa kotse.
"Hi Lorayne." Sabi niya nang may nakakalokong ngiti.
"Uhm, hello? Bakit ka andito?" taking tanong ko sa kanya dahil di naman niya ako usually sinusundo galing sa trabaho dahil mas maaga yung labas ko sa trabaho kesa sa labas nila sa review center.
"Sinusundo ka. Bakit? Bawal?" bingyan ko siya nang nagdududang tingin pero tinawanan niya lang ako.
Inirapan ko nga at maglalaro na sana sa cellphone ko pero pagbukas ko nag-shutdown naman agad. Di ko pala na-charge kaninang umaga. Padabog ko naming ibinalik ito sa bag ko kaya napatingin sa'kin si Kyle. Nangiti na lang siya, inabot ang cellphone sa dashboard at inabot sa'kin.
"Anong gagawin ko diyan?"
"Kainin mo Lorayne, baka masarap?" sabi niyang nagpipigil nang tawa. Kinurot ko nga sa tagiliran.
"Aray naman, Lorayne. Battered suitor talaga ako sa'yo." Sabay kamot doon sa kinurot ko, nakahinto kasi kami sa traffic light kaya nakukulit niya ako.
Kinuha ko naman anh phone niya at in-on ito. Napangiti naman ako nang Makita ko ang lockscreen photo niya. It was taken during our first date, 2 weeks after we met each other doon sa fiesta, at Christmas day. It was a stolen photo of me, opening his gift for me.
"Remember what happened after I took that photo?" napatingin naman ako sa kanya nang bigla siyang nagsalita, he was smiling.
Inalala ko naman ang nangyari.
*click*
Napatingin ako kay Kyle nang marinig ko ang camera shutter ng phone niya.
"Hey! Anong ginagawa mo?" sabay palo sa braso niya.
"Taking a picture of you." Balewalang sagot niya habang nakatingin pa din sa phone niya at nakangiti.
"Pero bakit stolen? Baka ampangit ko diyan! I-delete mo nga."
"Kailan ka pa pumanget, Lorayne? I think you're one of the most beautiful woman I've ever met. Kahit ano pang ginagawa mo, I'll still think you're beautiful and I like you." He said looking at me intently which made me feel the heat rushing through my cheeks and I know pulang-pula na ako ngayon kaya iniwan ko siya mag-isa sa fastfood chain at pumuntang restroom.