CHAPTER 15

608 40 2
                                    

[Phoebe's Pov]

Its been a week, at panay na ang practice ng lintik na pageant na 'yan na wala naman akong ginawa kun' 'di ang panoorin sila at 'tsaka aalis na din pagkatapos.

Binigay na din ang librong kailangan para sa pageant na 'yan, kung saan daw ay doon kukunin ang mga tanong sa 'min, hindi naman kakapalan ang librong iyon pero nakakabuhol ng utak pag sinasaulo o binabasa, panay Story Behind the Words at World Facts na panigarado ay dahil kay Augusta at Terrorante 'yon, buti nga at hindi pa dumagdag si Herona, nakakabwisit.

"Ano ba Lyss, chin up sabi eh," inis na atungal nitong ni Kim sa akin.

"Eh pagod na ako, naman eh!" Reklamo ko.

"Wala ka pa ngang gaanong ginagawa, pagod na, sige na, breast out nga!." nagagalit nang saway sa akin ng babae dahil sa katamaran ko.

"Myghad! Ibalik yung libro sa ulo niyan at yung stick sa likura," utos niya kina Nial at Mikey.

Ano bang ginagawa namin?

Wala naman nag eensayo sa pagrampa at ngayon ay sabado at nandito kami sa bahay nina Kim, dito sa rooftop para magsanay, maluwang naman.

Actually kada hapon namin 'to ginagawa para matuto ako na dahilan din para magcramps ang paa ko nakakabwisit.

"Lyss don't look at your feet," ngayon si Mavis naman.

"May libro na nga sa ulo mo sa baba ka pa rin nakatingin, ooooh ayan nahulog na, ibalik niyo," muling nilagay ni Nial yung libro, kinailangan pang umapak sa upuan para mailagay sa ulo ko, tumingkayad pa para maabot ako, kasi nakaheels pa ako ng napakataas bwisit.

"I'm tired!"  Reklamo ko at pinakita ang pagod ko.

"No, keep going sa lunes na 'to," napasimangot na naman ako.

"Smile!" Sabay nilang saad.

Putragi!

"Iiiiiiiii" pag didiin ko pa sa pagngiti habang kitang kita ang ngipin.

"Haist sige na, lakad, ilang linggo na nating pinapractice ito ah, 'di mo pa rin nakukuha, dali na, follow the line, sa mismong pageant walang linya ang lalakaran mo, kaya unayos ka," her patience is about ran out.

Napabuntong hininga ako at sinubukang maglakad at sinundan ang linya gaya ng sabi nila at dahan dahan kong nilakad at nairaos ko naman ng maayos.

"Oh tanggalin na yung libro at stick, now put your right hand on your waist," ani ni Kim kaya ginawa ko naman.

"Walk," Sabay nilang sabi kaya naglakad ako.

"Ganyan oh make it a little bit faster, yung bagsak mo sa puwetan mo para maganda ang dating, don't sway your shoulder, relax lang," sabi ni Mavis.

Napapikit ako, nauubusan na din ako ng pasensya.

"Hoo!" Pagbuga ko ng hangin at ginawa yung lakad na itinuro nila at bahagya pang umikot and pose at ngumiti.

"Waaahh perfect sa wakas!" Halos mapatayo pa si Kim at Mavis at napapalakpak.

"Magaling, kaya mo na yieehh." Sabi nila na animong kinikilig pa.

SHE'S MINE, MINE ALONE [COMPLETED]✓ [Under Revision & Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon